BASHERS NATAMEME SA KASEKSIHAN NI KC CONCEPCION

(NI PETER LEDESMA) SA bagong pictorial ni KC Concepcion bilang first Pinay celebrity na ambassador ng Shiseido Cosmetics, tiyak na matatameme ang bashers at haters niya dahil slim na ulit ang figure ng dalaga! Grabe ‘yung bashing na natamo ng mega daughter na pinagtripan ang kanyang pata at sinabihan pang mas mataba na siya compared sa kanyang Mommy Sharon. Well, nakasama namin noon si KC sa “The Buzz” at kapag napapansin niyang medyo nagiging heavy siya ay mabilis naman itong magpapayat. Sino ba naman kasi ang hindi magge-gain ng weight,…

Read More

DELA ROSA IIMBESTIGAHAN SA GCTA LAW SA BILIBID – OMBUDSMAN

dela rosa12

(NI ABBY MENDOZA) INAMIN ni Ombudsman Samuel Martires na kasama sa kanilang iniimbestigahan sa isyu ng paglabag sa Good Conduct Time Allowance(GCTA) Law si dating Bureau of Corrections(BuCor) chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa. Si dela Rosa ay nagsilbing BuCor Chief mula Abril hanggang Oktubre ng taong 2018. Ayon kay  Martires maliban kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon ay kasama rin si dela Rosa sa motu proprio investigation gayundin ang iba pang naging opisyal ng ahensya simula noong 2014. Maliban sa posibleng kasong administratibo, iniimbestigahan din ng Ombudsman…

Read More

COMELEC MAGDARAOS NG VOTER REGISTRATION PARA SA IPs

(NI HARVEY PEREZ) IPATUTUPAD ng Commission on Elections (Comelec), ang limang araw  na  Indigenous Peoples (IP) Satellite Registration sa susunod na linggo para  lahat ng mamamayan sa bansa ay makaboboto sa susunod na  halalan. Ang  IP Registration Week ay idaraos sa buong bansa simula Setyembre 16 hanggang 20, 2019. Nabatid na sa panahon umano ng IP Registration Week, magdaraos ang poll body ng satellite registrations sa bawat lalawigan sa buong bansa na tukoy na may IP population. Binanggit ng Comelec  na isinasapinal pa ng provincial at regional offices ng poll…

Read More

BAGYONG ‘MARILYN’ NASA PAR NA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) ISA nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng bansa at bukas inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) pagpasok ng bagyo sa PAR ay tatawagin itong bagyong Marilyn, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h at bugso na 70kph. Bagama’t nasa labas ng PAR ay apektado na umano ng buntot ng bagyo ang Occidental Mindoro,Oriental Mindoro, Romblon,Marinduque, Palawan, Bicol at Visayas na nakakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan. Hindi inaasahan ng…

Read More

SOGIE BILL ‘DI PA RIN ISUSUKO SA SENADO

rissa45

(NI NOEL ABUEL) SA kabila ng pagkakamaling pahayag ng Malacañang na sinertipihan nang urgent ang SOGIE Equality Bill ay walang panghihinayang ang mga nagsusulong nito na maipapasa pa rin ang nasabing panukala. Ayon kay Senador Risa Hontiveros, sa kabila ng tinatanggap nito na naging kapalaran ng anti-discrimination measure ay natutuwa pa rin ito dahil sa kasama ito sa ipinaglalaban ng mga LGBT community. “While an anti-discrimination measure is welcome, the SOGIE Equality Bill remains the best policy tool to protect members of the LGBT community from discrimination, harassment, and even…

Read More

CRUSADER? IGNORANTE SIYA! –DU30 KAY PING

(NI HARVEY PEREZ) PINUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Panfilo Lacson dahil sa pagsawsaw nito sa bawat isyu na mistula umanong nagtatangkang maging isang  ‘crusader’ pero isa namang ignorante. Ang pahayag ay ginawa ni Duterte matapos nitong alalahanin  ang pahayag ni Lacson at Vice President Leni Robredo na kapwa binatikos ang kanyang sinabi na walang masama  na tumanggap ng regalo ang mga police officers kung ito ay kusang ibinibigay bilang pagtanaw ng utang na loob. “His penchant to just right away [make comments] in every issue… I think he’s…

Read More

‘PAMPASAHERONG SASAKYAN I-PRAYORIDAD SA KALYE’

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL karaniwang mamamayan ang apektado sa trapik sa Metro Manila, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iprayoridad sa lansangan ang mga pampasaherong sasakyan. Isa ito sa suhestiyon ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago lalo na’t 20% lang umano sa mamamayan o populasyon ng Metro Manila ay may sasakyan habang ang natitirang 80% ay mga commuters. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Elago, naglatag ito ng ilang suhestiyon para hindi mahirapan ang mga karaniwang mamamayan sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho at eskuwelahan.…

Read More

SAN BEDA RED LIONS ‘DI NAAWAT; PERFECT 10!

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI nagpaawat ang defending three-time champion San Beda at sinungkit ang ikasampung sunod na panalo, matapos balyahin sa ika-22 sunod na pagkakataon ang Emilio Aguinaldo College, 98-66 kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre. Dahil sa panalo, ang San Beda ay 10-0 na sa ongoing tournament. “Even though we’re number one, I’m happy with what I’m seeing with my boys. They are coming in early and taking their shots. Hopefully, we could sustain this but it’s still a long way…

Read More

IBABALIK SA ‘PINAS; NO WAY! — JOMA

joma12

(NI KIKO CUETO) PINAGTAWANAN lang ni exiled communist leader Jose Maria Sison ang pinakabagong hakbang ng Duterte Government para siya ay mapabalik ng bansa sa pamamagitan ng extradition. Sa pahayag, sinabi ni Sison na hindi siya mapupwersa na maibalik sa Pilipinas, kahit na humirit pa ang pamahalaan ng tulong sa International Criminal Police Organization (Interpol) para maaresto siya. Sinabi ni Sison na saklaw at protektado siya ng United Nations’ Refugee Convention at ng European Convention on Human Rights. “No international authority can override the fact that I am in the…

Read More