(NI ABBY MENDOZA) TUMAMA ang isang magnitude 5.4 quake kanina sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks dala ng naganap na lindol. Sa datos ng Phivolcs alas 3:00 ng hapon naramdaman ang pagyanig na ang sentro ay sa bayan ng Saranggani. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 24km. Naramdaman din ang Intensity 1 sa Alabel, Saranggani at sa General Santos City. Walang inaasahang pinsala sa naganap na lindol. 627
Read MoreAuthor: Jet
GCTA MESS IPINALILINIS NG DOJ KAY BANTAG
(NI HARVEY PEREZ) INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang bagong Bureau of Corrections (BuCor) chief na iprayoridad ang paglilinis sa katiwaliang nilikha ng implementasyon ng good conduct time allowances (GCTA). Ang kautusan ay ginawa ni Guevarra matapos mag-courtesy visit si bagong talagang BuCor Director General Gerald Bantag sa kanyang tanggapan, Miyerkoles ng umaga. “I told him to focus on three major objectives, in the order of urgency: clean up the GCTA mess; full computerization; and stop illegal drug trade inside,” ayon kay Guevarra. Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete…
Read MoreSA PAGLAYA NG 70-ANYOS PATAAS NA PRESO; SUNDIN ANG BATAS – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HATI ang mga mambabatas sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga preso na edad 70 anyos pataas dahil naniniwala ito na hindi na gagawa ang mga ito ng krimen. Sa press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni House minority leader Bienvenido Abante na hindi lamang umano ang awa ang dapat pairalin sa pagpapalaya sa mga matatandang presyo kundi ang batas. “In a way that would be compassionately and emotionaly okey, but what about the law? Ano nakalagay sa batas?,” tanong ni Abante. Ayon sa mambabatas, may…
Read MoreKAALAMAN NG PUBLIKO SA ML, KULANG — IMEE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Imee Marcos na kasalanan din ng kanilang pamilya kung may kakulangan sa kaalaman ngayon hinggil sa Martial Law. Ang pag-amin ni Marcos ay kasunod ng kanyang pagpabor sa pagtuturo ng Martial Law sa University of the Philippines. “Karapatan naman ng UP, yan may academic freedom naman talaga,” saad ni Marcos. “Maganda rin na pinag-aaralan…At least sana bigyan din kami ng pagkakataon na sabihin kung ano ang pagkaalam namin sa nangyari. Importante dun na may view points ng bawat isa at maririnig ang bawat isa,”…
Read MoreDAGDAG DIALYSIS SESSION SAGOT NG PHILHEALTH OK SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG matulungan ang mga mahihirap na pasyente na nagpapa-dialysis, inaprubahan na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na dagdagan ang sesyon na sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Walang tumutol nang aprubahan sa House committee on health ang 9 Comprehensive Renal Replacement Therapy (RRT) bill na inihain ng mga mambabatas sa Kamara. Sa ilalim ng nasabing panukala, magkakaroon na ng 156 hemodialysis sessions o 3 session kada linggo ang maaaring matanggap ng mga pasyente na may sakit sa kidney. “Magiging malaking…
Read MoreDEPED INUPAKAN SA MABAGAL NA PAGPAPATAYO NG MGA SCHOOL
(NI NOEL ABUEL) SINISISI ng isang senador ang mabagal na pagpapatayo ng silid-aralan ng Department of Education (DeEd) kung kaya’t hindi nito nakamit ang target na bilang ng enrollees sa mga paaralang multigrade, Special Education (SPED), Arabic Language Islamic Values Education (ALIVE), Indigenous Peoples Education (IPED) at Alternative Learning System (ALS). Ayon kay Senador Win Gatchalian, chair ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, sa pagdinig ng Committee on Finance tungkol sa 2020 budget ng DepEd, dahil sa kabiguan ay nagkaroon ng domino effect o negatibong resulta. “Ang…
Read More2 BUCOR OFFICIALS GAGAWING STATE WITNESS KUNG…
(NI NOEL ABUEL) POSIBLENG gawing state witness ang dalawang Bureau of Corrections (BuCor) officials kung ibubunyag ang mga katiwalian sa loob ng bilibid. Kasabay nito, pinayuhan ni Senate President Vicente Sotto III ang dalawang opisyal ng Bucor na mas mabuting magsalita na lamang sa nalalaman ng mga itong illegal na gawain sa National Bilibid Prison (NBP) upang malinis ang mga ito sa kasalanan. Ayon kay Sotto, dapat na mag-isip ng mabuti sina Atty. Fredric Anthony Santos at BuCor documents section chief Ramoncito Roque kung ano ang gustong mangyari sa buhay…
Read MoreSUPORTA PA SA MALASAKIT CENTERS LUSOT SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na ng House Committee on Health ang substitute bill na layong maestablisa ang Malasakit Program at ma-institutionalize ito sa mga mga ospital. Ang Malasakit Center na nagsisilbing one-stop-shop para sa mga pasyenteng nangangailangan ng financial assistance pero hindi sila sakop ng benepisyo ng PhilHealth ay programa ni Sen Bong Go, subalit sa oras na maisabatas ito ay popondogan na ang programa at magkakaroon ng na center sa lahat ng mga government hospitals. Sa kasalukuyan ay mayroong 35 Malasakit Centers ang nakabukas sa iba’t-ibang ospital sa bansa.…
Read MoreMICHELLE, SUMUSUNOD SA MGA YAPAK NG INANG SI MELANIE
(NI ASTER A. AMOYO) BEAUTY queen na rin ang twenty-four-year-old na si Michelle Dee, isa sa dalawang anak ng dating mag-asawang Melanie Marquez at businessman at dating actor-producer na si Derek Dee na kanyang minana sa kanyang inang si Melanie. Melanie was only 15 years old nang siya’y koronahang Miss International in November 12, 1979 sa Tokyo, Japan. Forty years later ay naulit ito sa kanyang anak na si Michelle na siyang kinoronahang Miss World Philippines last Sunday, September 15, 2019 sa Big Dome (Araneta Coliseum). Two years ago, ang…
Read More