(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat pang palawakin ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) sa mga attached agencies nito. Sinabi ni Drilon na dapat magkaroon nang direktang kontrol at superbisyon ang DOJ sa Bureau of Corrections (BuCor) gayundin sa iba pang ahensya upang masawata ang katiwalian at iba pang iligal na aktibidad sa ahensya. Dapat anyang amyendahan ang Republic Act 10575 o The Bureau of Corrections (BuCor) Act of 2013 dahil masyadong naging malakas ang kapangyarihan ng mga opisyal nito na nagresulta pa…
Read MoreAuthor: Jet
LADY EAGLES, HUMABOL SA BYAHE
(PHOTO BY MJ ROMERO) HUMABOL sa biyahe ang Ateneo Lady Eagles nang talunin ang University of Perpetual Help, 25-18, 25-9, 25-17, para sa huling tiket sa semis ng Pool ng PVL Collegiate Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Habang siniguro naman ng College of Sta Benilde ang upuan sa Final Four, nang gapiin ang Technological Institute of the Philippines, 25-13, 25-16, 25-9 para sa No. 2 spot sa Pool B. Matapos yumuko sa Adamson noong nakaraang linggo, ang una nilang talo sa torneo, at sa pagbabalik…
Read MoreKATHRYN KUMINANG NANG HUSTO SA ABS-CBN BALL
PABORITONG loveteam sa ABS-CBN Ball 2019 sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel. Pero mas kuminang nang husto ang bituin ni Kathryn. Ang form-fitting fuchsia gown ni Kathryn ay gawa ni Michael Cinco. Masasabi ngang ganap na ang transformation niya mula sa pagiging prinsesa at ngayo’y isa nang reyna. Samantala, may bago na ring titulo si Kathryn, ang “Asia’s Superstar.” Ito ang caption ng Instagram post ng Star Cinema. Ito’y matapos ang tagumpay ng worldwide hit na Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ng aktres at ng Kapuso actor na si…
Read MoreKADIWA STORES BINUHAY NI IMEE
(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) BINUHAY ni Senador Imee Marcos ang Kadiwa Stores na isa sa mga programa ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Marcos, layun ng kanyang programa na mabigyan ng mga produktong may mababang presyo ang publiko lalo na ngayong Ber Months. Layun din nito na masawata ang pag-aabuso ng mga convenient stores sa pagtataas ng kanilang mga presyo. “Nag-uumpisa na rin magtaasan lalo na sa ating mga convenient store kaya wag natin hahayaan na magsitaas ng Ber months. Kaya eto ang Kadiwa,”…
Read MoreHIGIT 2,000 APEKTADO NG HABAGAT
(NI JG TUMBADO) NASA mahigit 2,000 indibidwal o 480 pamilya ang apektado ng hagupit ng southwest monsoon o habagat na pinalakas ng tropical depression ‘Marilyn’. Batay sa impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umiral ang habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas region. May kabuuang 2,360 indibidwal ang naitalang apektado ng naranasang pag-uulan bunsod ng habagat. Nananatili ang 1,815 indibidwal sa itinalagang apat na evacuation center na ang ilan sa mga apektadong residente ay mula sa Region 9, 11 at 12. Samantala, nawasak ang karamihan…
Read MoreEMERGENCY POWERS NI DU30 VS TRAFFIC KAILANGAN — ANDANAR
(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN si Communications Secretary Martin Andanar sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang malalang problema sa trapiko. Ayon kay Andanar dapat lamang na mabigyan ng emergency powers si Duterte dahil sa paniniwalang ito lamang ang tanging paraan para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila. “Hindi ho dapat ito maging—iyong tinatawag natin na linear approach, iyong tipong you solve the traffic from A to B, A to D… bale—hindi ho dapat ganoon. Dapat…
Read MoreIBA PANG RAKET NI FAELDON SA BUCOR, KAKALKALIN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINATIKOS ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang iba pang sinasabing iregularidad ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon sa New Bilibid Prisons (NBP). Kabilang na rito ang sinasabing tangkang pagpapatupad ni Faeldon ng ‘no sticker, no entry’ policy sa NBP. Sa impormasyon, bibilhin kay Faeldon ang sticker para sa bawat sasakyang papasok subalit kinuwestyon ng asosasyon kaya’t hindi tuluyang naipatupad. “Narinig ko rin yan. Kaya nga lang hindi na-implement ang sticker dahil nagbabayad na rin ng sticker ang mga nakatira roon. At may nakatira roon,…
Read MoreWALANG KURYENTE
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Manila Electric Co. (Meralco) na pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa maintenance works. Batay sa inisyung paabiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works ngayong Linggo, Set. 15 at magtatagal hanggang sa Set. 21, Sabado. Sinabi ng electric company na kabilang sa mga apektado nito ang Dagat-dagatan, Caloocan City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 7) dahil sa replacement at relocation ng concrete pole; a line reconductoring works sa Tanigue St. Sinilyasi St.; Makati…
Read MorePAMPUBLIKONG SASAKYAN PRAYORIDAD SA MGA LANSANGAN
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG hindi mahirapan ang masa sa pagbiyahe araw-araw papasok sa kanilang trabaho at sa pag-uwi, bibigyan ng prayoridad ng Kongreso ang mga pampublikong sasakyan sa mga lansangan. Ito ang napag-alaman kay House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ng Samar hinggil sa blueprint ukol “centralized and synchronized bus dispatch system” lalo na sa Edsa. “Ang sasakyan ng masa ang bibigyan natin ng prayoridad,” ani Sarmiento hinggil sa kanilang ‘shorterm solution” sa tumitinding problema sa trapiko kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ang nahihirapan. Ayon sa mambabatas, hindi ang mga may…
Read More