(NI HARVEY PEREZ) PUMALO na sa may 249,332 ang naitalang kaso ng dengue ng Department of Health (DOH) at nasa 1,021 na ang bilang ng mga nasawi mula Enero 1 hanggang Agosto 21, 2019. Nabatid kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito ay may 50% mataas kumpara sa naitalang 119,224 kaso ng dengue at 622 ang nasawi sa kaparehas na panahon noong 2018. Sinabi ni Domingo na karamihan ng kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas na may 42,694; sinundan ng CALABARZON, 35,136; Northern Mindanao, 18,799; Zamboanga Peninsula, 17,529; at…
Read MoreAuthor: Jet
HONASAN LUSOT NA SA CA
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) TULAD ng inaasahan ay walang kahirap-hirap na pumasa sa Commission on Appointments (CA) ang interim appointment ni dating senador at ngayo’y Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II. Nagkakaisa ang mga senador na ibigay kay Honasan ang posisyon nito nang walang anumang balakid. Kabilang sa mga nag-endorso kay Honasan sina Senate Majority Leader Migs Zubiri, Senador Cynthia Villar, Senador Joel Villanueva, Senador Bong Go at Senador Ramon Revilla Jr. “Secretary Honasan has, so far, 44 years of experience in public…
Read MoreP2-B DAGDAG NA PONDO PAMBILI NG PALAY NG FARMERS
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng karagdagang P2 billion ang National Food Authority (NFA) na pambili sa palay ng mga magsasaka sa mas mahal na presyo kumpara sa mga pribadong traders. Ito ang tiniyak ni House Speaker Allan Peter Cayetano sa ambush interview sa gitna ng deliberasyon sa 2020 national budget sa Kamara upang mas marami umanong magsasaka ang matulungan ng gobyerno. “Definitely not lower than P9 billion, but we’re looking for much more,” ani Cayetano kaya magkakaroon ng realignment sa pambansang pondo subalit hindi pa tinutukoy kung saan ahensya ito…
Read MoreP8.2-B BUDGET NG OP APRUB NA SA SENADO
(NI NOEL ABUELA) AGAD tinapos ng Senate finance subcommittee ang pagtalakay sa hinihinging pondo ng Office of the President na aabot sa P8.2 bilyon para sa susunod na taon. Hindi na pinatagal pa ni Senador Christopher Lawrence Go ang pagdinig sa komite nito at kinailangan lang ng 10 minuto at agad na pinagtibay ang pondo ng OP. Kasama rin sa komite ang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald dela Rosa na hindi na nagtanong pa kung saan gagamitin ang pondo ng OP.…
Read MorePAGPATAY SA 3 OPISYAL NG BUCOR INIUUGNAY SA GCTA LAW
(NI LYSSA VILLAROMAN) MALALIMANG imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ginagawa ng pulisya upang malaman kung may kaugnayan ang pagpaslang sa mga ito sa good conduct time allowance (GCTA). Ito ay napag-alaman kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Major General Guillermo Eleazar at iniutos sa mga tauhan ang masusing imbestigasyon sa pagkakapatay kamakailan kay Ruperto Traya Jr., administrative officer ng document processing division sa BuCor makaraan itong pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem. Ayon kay Eleazar, nabanggit sa imbestigasyon sa…
Read MorePALA-ABSENT NA KONGRESISTA NABABAWASAN
(NI ABBY MENDOZA) RECORD high ang naging attendance ng mga mambabatas sa House of Representatives simula July 22 hanggang Setyembre 10. Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales ang 247 attendance sa loob ng 18 session days ay maituturing na historic at testimonya ito ng magadang pamumuno sa Kamara sa ilalim ng leadership ni House Speaker Alan Peter Cayetano. “I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano. The high attendance…
Read MorePERJURY VS BUCOR OFFICIALS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senador Richard Gordon na posibleng maharap sa kasong perjury ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na isinasangkot sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale. Partikular na tinukoy ni Gordon si Correctional Officer III Veronica Buño na batay sa salaysay ng testigong si Yolanda Camilon ay nakausap nito para sa ibabayad niyang P50,000 kapalit ng maagang kalayaan ng kanyang asawang si Godfrey Gamboa. Sa pagdinig noong Lunes, ipinarinig pa ni Camilon ang audio recording ng usapan nila ni Buño subalit itinanggi pa rin…
Read MoreRICE TRADER NA PASAWAY I-TOKHANG – SOLON
(NI ABBY MENDOZA) BUNSOD na rin ng paglabag ng mga rice traders na patuloy na umaabuso sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL), inirekomenda ni Albay Rep. Joey Salceda na gumawa na ng hakbang ang Malacanang at tokhangin ang mga ito. Ayon kay Salceda, chair ng House Committee on Ways and Means, hindi natitigil ang paglabag ng mga rice traders kaya nararapat lamang na gumawa na ng hakbang ang pamahalaan, una na rito ay pagbubukas sa mga warehouse ng mga rice traders at busisiin ang kanilang import deliveries. “Lumalabas po…
Read MoreYENG GUIAO, QUITS!
NAGBITIW kahapon bilang coach ng Gilas Pilipinas si Yeng Guiao, matapos ang masalimuot na kampanya sa FIBA World Cup na ginanap sa China, kung saan walang naipanalo ang koponan. Ang resignation ni Guiao ay nangyari isang araw matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan. “In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in…
Read More