PUWESTO NI CARDEMA NAKADEPENDE KAY DU30

cardema12

(NI BETH JULIAN) TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagpapasya kung bibigyan ng puwesto sa gobyerno si Duterte Youth Party President Ronald Cardema. Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kahihinatnan ng kapalaran ni Cardema sakaling tuluyan nang magpasya ang Commission on Elections (Comelec) laban sa kanyang disqualification case. Ayon kay Panelo, hindi niya masasabi kung may alok na puwesto ang Pangulo kay Cardema. Samantala, iginiit ni Panelo na bahala na ang Comelec na magpasya sa kasong disqualification kay Cardema. Iginiit ni Panelo na kailanman ay hindi…

Read More

JINRI PARK KUMASA SA BASHER NA NANLAIT SA BF

(NI REY PUMALOY) IPINAGTANGGOL ng Korean sex goddess na si Jinri Park ang kanyang Pinoy fiancé. Pinintasan ng isang basher ang photo posting ni Jinri habang yakap-yakap nito ang kasintahan.  Kuha ito sa isang out of the country get-away nilang dalawa. Sa caption sinabi ni Jinri na araw-araw niyang nami-miss ang Pinoy fiancé. Hindi raw guwapo at hindi raw bagay si Jinri sa kasintahan. Mabilis namang ipinagtanggol ni Jinri ang boyfriend: “Excuse me but my fiancé is very guwapo and I’m lucky to have him.” ALEX KINAIINGGITAN Kinaiinggitan ngayon ng mga…

Read More

SAN BEDA DUDUNGISAN NG LYCEUM

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY MJ ROMERO) MGA LARO NGAYON: 12:00 P.M. – San Sebastian vs. Letran 2:00 P.M. – EAC vs. Perpetual 4:00 P.M. Lyceum vs. San Beda   MULING magkakasubukan ang defending champion San Beda at Lyceum of the Philippines bilang rematch ng nagdaang dalawang Finals meeting sa alas-4:00 ng hapon ngayon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre. Bagamat nakatuon sa Red Lions-Pirates game ang atensyon ng lahat, may dalawa pang laro na interesanteng panoorin. Reresbak ang Letran mula sa…

Read More

GOV’T EMPLOYEES BAWAL TUMANGGAP NG REGALO — CSC

csc33

(NI ABBY MENDOZA) NANINDIGAN ang Civil Service Commission(CSC) na iligal at dapat tanggihan ng government employees  ang anumang uri ng regalo. Ang paglilinaw ay ginawa ni CSC Commissioner Aileen Lizada matapos sabihin ng Malacanang na maaaring tumanggap ng regalo ang mga pulis basta wala lang sa kategorya na “excessive”. Ani Lizada, malinaw na itinatakda sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na bawal ang pagtanggap ng regalo maliban lamang sa tatlong pagkakataon na transaksyon sa foreign government. “3 exceptions are gifts of nominal value given…

Read More

CHINESE WARSHIPS SA TERITORYO NG PINAS, BUBUSISIIN

ping44

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISUSULONG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mabusisi ng Senado ang isyu ng paulit-ulit na pagpasok ng mga barkong pandigma ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Ayon kay Lacson, maghahain siya ng resolusyon anumang araw upang makapagsagawa na ng ‘inquiry in aid or legislation’ ang Senado hinggil sa isyu. Sinabi ni Lacson na dapat maging malinaw ang mga polisiya hinggil sa pagpasok ng mga barkong ito sa teritoryo ng Pilipinas. “Issue talaga na dapat tingnan ng Senado para sa policy. Policy issue kasi yan. Ano ang policy…

Read More

CHINESE FRIGATE NA UMALIGID SA BRP CONRADO YAP ITINABOY

(NI AMIHAN SABILLO) NAMATAAN ang isang Chinese frigate na umaali-aligid sa unang corvette ng Philippine Navy habang patungo ng Pilipinas mula sa South Korea. Ito ang inihayag ni Phil Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad, nag-“shadow” anya ang naturang barkong pandigma ng China na BRP Conrado Yap, ngunit umalis din nang sabihan sila ng Philippine Navy na papasok na ito sa teritoryo ng bansa. Sinabi ni Empedrad, hindi umano mag-aatubili ang Philippine Navy na bigyan ng babala ang anumang Chinese vessel na mamataan nila sa loob ng territoryo ng bansa.…

Read More

P1.5-B PAUTANG SA MAGSASAKA ‘DI SAPAT

(NI NOEL ABUEL) NAGPASALAMAT si Senador Francis Pangilinan kay Agriculture (DA) Secretary William Dar sa programa nitong pagpapautang sa mga magsasaka bunsod ng dinaranas na kahirapan ng mga magsasaka sa buong bansa. Ayon kay, nagagalak ito sa P1.5 bilyong loan package sa mga rice farmers na naapektuhan ng pagdagsa sa bansa ng mga murang bigas subalit sa kabilang banda ay hindi pa rin umano ito nakatutulong sa mga magsasaka. Paliwanag pa ng senador, aabot sa P60 bilyon ang nalulugi sa mga magsasaka kung kaya’t maliit na bagay ang nais na…

Read More

GUANZON ‘DI AATRAS SA DQ CASE NI CARDEMA

(NI HARVEY PEREZ) WALANG plano na mag-inhibit si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon  sa disqualification case na kinakaharap ni dating Youth Commissioner Ronald Cardema. Matatandaan na diniskuwalipika ng Comelec First Division si Cardema para maging kinatawan ng Duterte Youth sa Kongreso dahil sa pagiging overaged nito. Iba nang humarap  sa media si Cardema at inakusahan si Guanzon nang panghihingi umano ng pera at pabor sa kanya kapalit nang pag-apruba sa akreditasyon ng Duterte Youth party-list. Naniwala naman si Guanzon na binabato siya ng kung anu-anong alegasyon ni Cardema…

Read More

PALASYO ‘DI NABAHALA SA TEXT MESSAGE NI ZHAO

zhao1

(NI BETH JULIAN) HINDI nabahala ang Malacanang sa text message ni Zhao Jianhua kung saan sinabi nito na baka nag-eespiya na rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kanilang bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa tingin nya ay sariling sentimyento lamang ito ni Zhao at hindi naman talaga maaaring mai-apply sa mga OFW. Ayon kay Panelo, tulad ng paniniwala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga OFW ay nagpupunta sa China at sadyang nagtatrabaho lamang doon sa iba’t ibang lugar, taliwas sa Chinese workers na unang…

Read More