(NI ABBY MENDOZA) NANINDIGAN ang isang law expert na hindi maitututing na pugante ang nga bilanggo na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kaya hindi maaaring ipatupad sa kanila ang warrantless arrest. Ipinaliwanag ni UP law professor Pacifico Agabin na legal ang pagpapalabas sa may 2,000 convicts ng New Bilibid Prison kaya hindi sila maaaring ituring na pugante. Hindi sang-ayon si Agabin sa posisyon nina Justice Secretary Menardo Guevara at House committee on justice chairman Vicente Veloso na maituturing na estado ng “continuously committing an offense” ang mga…
Read MoreAuthor: Jet
SUPORTA, BUHOS SA PH WOMEN VOLLEY TEAM
(NI VT ROMANO) TODO ang suportang ibinubuhos ng Philippine Superliga (PSL) para sa national women’s volleyball team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games. Katunayan, tatayong punong-abala ang PSL sa second leg ng Southeast Asian Grand Prix sa Oktubre 4-6 sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan ang koponan mula sa Vietnam at Thailand ang ilan lamang sa mga lalahok. Ang Philippine team ay kasalukuyang nasa Thailand para sa first leg ng nasabing Grand Prix na lalaruin sa Setyembre 20-22. Ayon kay Dr. Ian Laurel, pangulo ng PSL, na lahat ng…
Read MoreP1-B PONDO NG DA PINAGAGAMIT VS ASF
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPINAALALA ni Senador Sonny Angara na mayroong P1 bilyong Quick Response Funds (QRF) ang Department of Agriculture sa ilalim ng kanilang calamity fund na maaaring gamitin laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF). Sinabi ng chair ng Senate finance committee na dapat nang gamitin ng DA ang emergency fund upang labanan ang banta sa food source. Binigyang-diin ng senador na nasa P280 bilyon ang naidaragdag ng industriya ng magbababoy sa ekonomiya. “This ASF is by all accounts a calamity. It may not have the dramatic footage…
Read MoreBAGYONG ‘NIMFA’ BINABANTAYAN; 1 PANG LPA, HABAGAT HUMAHATAW
(NI JEDI PIA REYES) GANAP nang bagyo at patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) sa Basco, Batanes at tinawag ngayong ‘Nimfa’. Kasabay ng paghataw ng tropical depression ‘Nimfa’ ay ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Zambales bukod pa sa malakas na epekto ng hanging Habagat. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa), hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Nimfa’ ngunit nagpapabago-bago aniya ang galaw nito. Asahan na ang mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at Occidental Mindoro…
Read MoreP700-K RAKET SA ANNULMENT IBINUNYAG SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) HALOS ipinagdiinan ni Senador Risa Hontiveros na napapanahon na ang pag-apruba sa panukalang Dissolution of Marriage o Divorce Bill. Ito ay makaraan anyang lumitaw sa kanilang una’t huling hearing sa panukala na may mga taong ginawang raket ang proseso ng annulment. Sinabi ni Hontiveros na batay sa mga impormasyon, umaabot pa sa P700,000 ang gastos para sa proseso ng annulment lalo na kung ang grounds ay psychological incapacity. “May lumabas na annulment scam, pinagkakitaan ang heartbreak ng ating mga kababayan,” saad ni Hontiveros. Tiniyak ng senador na…
Read MoreKAMARA PABOR SA WARRANTLESS ARREST SA GCTA FUGITIVES
(NI BERNARD TAGUINOD) TINUKURAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang warrantless arrest sa mga presong nasentensyahan sa karumal-dumal na krimen at pinakawalan dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi pa sumusuko. Sa ambush interview kay House committee on justice chairman Vicente Veloso, hindi na kailangan ang arrest warrant sa mga presong hindi pa bumabalik o sumusuko. “If you do not go back to Bucor (Bureau of Correction), then you’re evading your sentence. That’s continuing crime,” ani Veloso na dating Mahistrado ng Court of Appeals (CA). Ginawa ng mambabatas ang…
Read MoreDEP’T OF OFW OK NA SA DISYEMBRE
(NI BERNARD TAGUINOD) TINIYAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa sa Disyembre ang Department of Overseas Filipino Workers (OFWs) na sinimulan nang dinggin sa committee level nitong Martes. Sa ambush interview kay House Speaker Allan Peter Cayetano, umaasa ito mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala bago ang Christmas break ng Kongreso sa Disyembre. Ayon kay Cayetano, kakausapin umano ng mga ito ang Senado na magsagawa ng kahit dalawang joint hearing sa mga bansa kung saan maraming nakabaseng OFWs subalit hindi nito sinabi kung saan…
Read MoreP110-B ILALAAN SA 15% SALARY HIKE NG TEACHERS, NURSES
(NI ABBY MENDOZA) SA loob ng susunod na tatlong taon ay magpapatupad ng kabuuang 15% salary increase ang Duterte administration sa mga government employees kabilang dito ang mga nurses at teachers at sa kabuuan ay P110 bilyon ang gugugulin para dito. Ayon kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda, ang salary hike ay nakapaloob sa Salary Standardization Law 5(SSL5) at hindi na kailangan ng bagong pagkukunan ng buwis para ipatupad ito. Dahil nakapaloob na sa 2020 budget ang unang tranche ng wage increase ay kailangan na lamang…
Read MoreWITHDRAWAL NI CARDEMA ‘DI PA PINAL
(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi awtomatikong matatanggal bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List Group si dating National Youth commissioner Ronald Cardema, matapos na maghain ng notice of withdrawal sa poll body. Nabatid kay Guanzon, kailangan pa rin itong desisyunan ng Commission en banc kung aaprubahan ba o hindi ang naturang kahilingan ni Cardema. “His ‘withdrawal’ is not automatic. The Commission En Banc has to rule on that,” post ni Guanzon, sa kanyang Twitter account. “We are not a stamping pad…
Read More