KONSTRUKSIYON NG BULACAN INT’L AIRPORT: GAME NA! – DOTr

(NI KEVIN COLLANTES) ‘ALL systems go’ na ang Department of Transportation (DOTr) para sa konstruksiyon ng Bulacan International Airport. Lumagda na sina DOTr Secretary Arthur Tugade at San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Operating Officer Ramon Ang, ng concession agreement para sa SMC unit San Miguel Aerocity Inc. para siyang mag-finance, mag-design, magtayo, mag-operate at magmantine sa massive international airport sa Bulacan. Nabatid na ang naturang deal ay may 50-year concession period. Ayon kay Tugade, nilagdaan na rin niya ang Notice to Proceed para masimulan ng San Miguel ang konstruksiyon…

Read More

RESERBANG SCHOOL BUILDINGS HILING IPATAYO

angara12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang gobyerno na magtayo na ng mga karagdagang classrooms kahit hindi pa kailangan upang tugunan ang mga enrolles sa susunod na panahon. “I think we should now implement a zero-backlog program. Let’s choose a year of when it will be achieved. And once that’s done, let’s stock up on new classrooms that will be ready in time for new enrollees to come in,” saad ni Angara. Ipinaliwanag ni Angara na kailangan nang palawigin ng gobyerno ang kanilang Build, Build, Build program para…

Read More

P100-M BAWAT KONGRESISTA; MAKABAYAN BLOC ‘NABUKULAN’

(NI ABBY MENDOZA) NANINDIGAN ang Makabayan Bloc na malinaw na pork barrel pa rin na binago lang ang termino ang P100M alokasyong ibibigay sa bawat mambabatas sa ilalim ng 2020 national budget. Ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate,  taliwas sa pahayag ng House Leadership na lahat ng mambabatas ay tatanggap ng tig P100M alokasyo ay hindi kasama rito ang kanilang hanay. “Bayan Muna and Makabayan bloc representatives did not avail or partake of any so-called P100 million allocation per House member for itemized projects to be included in…

Read More

DISMAYADO SA DOH; P2-M PONDO SA SANITARY TOILETS ‘DI SAPAT — VILLAR

(NI DANG SAMSON-GARCIA) DISMAYADO si Senador Cynthia Villar sa maliit na budget na inilaan ng Department of Health (DOH) para sa ‘open defecation.’ Sa Senate subcommittee hearing sa panukalang P160.15 billion budget ng DOH sa 2020, iginiit ni Villar na hindi sapat ang P2 million allocation sa pagpapagawa ng sanitary toilets sa ilalim ng Environmental and Occupational Health  para matugunan ang suliranin sa open defecation. Sinabi pa ni Villar na base sa pagtaya, dahil sa may 3.5 milyong  Pilipino ang gumagawa ng ‘open defecation’ sa  Metro Manila, may 700,000 households…

Read More

PRESYO NG BIGAS BUMABA NG 2%; PALAY BUMAGSAK NG 37%

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG bumaba ng dalawang porsyento ang presyo ng bigas dahil sa Rice Tariffication Law, bumagsak naman ng 37% ang presyo ng palay simula nang ipatupad ang nasabing batas noong Marso. Ito ang naisiwalat sa plenary debate sa budget ng Department of Agriculture (DA) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya talo umano saan mang anggulo ang mamamayan sa nasabing batas. Sa interpelasyon ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat, inamin ng DA, sa pamamagitan ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Cuaresma, na umaabot lang sa 2% ang ibinaba ng presyo…

Read More

UP UNGOS SA NU GA-BUHOK!

(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) NAKATAKAS na naman ang University of the Philippines Fighting Maroons sa isa pang dikitang laro. Habang nagpatuloy naman ang kabiguan sa panig ng National University. Kahapon, umiskor ang UP ng 80-79 win laban sa NU sa pagpapatuloy ng aksyon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nabitiwan ng Fighting Maroons ang 14-point second quarter advantage at ang 78-71 lead sa huling 2:13, at nangailangan ng swerte sa dulo para hablutin ang panalo. Sinikap ni Dave Ildefonso…

Read More

GOWN NI KIM CHIU, PINAGLARUAN SA MGA VIRAL MEMES

SADYANG  malikot ang isip ng mga Pinoy. Ang mala-mermaid na gown ni Kim Chiu na sinuot niya sa 2019 ABS-CBN Ball nitong weekend ay pinaglaruan sa mga nakatatawang memes sa social media. Nag-viral agad ang compilation ng mga funny memes. Naging payong, shawarma, table napkins, paper airplane, rocket, atbp. ang naturang gown na dinisenyo ni Benj Leguiab na naging controversial din noong June ng kasalukuyang taon dahil sa gown niya para sa national costume ng isang beauty contestant. 490

Read More

SUPPLY SAPAT PERO PRESYO NG LANGIS SISIRIT

oil1

(NI ROSE PULGAR) TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat pa ang suplay ng petrolyo ng Pilipinas ngunit aasahan ang posibilidad na pagsirit sa presyo nito dahil sa epekto ng pagsalakay sa dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia. Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may ‘oil inventory’ pa na aabot sa isang buwan ang Pilipinas, mas mataas sa 15 araw na requirement ng DOE. “Ang inventory natin, andiyan eh. We don’t see the problem of supply. Ang problema dito is ‘yung impact on the price,” ani ni…

Read More

SOLON: PULIS SA DRUG RECYCLING PANGALANAN!

(NI ABBY MENDOZA) HINAMON ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino na kung may katotohanan ang alegasyon na patuloy ang pagrerecyle ng nakukunpiskang illegal drugs ng mga pulis ay kilalanin at arestuhin ang mga ito. Ayon kay Biazon ang tanong ay kung gaano kalawak ang pagre-recyle, hanggang saan at gaano kataas ang mga ranggo ng mga pulis na sangkot dito. Kung may nalalaman umano si Aquino sa sinasabing pagrerecyle ay dapat pangunahan nito ang operasyon at hindi matigil lamang sa naging rebelasyon ang…

Read More