(NI JEDI PIA REYES) NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Calatagan, Batangas, Biyernes ng gabi. Ayon sa Philippine Instititute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong alas-6:32 ng gabi sa layong 18 kilometro ng Calatagan. May lalim na 87 kilometro ang lindol na tectonic ang origin o pinagmulan. Naramdaman ang Intensity III sa Tagaytay City, Intensity II sa Mandaluyong City at Muntinlupa City; at Intensity I- Talisay, Batangas; at Quezon City. Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro;…
Read MoreAuthor: Jet
E-CIGARETTES ‘DI LIGTAS GAMITIN
(NI NOEL ABUEL) NAGKAKAISA ang mga eksperto na hindi maituturing na ligtas gamitin ang mga electronic cigarettes (e-cigs) sa kabila ng marami ang naniniwala na mas mabuti ito kung ikukumpara sa sigarilyo. Sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, nagkakaisa ang mga eksperto mula sa Department of Health (DOH), sa World Health Organization (WHO), at sa Philippine College of Physicians (PCP) sa pagsasabing walang patunay na mas ligtas gamitin ang mga heated tobacco products (HTPs) at vape products kung ikukumpara sa mga conventional cigarettes. “There is no…
Read MoreSPECIAL TREATMENT SA 10 HIGH PROFILE CONVICTS IKINABAHALA
(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang isang senador sa posibleng paglaya ng 10 high profile inmates mula sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa paglilipat sa mga ito sa Marine barracks sa Taguig City. Ito ang pahayag ni Senador Francis Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, kasunod ng ginawang pag-amin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inilipat sa Marine barracks ang nasabing mga high profile inmate dahil sa security reasons. Giit ni Pangilinan, patunay lamang aniya na walang kapabilidad ang prison system sa bansa para bantayan ang inmates sa bansa…
Read MoreP50K HANGGANG P1.5M ‘TARA’ SA GUSTONG LUMAYA SA BILIBID
(NI NOEL ABUELPHOTO BY DANILO BACOLOD) TUMATAGINTING na P1.5 milyon ang pinaghahatian ng organisadong mafia sa Bureau of Corrections (Bucor) kapalit ng maagang pagpapalaya sa mga convicted heinous criminals sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA). Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson base sa naging pahayag ng ilang testigong humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng GCTA Law o sa Republic Act 10592. Sa pagtataya, sinasabing nasa 2,000 heinous crime convicts ang napalaya simula noon pang 2014 dahil sa GCTA law na muntikan na ring…
Read MoreMANILA BAY REHAB GUGUGOL NG P4.1 B PONDO SA 2020
(NI ABBY MENDOZA) TULUY-TULOY ang rehabilitasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay kung saan sa susunud na taon ay gugugol ito ng P4.1B para sa clean up at rehabilitation. Sa budget briefing ng DENR, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na malaki na ang naging pagbabago ng Manila Bay mula nang simulan ang paglilinis noong Enero kung saan nabawasan na ang mga basurang palutang-lutang sa dagat at bumaba rin ang fecal coliform level dito. Patuloy din ang monitoring ng DILG, MMDA, LLDA at DPWH para tiyakin…
Read MoreCPP FOUNDER JOMA, MISIS, 36 PA IPINAAARESTO NG KORTE
(NI HARVEY PEREZ) IPINAAARESTO ng Manila Regional Trial Court Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Branch 32, si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison, ang kanyang misis at 36 iba pa, kaugnay sa kasong multiple murder na isinampa laban sa kanila mahigit isang dekada na ang nakakalipas. May petsang Agosto 28, 2019 , ang inisyung warrant of arrest laban kina Sison noong Agosto 28 sa kasong isinampa na may kaugnayan sa natuklasan na isang mass grave sa Inopacan, Leyte na pinaglagyan umano ng mga pinaslang na mga miyembro ng …
Read MoreRICE TARIFF LAW NAIS BAGUHIN; P13-B AYUDA IBIBIGAY SA FARMERS
(NI NOEL ABUEL) PINAAAMYENDAHAN ng isang senador ang Rice Tariffication Law bilang solusyon sa dinaranas na paghihirap ng mga magsasaka sa buong bansa dahil sa mababang presyo ng palay. Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan kailangan ang agarang tulong ng mga magsasaka kung kaya’t nagdesisyon itong ihain ang resolusyon na naglalayong pag-aralan muli ang nilalaman ng Rice Tariffication Law. Kasabay nito, ipinanukala rin ni Pangilinan ang pagkakaloob ng P13 bilyong cash assistance sa mga magsasaka na kukunin sa P4 bilyon ng P10 bilyong nakalaang pondo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund…
Read MorePAGKUHA NG TUBIG SA LAGUNA LAKE SUPORTADO NG DENR
(NI DAHLIA S. ANIN) SUPORTADO umano ni Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang paggamit sa Laguna Lake bilang isa sa mga pagkukunan ng suplay ng tubig ng Metro Manila. Ito ay upang maiwasan umano ang water shortage na naranasan ng Metro Manila dahil sa pagbaba ng tubig sa Angat dam. Ayon kay Cimatu, ang pagtaas ng populasyon sa Metro Manila, ang dahilan kung bakit mas tumaas pa ang demand ng tubig dito. “Dumami na ang populasyon ng Metro Manila, kaya yung basis ng computation before for available water of…
Read MoreBROILER INDUSTRY APEKTADO NA SA RICE TARIFFICATION LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang ang mga magsasaka ang apektado sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law kundi ang Broiler o livestock industry o mga nag-aalaga ng baboy, baka manok at maging ang mga fishpen operators. Ito ang ibinabala ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite matapos tumaas ang presyo ng darak na ginagamit ng mga industry players sa kanilang mga alaga dahil sa pagbaha ng imported rice sa bansa. “Lahat sila nagrereklamo dahil bunga nitong importation ng bigas, tumaas ang presyo ng darak na kailangan nila sa kanilang industry,” ani…
Read More