NAIS ng isang mambabatas mula sa Kongreso na mapalakas at mapahusay ang Internet speed sa mga lalawigan para sa mg magbabalik probinsiya na workers sa online learning at work-from-home. Ayon kay Bohol 3rd District Representative Alexie Besas Tutor, napag-iiwanan ang Internet service sa bansa, lalo na sa mga probinsya kaya kailangang mapabilis ang pagtatayo ng common towers na itinatadhana sa DICT charter. Suhestiyon ng mambabatas, dapat mapabilis ang pagtatayo ng mga imprastrakturang ito at kailangang buwagin ang anomang red tape na humahadlang sa mga telecom upang maitayo ito. “Internet access…
Read MoreAuthor: admin
WEBINAR, ‘NEW NORMAL’ SA UGNAYANG OFW, GOBYERNO
WALANG makapipigil sa mga leader ng Overseas Filipino Workers (OFWs) kahit pa magkakalayo ng kinaroroonan ang bawat isa. Dahil ito sa makabagong teknolohiya o paraan na kung tawagin ay ‘Web-based Seminar’ o ‘Webinar’. Ang Webinar ay isang paraan na ginagamit na pagle-lecture, workshop at seminar na sumikat dulot ng pagkakaroon ng lockdown. Sa pamamagitan ng webinar ay naipagpapatuloy ang meetings ng mga kumpanya at opisina ng gobyerno para sa kinasasanayan na work from home. Ito rin ang kasalukuyang ginagamit ng OFW leaders upang makipag-ugnayan sa opisyales o kinatawan ng pamahalaan…
Read MoreGINHAWA SA GITNA NG PANDEMYA
UNTI-UNTI nang nagsisimula muli ang kabuhayan ng mga Filipinong naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng pandemyang COVID-19. Nagbukas at balik-operasyon na ang karamihan sa mga industriya, bagama’t limitado pa rin ang transportasyon at mahigpit na ipinapatupad ang social distancing. Kasabay nito, isa-isa na ring nag-uumpisa ang utilities at mga bangko na mag-abiso tungkol sa mga nakabinbing bayarin na hindi nasingil noong tayo ay naka-quarantine. Hindi mapipigilan ang ilan na- kwestiyunin ang sitwasyon, at umapela na bigyan sana pa ng konsiderasyon at panahon na makapag-adjust muna bago maglabas ng…
Read MoreKALIGTASAN NG MGA OBRERO TIYAKIN
MALAKING bahagi ng pwersa ng mga manggagawa na naninilbihan sa Metro Manila ay mga residente ng lalawigan ng Rizal. Sa bahagyang pagbubukas ng iba’t-ibang industriya at mga pagawaan sa Metro Manila noong nakaraang Lunes, dahil sa pagluwag ng mga patakarang nakaumang laban sa COVID-19, marami sa mga Rizaleño na namamasukan sa National Capital Region ang lumuwag ang paghinga dahil sa panibagong pagkakataon sa kabuhayan. Sa kabila nito, nandyan pa rin ang agam-agam ng marami sa kanila dahil sa banta ng virus na ito. Kaya tayo ay nananawagan sa kanilang mga…
Read MorePara pabulaanan ang kumalat na fake news MGA KAWANI NG TANAUAN CITY COUNCIL, ISINAILALIM SA COVID-19 TEST
BATANGAS-Isinailalim sa swab testing ang mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan matapos kumalat ang mga balita na ilan sa mga ito ang positibo sa COVID-19 na labis ikinatakot ng mamamayan ng lungsod. Base sa resultang inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ipinarating sa City Health Office, negatibo sa nasabing virus ang mga empleyado. Nauna na ring nagpalabas ng pahayag ang tanggapan ni Tanauan City Vice Mayor Jun-Jun Trinidad na pinabubulaanan ang ulat at tinawag itong ‘fake news’. Nakaranas umano ng diskriminasyon ang mga empleyado ng tanggapan…
Read MoreBINATANG NAGTAMPO SA INA, NAGBIGTI
CAGAYAN – Nagbigti ang isang 21-anyos na binata makaraang hindi payagan ng kanyang inang OFW na puntahan ang kanyang ama, noong Biyernes ng gabi sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Meljohn Gagala, residente Brgy. Cadcadir East, Claveria, Cagayan. Batay sa report ng Claveria Police Station, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kanilang bahay. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nabasa sa cellphone ng biktima ang palitan nila ng mensahe ng ina habang nagpapaalam si Gagala na pupuntahan ang kanyang ama. Ngunit hindi umano pumayag…
Read MoreBULACAN NAGTALA NG 73 RECOVERIES SA COVID-19
BULACAN – Nakapagtala ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health, ng kabuuang bilang na 73 COVID-19 na mga pasyente na gumaling na mula sa nasabing virus. Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, isa umano itong mabuting balita na sa kabila nang paglobo ng kaso ay patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa lalawigan. Samantala, umabot na sa kabuuang 784,822 food packs ang naipamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa mga Bulakenyo simula nang ipairal ang lockdown at patuloy ang isinasagawang relief operations. Ayon kay Dr.…
Read MoreSANGGOL SA DAVAO, NAMATAY SA COVID-19
DAVAO City – Nababahala ang Police Regional Office (PRO) sa Davao Region makaraang mapaulat na isang sanggol ang namatay sa loob ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP)-Haran dahil sa pneumonia, isang sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kasalukuyang pinangangambahan ang posibleng kontaminasyon sa loob ng pasilidad kung saan pansamantalang naninirahan ang 700 mga Lumad. Ayon kay PRO-Davao Director Police Brigadier General Filmore Escobal, nakatanggap sila ng report na isang 8-buwan gulang na sanggol ang namatay sa loob ng haran. Inilibing umano sa Madapo Cemetery ang sanggol noong…
Read MoreTULAK ITINUMBA SA LOOB NG BAHAY
HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 43-anyos na tricycle driver na hinihinalang drug puhser makaraang barilin sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo. Kinilala ang biktimang si Ricardo Gapas Jr., binata ng #2069 Daang Bakal sakop ng Brgy.155 sa Tondo. Ayon sa ulat, kitang-kita sa CCTV ng Barangay ang gunman na nakasuot ng itim na jacket, facemask at bull cap. Batay sa ulat ni Det. Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 6:50 ng gabi noong Sabado nang mangyari ang insidente…
Read More