WALA AKONG ITINUTULAK NA SUSUNOD NA PNP CHIEF – LACSON

(Ni NOEL ABUEL) Ipinagkibit-balikat lamang ni Senador Panfilo Lacson na may itinutulak itong susunod na lider ng Philippine National Police (PNP) sa sandaling magretiro na si PNP chief Oscar Albayalde sa susunod na buwan. “Wala akong kilala sa mga ano ngayon. Wala akong nakasama riyan na directly nagtrabaho under me. At ni minsan hindi ako nakialam sa appointment ng CPNP especially sa ilalim ng pamumuno ni Presidents Aquino and Duterte,” giit nito. Idinagdag pa ni Lacson na walang katotohanan na may sinusuportahan itong susunod na PNP chief kung kaya’t binabatikos…

Read More

DAGDAG-PRESYO SA LPG HINDI MAKATUWIRAN – SEN. MARCOS

(Ni NOEL ABUEL) Pinaiimbestigahan ni Senador Imee Marcos sa Department of Energy (DOE) ang malalaking kumpanya ng langis kung ano ang naging batayan ng mga ito sa ginawang napakalaking dagdag presyo ng LPG. Tahasang binatikos ni Marcos ang mga kumpanya na nagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos na itaas nito ang kanilang presyo at magbunga ng napakataas na halaga ng LPG sa mga pamilihan o merkado. Sinabi ng senador na halos aabot sa P55 ang dagdag-presyo ng bawat 11 kilong tangke ng LPG matapos na ideklara ang P5 taas presyo…

Read More

MAGSASAKA PINAHIHIRAPAN BAGO PAUTANGIN

(Ni BERNARD TAGUINOD) Pinapahirapan muna ang mga magsasaka bago sila mapautang ng gobyerno sa ilalim ng Rice Tariffication Law kaya marami ang umaatras lalo na ang mga tenant o nakikisaka lang. Ito ang napag-alaman kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas habang nasa gtina na ng pangangalap ng lagda ang kanilang mga kaalyado upang maipabasura ang nasabing batas. “Ang mga magsasaka natin ay pinapahirapan bago maka-avail ng pautang sa kanila,” ayon kay Brosas kaya nagrereklamo umano ang mga rice farmers sa lahat ng panig ng bansa. Nabatid sa mambabatas na bago…

Read More

TUNNEL SA EDSA

TUNNEL-2

(Ni BERNARD TAGUINOD) Dahil wala ng malabo nang mapalawak pa ang EDSA, iminungkahi ng isang Metro Manila Congressman na maglagay ng tunnel sa ilalim ng nasabing highway na kilala ngayon bilang pinakamasikip na kalsada dahil sa trapik. Ginawa ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang nasabing mungkahi kasunod ng panukala ng negosyanteng si Ramon S. Ang na maglagay ng elevated steel toll expressway sa ibabaw ng EDA upang maresolba ang problema. “A Malaysian-type SMART underneath EDSA is another option that might help solve the horrendous vehicular congestion on EDSA,” ani…

Read More

KULTURA, PAGKAIN AT IBA PA:  BUMBONG SA PUTO… BUMBONG, ANO ‘YON?

PUTO BUMBONG-2

Ang puto bumbong ay isang uri ng kakaning Pinoy na seasonal food sa atin. Seasonal dahil lumalabas lang ito sa merkado sa panahon ng Kapaskuhan. Basta pumasok ang “Ber” months, asahan na nating matitikman na natin ang sarap nito na kadalasan ding kasama ng bibingka. Ang dalawang ito ay aktwal na niluluto sa merkado, nakikita ng tao kung paano ito ginagawa bago ihain o ibigay sa mga mamimili. Pero ano ang bumbong na binabanggit sa puto bumbong? May ideya ba tayo rito o hanggang sa kain lang ang nalalaman natin?…

Read More

JOLLY WAVES SA CALAPAN HOST SA MISS EARTH TALENT COMPETITION

MISS EARTH 2019

Ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro, pamahalaang lungsod ng Calapan at Jolly Waves Waterpark & Resort ang mga punong-abala sa gaganaping talent competition ng Miss Earth 2019 sa Oktubre 10. Itinuturing na pinakamalaking okasyon ng Calapan, aabot sa 30 na mga kandidata mula sa Miss Earth’s Fire Group ang magtatanghal sa Jolly Waves para magtagisan sa talent portion ng naturang pageant. Kilala ang Jolly Waves Waterpark & Resort na pinakamalaking recreational facility sa Calapan, Oriental Mindoro at sa buong MIMAROPA Region. Tampok dito ang world-class na amenities na matatagpuan sa…

Read More

KAGANAPAN SA SENADO, MAY EPEKTO KAYA SA DRUG WAR?

POINT OF VIEW

Parang isang mainit na bakal na binuhusan ng napakalamig na tubig ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga. Kasunod ng sinabi ng dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine National Police (PNP), na may kaugnayan sa mga nagaganap na katiwalian at pang-aabuso ng ilang tauhan at opisyal ng PNP sa pagpapatupad ng nasabing kampanya. Nakakagulat talaga ang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Chief Aaron Aqunio sa Senate hearing. Ito ang ilegal na mga gawain ng mga tiwali at abusadong pulis na kanilang tinaguriang…

Read More

TANGKANG RAPE AT BAWAS-SWELDO, INIREREKLAMO SA LMB WORLDWIDE SERVICES

AKO OFW

Matinding takot na tuluyang magahasa ang naging dahilan kung bakit humingi ng tulong sa Ako OFW ang ating kabayani na si Genelyn Domingo. Ayon sa sumbong na ipinarating sa akin sa pamamagitan ni Ako OFW Social Service Officer Aiysha Consuelo, si OFW Domingo ay dumating sa Saudi Arabia noong Enero 24 lamang. Siya ay dumaan sa tamang proseso sa POEA sa pamamagitan ng LMB Worldwide Services na may tanggapan sa M. Orosa, Malate, Maynila. Ayon sa salaysay ni OFW Domingo: “Noong March 2019 ay hinipo ng kapatid ni madam na…

Read More

ANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY

Psychtalk

Galing sa out of town para magpakalma ng kaunti mula sa pressures ng trabaho, nagulat ako na nagdeklara kamakailan na walang pasok dahil sa napabalitang nationwide jeepney strike. Nanghinayang ako sa isang araw na bawas, pagtatapos sana ng ilang trabaho sa office, pero natuwa ang medyo pagod ko pang katawan. Matagal-tagal na rin na hindi ko naririnig ang usapin ng mga tigil-pasada mula nang nagdesisyong tumira sa labas ng Kamaynilaan. Noong ako’y nasa kolehiyo noong late 80s, ilang beses kong nasaksihan ang mga matatagumpay na tigil-pasada dahil sa madalas na…

Read More