MATAPOS ANG BUCOR, OPERASYON SA BJMP BUBUSISIIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINDI paliligtasin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagsisiyasat hinggil operasyon ng droga sa bansa ang mga kulungan na sakop ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ay makaraang aminin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na mayroon ding operasyon ng droga na nagaganap sa mga kulungang saklaw ng BJMP. “It’s a revelation…I am not surprised at all that even up to now, it’s still happening, may drug operations being directed from inside,” saad ni Lacson. “Maski BJMP meron din. And…

Read More

2 LPA, 1 BAGYO SA LABAS NG PAR NAGPAPALAKAS SA HABAGAT

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) DALA ng hanging habagat ang nararansang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa na pinalalakas ng dalawang Low Pressure Area at isang bagyo na nasa labas  ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa), ang isang LPA ay ang dating bagyong Marilyn, una na itong nakalabas ng PAR, humina at naging LPA subalit sa wind forecast ahensya ay inaasahang babalik ito ng PAR  sa loob ng susunod na 48 oras. Ang isa pang LPA ay namataan sa kanluran ng Zambales, mababa ang tsansa…

Read More

LIBRENG GAMOT SA MGA POBRE ISUSULONG SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng libreng gamot ang mga mahihirap na Filipino na nagkakasakit kapag naipasa ang panukalang batas na ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa ilalim ng House Bill 616 o “Free Medicine for the Poor Act” na iniakda ni Quezon City Rep. Aflred Vargas, nais nito na ilibre na sa gamot ang mga mahihirap na Filipino lalo na ang mga nabibilang sa ‘poorest of the poor’. “The World Health Organization has observed that the major causes of death in low income countries can be treated effectively with…

Read More

KAKAPUSAN NG LANGIS AAGAPAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na agapan ang posibleng kakapusan ng suplay ng langis sa bansa kasunod ng drone strike sa Saudi Arabian oil facility. Sinabi ni Gatchalian na kailangan bumalangkas ang DOE ng energy security sa pamamagitan ng paghahanap ng iba’t iba pang oil supplier. Iginiit ng senador na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang dagdag na bigat sa pasanin ng mga consumer. “The surge of global oil prices as a result of the recent devastating drone strike on a Saudi…

Read More

ASF OUTBREAK SA RIZAL, BULACAN IDINEKLARA  NG DA

(NI KIKO CUETO) NAGDEKLARA na ng outbreak ng African Swine fever ang Department of Agriculture (DA) sa tatlong lugar sa lalawigan ng Rizal at sa Bulacan. Ayon kay DA Spokesperson Noel Reyes, ito ay base sa confirmation tests na kanilang inilabas. Kabilang sa may outbreak ng ASF ang Guiguinto, Bulacan maging ang sa Rodriguez at Antipolo sa Rizal. “So far there are no other places included, but we are monitoring reports … at pinapaigting pa naming ngayon ang monitoring and quarantine protocols,” sinabi ni Reyes. Noong Setyembre 9, kinumpirma ng…

Read More

NU MULING TUMIKLOP; LUHOD SA UST

(NI JOSEPH BONIFACIO) MULING tumiklop ang National University Bulldogs at sa pagkakataong ito’y sa kamay ng University of Santo Tomas Tigers, 87-74, kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Umiskor si Rhenz Abando ng seven points sa final 1:32 sa regulation period, bago nagsalaksak si Rhenz Abando ng dalawang triples sa overtime para tuldukan ang panalo ng UST. Tumapos si Abando ng 21 points, six rebound at two assists, nang pangunahan ang UST sa pagbangon mula sa 68-63 deficit, 42.3…

Read More

PRIVATE CARS GUSTONG IPAGBAWAL SA EDSA

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa inaasahang Christmas rush, ngayon pa lamang ay iminumungkahi na ng isang mambabatas na ipagbawal ang mga pribadong sasayan sa kahabaan ng Edsa tuwing rush hour at hayaan na ang mga pampublikong sasakyan ang dumaan dito. Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice bago pa tumindi ang trapiko sa Edsa dala ng Chistmas rush ay dapat nang ipatupad ang kanyang ipinapanukala at isagawa ito hanggang sa hindi natatapos ang MRT-3 rehabilitation, Metro Manila subway at ang northern at southern Luzon expressways. Sa panukala ni Erice ay bawal…

Read More

AIKO MELENDEZ ISINUGOD ANG SARILI SA OSPITAL

NAKATAKDA sanang maging judge ang aktres na si Aiko Melendez sa grand coronation ng Miss World Philippines 2019 kahapon, September 15. Pero dahil sa isang emergency, hindi na ito nakadalo sa nasabing beauty pageant. Sumugod sa ospital si Aiko kamakalawa, September 14, nang makaranas ito ng pamamanhid ng kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Sabi ni Aiko sa kanyang Facebook account: “I would like to send my apologies to the organizers of Ms. World Pageant. For i will not be able to make it later to judge. Last night i rushed…

Read More

DOLE KAILANGAN NG TAUHAN VS POGOs

(NI KIKO CUETO) INAMIN ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kulang ang kanilang tauhan para habulin ang mga dayuhang manggagawa na sinasabing sangkot sa illegal offshore gaming tulad ng Philippine offshore gaming operators (POGO). “Right now, we only have 710 inspectors and we recently were given additional 500 labor law compliance officers,” sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam sa ABS-CBN News Channel o ANC. Sinabi ni Bello na bukod sa pag-iinspeksyon sa POGOs, ang mga labor inspectors ay kailangan din na mag-monitor ng mga compliance ng 900…

Read More