(NI DAHLIA S. ANIN) NAGTUTULUNGAN na ang Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO) upang maging epektibo ang pagresponde sa polio outbreak sa bansa. “Today, mayroon po tayong meeting, ang DOH at WHO, to finalize kung ilan pong eksaktong vaccines ang kakailanganin natin,” ayon ay Health Undersecretary Eric Domingo sa isang panayam sa telebisyon. Nangako umano ang WHO sa kanila na maibibigay ang lahat ng bakuna na kailangan at mabibigyan nito ang lahat ng dapat mabakunahan. Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ng ahensya ang pagbabalik ng sakit na…
Read MoreAuthor: Jet
OFWs PROTEKTAHAN VS CRYPTO SCAMS – SOLON
(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN ang ilang senador sa pamahalaan na protektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa crypto scams na nambibiktima sa mga mahihirap na Filipino. Ayon kay Senador Francis ‘Tol’ Tolentino, kailangang palawigin pa ang pag-aaral kaugnay sa paggamit ng cryptocurrencies at iba pang digital currencies para maproteksyunan ang publiko mula sa mga scam, partikular ang mga OFWs. Kaugnay nito, isinumite ni Tolentino ang resolution no. 129 sa Senado, na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa kasalukuyang ipinatutupad na regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang ahensya ng…
Read MorePMA CHIEF NAGBITIW SA GITNA NG HAZING PROBE
(NI AMIHAN SABILLO) DAHIL sa ‘command responsibility’, bumaba sa tungkulin si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista ngayong Martes, kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Inihayag ni Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa harap ni Commandant of Cadets Brigadier General Bartolome Vicente Bacarrro, sa agarang press conference sa Fort del Pilar sa Baguio City. “Tapos na ang mga administrative and criminal case gayundin ang prosecution procedures. The last act that this great military institution demands is for the leadership to take responsibility over what happened. In…
Read More‘DI LANG 3 ANG SANGKOT SA HAZING– PAMILYA DORMITORIO
(NI KIKO CUETO) HINDI kumbinsido ang pamilya ng napatay sa hazing na si Darwin Dormitorio na tatlo lang ang sangkot sa pagkamatay nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA). “Kami ng tatay ko, hindi kami convinced na ‘yung tatlo lang ang may hand dito,” sabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter sa panayam sa DZBB. “Definitely siguro may iba pang involved na mga kadete, hindi lang namin ma-conclude. Sa amin lang parang ang hirap paniwalaan, dalawang tao tsaka isang senior magagawa talaga ‘yun?” dagdag nito. Kwento ni Dexter,…
Read MoreHOUSING BANK IPINATATAYO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagtatatag ng Housing Bank of the Philippines para sa lahat ng financial assistance sa housing sector. Sa pagdinig ng Senate Committee on Housing and Urban Planning, sinabi ni Tolentino na layon ng Housing Bank of the Philippines na maiayos ang pagbibigay ng ayuda sa mga gustong mag-avail ng housing program. “Pangarap ng bawat tao na magkaroon ng tahanan na masisilungan lalo na tuwing panahon ng kalamidad, tulungan natin sila na makamit ang pangarap na ito,” saad ni Tolentino. Lumitaw sa…
Read More300% ROAD USERS TAX INCREASE, MAHIHIRAPAN SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) DUDA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na lulusot sa Senado ang panukalang itaas ng 300% ang Motor Vehicle Users Charge (MVUC) o mas kilala bilang road users tax. Ayon kay Sotto, malinaw na ang muling tatamaan ng dagdag na singil sa buwis na ito ay ang mga vehicle owner na matino namang nagbabayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno. “Mahihirapan yan. Yung mga tatamaan dyan yung mga nagbabayad din ng tax na matino,” saad ni Sotto. Bukod dito, sa kasalukuyan ay may pondo pa rin mula…
Read MoreP1.6B DAGDAG BUDGET SA DEPUTY SPEAKERS, FAKE NEWS – CAYETANO
(NI ABBY MENDOZA) NILINAW ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katotohanan na ang hinihinging dagdag na P1.6 bilyon ng House leadership ay para sa budget ng may 22 deputy speakers. Sa pagdalo ni Cayetano sa kauna-unahang General Assembly ng Congresssional Spouses Foundation Inc. (CSFI) kung saan inilunsad ng foundation ang Pinto sa Kongreso, isang art exhibit na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga programa ng CSFI ay sinabi nito na ‘fake news’ ang lumabas na ulat dahil hindi para sa deputy speakers ang hinihinging dagdag na pondo…
Read MoreALEX AT TONI, SINAGOT ANG TUMAWAG SA KANILANG ‘MALNOURISHED’
Sa Instagram post ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, isang netizen ang nag-comment sa larawan nila ng, “Para kang malnourish…..u need to eat more! Health before wealth.” Unang sumagot si Toni. Sinabi nitong “payat talaga genes namin. Di kami tabain.” Sinabi ng netizen na hindi naman payat ang parents nila. Ipinagtanggol ni Alex ang ate niya: “vegetarian nga sya eh.” Tungkol sa comment tungkol sa parents nila, ito ang sagot niya: “huy syempre matanda na sila pag nakita mo ang daddy nung kabataan nya ganyan din.” Kuha ang larawan…
Read MoreGILAS COACHING JOB, OK NA KAY CONE
(NI JJ TORRES) PORMAL nang tinanggap ni Tim Cone ang alok bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang naging decision ng Barangay Ginebra San Miguel coach matapos nilang magpulong kahapon upang i-finalize ang ilang detalye ng offer na binigay noong nakaraang linggo. “I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interest but wanted to finish his game last night and talk to…
Read More