(NI ABBY MENDOZA) LUSOT na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Inaprubahan ng komite na sa halip na sa Mayo 2020 ay gagawin na ito sa Mayo 2023. Matatandaan na una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na itakda sa Oktubre 2022 ang Barangay at SK Election subalit umapela ang Commission on Elections(Comelec) na panatilihin ang 1 year gap sa pagdaraos ng national at barangay election, ang susunod na…
Read MoreAuthor: Jet
AKTIBO, RETIRADONG GENERAL, NASA LISTAHAN NG ‘NINJA COPS’
(NI NOEL ABUEL) AABOT sa ranggong hanggang heneral ang mga itinuturong kabilang sa ‘Ninja cops’ na sangkot sa pagre-recycle ng illegal na droga sa loob ng Bureau of Corrections (Bucor). Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence Go subalit tumanggi itong tukuyin ang pangalan ng mga pulis na kasama sa listahang ipinakita ni dating Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa executive session sa Senado. Aniya, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang may karapatang magsabi ng pangalan ng mga pulis na…
Read MorePULIS SA RECYCLED ILLEGAL DRUGS PANGANGALANAN NA
(NI NOEL ABUEL) POSIBLENG magpatawag ng caucus si Senate President Vicente Sotto III sa posibleng pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga aktibo at retiradong pulis na pinangalanan sa executive session na nasa likod ng pagre-recycle ng illegal na droga sa Bureau of Corrections (Bucor). Sinabi ito ni Sotto sa gitna ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na hihilingin nito sa mga miyembro ng Senate Comittee on Justice and Human Rights na ibulgar ang naging talakayan sa executive session. Magugunitang noong nakalipas na pagdinig ng nasabing komite ay hiniling ni dating…
Read More‘MATATANDA, MAY SAKIT NA INMATES UNANG PALAYAIN’
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa Department of Justice (DOJ) na unahin ang pagpapalaya sa mga matatanda at may sakit na inmates sa New Bilibid Prison (NBP). Sa ginanap na pagdinig sa 2020 budget ng DOJ, ipinarating ni Go kay DOJ Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng mga matatanda at may sakit na inmates na nakasalamuha umano nito noong bumisita sa NBP. “Sumusulat po ako sa inyong tanggapan upang humingi ng inyong tulong at konsiderasyon. Umaapela po ako sa inyo sa ngalan ng mga presong kasalukuyang nakakulong sa…
Read MoreMAJORITY BLOC NG KAMARA KAY PING: NAME YOUR SOURCE
(NI ABBY MENDOZA) HINAMON ng Majority Bloc ng Kamara si Senador Panfilo Lacson na pangalanan ang sinasabing congressman o congressmen na source ng kanyang impormasyon na nagsasabing P1.5 bilyon ang nakalaang pondo sa bawat 22 deputy speakers ng Kamara at P700 milyon naman sa mga kongresista sa ilalim ng 2020 national budget. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez hindi nila alam kung saan galing ang mga impormasyon ni Lacson. Ang ipinasa umanong budget ng Kamara na nakatakda pa lamang i-transmit sa Senado sa Oktubre 1 ay carbon copy ng…
Read More4PS PROGRAM IPINAREREBISA SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senador Imee Marcos na dapat baguhin ng gobyerno ang sistema sa pagbibigay ng financial assistance sa mahihirap o ang 4Ps Program. Ayon kay Marcos, dapat idepende sa pangangailangan ng benepisyaryo ang pamamahagi ng tulong mula sa 4Ps. “We are recommending a targeted approach, a more focus approach and perhaps a more diversified approach. Walang silver bullet, walang iisang solusyon para sa kahirapan,” saad ni Marcos. “Ang argumento natin sa 4Ps, kailangan nang itailorfit. Sa 2007-2009, nagsimula yan hanggang ngayon mag-iisang dekada na, hindi pa ba…
Read MoreBIYAHENG PNR TUTUBAN-BICOL TULOY NA
(NI KEVIN COLLANTS) INIANUNSIYO ng Philippine National Railways (PNR) na naging matagumpay ang isinagawa nilang inspection trip sa kanilang mga tren mula Tutuban, sa Maynila patungong Camarines Sur at pabalik. Ayon sa PNR, isinagawa ang naturang inspection trip bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng biyahe ng PNR patungong Kabikulan. Umalis ang tren sa Tutuban noong Biyernes, Setyembre 20, patungong Camarines Sur at nakabalik nitong Lunes, Setyembre 23. Tumagal lamang ng 12 oras at 44 na minuto ang biyahe mula Naga hanggang Tutuban, na tatlong oras na mas mabilis kaysa sa…
Read MorePAGBABALIK SA DEATH PENALTY UMUUSAD NA
(NI BERNARD TAGUINOD) UMUSAD na ang panukalang batas na magbabalik sa parusang kamatayan para sa mga heinous crime offenders tulad ng mga drug lords, rapist at mamamatay tao sa Pilipinas. Nitong Martes ay pormal nang sinimulan ng House committee on justice na pinamumunuan ni Rep. Vicente ‘Ching’ Veloso ang pagdinig sa mga panukalang batas na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa. Ayon kay House deputy speaker Ferdinand Hernandez, isa sa mga may akda sa nasabing panukala, nakababahala ang mga krimeng nangyayari ngayon sa bansa kaya hindi umano dapat manood lamang…
Read MoreFORENSIC UNIT NG PAO, KINUWESTYON; PONDO ILILIPAT SA NBI
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Public Attorney’s Office sa pagbuo nila ng sariling forensic unit na maituturing anyang duplication lang ng trabaho ng government investigative bodies. Dahil dito, iginiit ni Drilon na ilipat na lamang sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magamit sa kanilang crime laboratory ang P19.5 milyong budget para sa tanggapang ito ng PAO. Binigyang-diin ni Drilon na walang proper authority at mandato ang PAO upang bumuo ng sarili nilang forensic unit para sa imbestigasyon at paghahain ng kaso partikular kaugnay…
Read More