(NI ABBY MENDOZA) PINASISIGURO ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep Julienne Baronda na may sapat na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap sa 2020. Ang pangamba ni Baronda ay kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng informal settlers sa bansa, mula sa 1.5 Million noong 2011 ay naging 2.2 Million na nitong 2015. Nabatid na noong 2011 ay umabot sa 5.7 milyon ang housing backlog hanggang 2016 kung saan kinakailangan na makapagtayo ng 2,602 na housing unit kada araw sa susunod na anim na taon para…
Read MoreAuthor: Jet
OPISYAL NG BUCOR IPATATAWAG SA ‘GOOD CONDUCT LAW’
(NI DANG SAMSON-GARCIA) SINABI ni Senate Minority leader na ipatatawag niya sa Senado ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BUCOR) upang ipaliwanag ang sinasabi nilang komputasyon sa pananatili ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez at ang nabuking na posibleng paglaya nito sa susunod na dalawang buwan. Kasabay nito hindi rin aatras si Drilon sa kanyang panukala na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapatupad ng Bureau of Corrections ng Good Conduct Time Allowance Law o RA 10592. Ito ay kahit tiniyak ng gobyerno na hindi sakop ng batas si dating Calauan…
Read MoreKONTRA 5-6: MURANG PAUTANG ISABATAS NA — DTI
(NI ABBY MENDOZA) SA hangarin na matigil na ang ‘5-6,’ hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa House of Representatives na gawin nang batas ang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso(P3). Ang P3 ay isang inisyatibo ng pamahalaan para matulungan ang mga pinakamaliliit na negosyante sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang pautang na mayroon lamang 2.5% na interes kada buwan. Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na bukod sa alternatibong pagkukuhanan ng kapital, pangunahing layunin ng P3 na tuluyang buwagin…
Read MoreILLEGAL BLACK SAND MINING OPERATIONS, PINATITIGIL
(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUPORTADO ni Senador Leila de Lima ang mga panawagan na ipatigil ang illegal black sand mining operation sa Cagayan River dahil sa negatibong epekto sa kalikasan at posibleng pagkawala ng kabuhayan ng mga residente. Sinabi ni de Lima na ang malawakang extraction ng black sand sa pinakamahabang ilog sa bansa ay nangangailangan ng agarang atensyon at pagkilos. “Dahil sa walang humpay at iligal na black sand mining, nababawasan ang kabuhayan ng ating mga mangingisda at katutubo, at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at ari-arian. Ito ay lantarang pagnanakaw…
Read MoreUMENTO SA LOOB NG 3 TAON SA GOV’T WORKERS
(NI BETH JULIAN) GOOD news sa government employees. Hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makatatanggap ang mga kawani ng pamahalaan ng taunang umento sa sahod. Ito ang tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) acting Budget Secretary Wendel Avisado na sa bisa ng panukalang Salary Standardization Law (SSL), makatatanggap ng dagdag-sahod ang lahat ng civilian government workers sa bansa. Nakasaad na simula sa taong 2020 ay mabibigyan ng dagdag-sahod sa loob ng tatlong taon ang mga kawani ng gobyerno saan ang inilaang pondo rito ay aabot…
Read MoreILOCOS NORTE ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGDEKLARA na ng State of Calamity ang probinsiya ng Ilocos Norte, dahil sa matinding pagbaha na dala ng Bagyong Ineng ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Sa panayam kay OCD Region 1 Director Melchito Castro, kasalukuyan pa ring gumagawa ng assessment sa mga barangay at residente na apektado ng baha sa nasabing lugar. Ayon pa kay Castro, ang State of Calamity ay idinedeklara kung umabot na sa 20% ng populasyon ng isang lugar ang apektado at kailangan na ng assistance at kung dalawa o tatlong…
Read MorePDU30, XI MANONOOD NG LARO NG GILAS SA CHINA
(NI BETH JULIAN) MANONOOD sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presidnet Xi Jinping sa laro ng Gilas Pilipinas sa China. Isasagawa ang 2019 FIBA World Cup sa China kung saan makakaharap ng Gilas sa opening game ang Italy. Ayon kay Robert Borje, pinuno ng Presidential Protocol, posibleng makaharap din ng Pangulo ang Gilas habang siya ay nasa China. “We’re working on it. But definitely the President of course wants to support the team Philippines,” pahayag ni Borje. Gayunman, wala na sa schedule ng Pangulo ang pagpunta sa Fujian Province sa…
Read MoreBIYAHE NG PNR PANSAMANTALANG SINUSPINDE SA BAHA
(NI KEVIN COLLANTES) PANSAMANTALANG sinuspinde ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang mga biyahe matapos makaranas ng mga pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil na rin sa malakas na pagbuhos ng ulan. Sa inisyung paabiso ng PNR, sinabi ni spokesperson at operations manager Joseline Geronimo, na dakong alas-7:00 ng umaga nang simulan nilang ipatigil ang operasyon para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero. Umabot kasi aniya ng 24-pulgada ang baha sa ilang istasyon ng kanilang tren sa Maynila at Makati City kaya’t lubhang mapanganib kung itinuloy nila ang…
Read MoreVISION SCREENING SA MGA PASLIT, AARANGKADA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MAAGA nang malalaman ng mga magulang kung may diperensya sa mata ang kanilang mga anak sa pag-arangkada ng Vision Screening Program ng gobyerno. Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11358 o ang National Vision Screening Act. Ayon kay Senador Sonny Angara, pangunahing may-akda ng batas, mahalagang programa ito para matukoy agad ng mga magulang sa murang edad ng kanilang mga anak ang problema sa mata ng mga ito. Sinabi ni Angara na sa pamamagitan nito magiging komportable ang mga magulang dahil maaagapan…
Read More