ATENEO, KAMPEON PA

Geva De Vera-Chanelle Lunod

KINUMPLETO nina Geva De Vera at Chanelle Lunod ang pagwalis sa De La Salle, 3-0, para ihatag sa Ateneo ang ikalawang sunod na UAAP women’s badminton championship nitong weekend sa PNP Sports Center Badminton Courts. Ikalimang korona na ito ng Lady Eagles, at tumabla sa karibal na Lady Shuttlers sa ikalawang pwesto ng may pinakamaraming badminton titles. Ang UP pa rin ang nananatili sa unahan sa hawak na nine crowns. “Syempre, I am very, very happy. We did what we set out to do,” pahayag ni Ateneo head coach Kennie…

Read More

P2.4-M SMUGGLED CIGARETTES NALAMBAT NG BOC-ZAMBOANGA

SMUGGLED CIGARETTES-5

(Ni JOEL O. AMONGO) Aabot sa P2.4 milyong halaga ng smuggled  na sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga noong Setyembre 28. Ayon sa report, ang BOC, kasama ang  elemento ng Philippine Coast Guard, Task Force Aduana, Naval Intelligence and Security Group Western Mindanao at Naval Special Operations Unit, ay nagsagawa ng pinagsamang anti-smuggling operation sa bisinidad ng karagatan ng Istanbak, Lower Calarian, Zamboanga City. Sa naturang operasyon, nalambat ang naturang kontrabando. Ayon kay BOC-Zamboanga District Collector Atty. Segundo Sigmundfreud Z. Barte, Jr.,…

Read More

IMPORTER, CONSIGNEE NG PEKENG SIGARILYO TUMBOK NG NBI-SAU AT CUSTOMS

SIGARILYO-3

(Ni HARVEY PEREZ) Sentro ng isinasagawang magkahiwalay na imbestigasyon ngayon ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) kung paano nakapuslit ang humigit kumulang sa P4 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo na nasamsam sa Binondo, Maynila. Partikular na aalamin ng mga nabanggit na investigating team  kung may kasabwat mula sa Bureau of Custom (BOC) ang consignee at importers ng mga pekeng sigarilyo na idineklara bilang tissue paper mula sa Vietnam. Alinsunod na rin ito sa impormasyon na ang kargamento…

Read More

PAGRESOLBA SA ASF, MABILIS PAG NAGKAKAISA

FORWARD NOW

Noong huling linggo ng Hulyo, tayo ay na­bigla sa balitang may kumakalat na sakit sa mga alagang baboy sa ating bansa partikular sa lalawigan ng Rizal. Kaya agad tayong kumilos at nakipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan na nakasasaklaw sa ganitong industriya – ang Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry ((DA-BAI). Ang napaulat na African Swine Fever (ASF) ay kinumpirma ng DA nitong unang linggo ng Setyembre, matapos na lumabas sa pagsusuri na nagpositibo ang blood samples na kinuha sa mga baboy na namatay. Nang pumutok ang balitang…

Read More

PANDI HOG RAISERS, UMAPELA NG TULONG; MAYOR RICO ROQUE, NAMUMULITIKA?

HAGUPIT NI BATUIGAS

Lubhang apektado na umano ang mga nego­syante ng baboy sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) partikular sa bayan ng Pandi kung saan nanawagan ang mga ito ng suporta sa pamahalaang lokal subalit tila hindi sila pinapansin ng kanilang alkalde. Ayon sa grupo ng Livestock Raisers of Pandi, tulungan silang makabangon dahil lubha na silang naapektuhan ng ASF makaraang sunud-sunod na tamaaan ng virus ang mga alagang baboy. Kinumpirma naman ni Mayor Rico Roque na may isang farm sa Brgy. Baka-Bakahan ang…

Read More

PATUNGO SA PAGKAKAROON NG TAMANG POWER MIX PARA SA PILIPINAS

Sa Ganang Akin

CAIRO, Egypt – Sa tuwing ako’y bumibisita sa ibang lugar, ako’y nagkakaroon ng maraming oras at panahon upang magnilay-nilay na kadalasan nagreresulta sa pagkakaroon ng mas malaking pagpapahalaga sa iba’t ibang aspeto ng aking buhay gaya ng aking propesyon sa industriya ng kuryente. Sa isang artikulong akda ni Mohammed El-Said sa Daily News Egypt, sa kabila ng panawagan sa buong mundo na bawasan ang paggamit ng coal, patuloy ang pamumuhunan ng Egypt sa mga proyektong coal-based. Sa katunayan, sa 2020 at 2030, tinatayang aabot sa 10,000 Terawatt-hour (TWh) ang kabuuang…

Read More

4 PATAY SA MENINGOCOCCEMIA SA BATANGAS

MENINGOCOCCEMIA-2

DOH CALABARZON – Apat ang kumpirmadong namatay sa sakit na meningococcemia sa lalawigan ng Batangas na kinumpirma ng Department of Health (DOH) – Calabarzon. Ayon sa nakalap na impormasyon ng DOH, kabilang sa apat na namatay ay tatlong mga bata simula September 22 hanggang October 4, 2019. Namatay sa magkaparehong ospital sa bayan ng Nasugbu ang 1 taon at 2 taon gulang na mga bata noong September 28 hanggang 29 habang namatay naman ang isang 53-anyos na babae noong Sept.22 sa Tanauan, Batangas. Kumpirmado ring namatay ang 4 na buwang…

Read More

WAR AGAINST DRUGS, DAPAT I-LEVEL UP

ILLEGAL DRUGS-2

(Ni DANG SAMSON-GARCIA) IGINIIT ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na napapanahon na upang i-update at gawing moderno ang kampanya laban sa mga drug syndicate sa bansa. Sinabi ni Sotto,  matapos mabunyag ang koneksyon sa pagitan ng illegal drugs operators at mga tiwaling police officers, dapat nang i-level up ng gobyerno ang mga hakbangin upang magsugpo ang problema sa droga. “Despite the various measures currently in place to curtail this social ill, the war against it has not yet been won. Hence, the government is in a continuous search…

Read More

OPERATORS NA ‘DI TATALIMA SA PUV MODERNIZATION, TATANGGALAN NG PRANGKISA

JEEPNEY

(Ni KEVIN COLLANTES) Tatanggalan ng prangkisa ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operators na mabibigong tumalima sa Public Utility Vehicle  Modernization Progran (PUVMP) hanggang sa deadline nito sa taong 2020. Ayon kay Transportation Undersecretary Mark de Leon, sa taong 2020 ay bibigyan muna nila ng notice ang mga naturang operators at kung hindi pa sila tumatalima sa programa ay babawian na sila ng prangkisa. “By 2020 bibigyan kayo ng notice, kapag hindi pa kayo gustong mag-modernize, io-open po namin ang inyong prangkisa sa ibang operators,” babala pa ni De…

Read More