JUDOKAS, MAGHAHASA SA JAPAN

judo77

(NI JEAN MALANUM) NAKATAKDANG umalis patungong Japan ang national judo team para sumali sa World Championships bilang tune-up tournament sa darating na 30th SEA Games. May 880 atleta mula sa 152 bansa ang lalahok sa World Championships na magsisilbing test event para sa 2020 Tokyo Olympics. Sa Nippon Budokan na mismong competition venue ng Olympic Games gagawin ang World Championships sa Agosto 25- Setyembre 1. Ang koponan na aalis sa Agosto 23 ay binubuo nina Ma. Jeanalane Lopez (under 48kgs), Kryzzie Pabulayan (under 52kgs), Bryn Quillotes (under 60kgs), Marco Tumampad…

Read More

DIPLOMATIC PROTEST INIUTOS VS CHINESE WARSHIPS

(NI ROSE PULGAR) MULING iniutos ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang pagsasampa ng diplomatic protest sa China dahil sa patuloy na pamamalagi ng kanilang  Chinese warships sa Philippine waters. Sa isang tweet, inutusan ni Locsin ang Department of Foreign Affairs-Office of Asia and Pacific Affairs na magsampa ng diplomatic protest. “Fire diplomatic protest over Chinese warship; drop the diplomatic crap; say it is ours period; they’re trespassing. “If we did it already fire another. We won’t run out and don’t wait for formal intel. This is the Secretary of…

Read More

P4.1-T BUDGET ISUSUMITE NA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) ISUSUMITE na bukas, Martes, ng Department of Budget and Management (DBM), ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang napag-alaman sa tanggapan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez ukol sa kopya ng national budget na pormal nang isusumite ni DBM acting Secretary Wendel Avisado sa mga ito. Karaniwang isinusumite ng DBM ang kanilang proposed budget ilang araw pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa ikatlong Lunes ng Hulyo kaya…

Read More

PALASYO KAY ROQUE: FILE A CASE

harry66

“MAGHAIN siya ng kaso.” Ito ang ipinayo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kay dating Presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa tinutukoy nitong opisyal ng PhilHealth na bahagi ng mafia. “Di ba dati na namang may ongoing investigation.  Kung mayroon siyang mabigat na ebidensiya laban sa sinumang PhilHealth officials, then he should file the appropriate charges,” hamon ni Panelo. Una nang ibinunyag ni dating PhilHealth board member Roberto Salvador na peke ang mga pangalan na pinalutang sa Senate Blue Ribbon Committee gaya nina PhilHealth Regional Vice-Presidents Paolo Johan Perez (Region IV-B),…

Read More

DISCOUNT SA PHILHEALTH COVERAGE SA MGA GURO PINATATAAS

(NI BERNARD TAGUINOD) BILANG pagkilala sa sakripisyo ng mga public school teachers sa kanilang trabaho sa kabila ng napakaliit ng sahod, nais ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ang mga ito ng discounts sa pagpapa-ospital at konsultasyon kapag sila’y nagkakasakit. Bukod sa 10% discount sa kanilang hospital bills at pagpapakonsulta, nais ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa kanyang House Bill (HB) 3759 na itaas din ng 10% ang sinasagot ng Philhealth sa gastusin ng mga guro sa pagpapa-ospital. ”Due to the complexities of…

Read More

1 LINGGO ‘ABSENT’; LARAWAN NI DU30 INILABAS

(NI BETH JULIAN) MATAPOS ang isang linggong hindi paglitaw sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas ng larawan ang common-law wife nito na si Honeylet Avancena sa kanyang facebook post. Ipinakita sa larawan na magkakasama sina Duterte, at ang kanilang anak na si Kitty na ang kumuha ng litrato ay si Avancena. Ang larawan ay kuha sa kanilang bahay sa Davao City. Ayon kay Avancena, galing si Kitty sa isang debut sa ganap na alas-11:15 Linggo ng gabi. Sa isa namang larawan na inilabas ni Senator Bong Go, kasama nito…

Read More

PALASYO ‘CHILL’ LANG SA POGO HUBS SA MILITARY CAMPS

duterte china44

(NI BETH JULIAN) HINDI nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglipana ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs malapit sa mga kampo ng militar. Ito ay kahit na nagpahayag na ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng implikasyon nito sa isyung pangseguridad ng Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na batay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinasabi nitong dahil sa mga makabagong teknolohiya ay maaari pa ring makapag-espiya ang China kahit ilang milya ang layo mula sa mga kampo. Ikinakatwiran ng Pangulo, ayon kay Panelo, na…

Read More

NURSE SA BAWAT BARANGAY IPATUTUPAD

pinay nurse12

(NI ABBY MENDOZA) SA katwirang dapat may nangangalaga ng kalusugan ng bawat isa, isinusulong ni Las Pinas Rep Camille Villar ang paglalagay ng isang registered  nurse bawat  barangay sa buong bansa. Sa House Bill No 3312 o A Nurse in Every Barangay Act of 2019” ni Villar sinabi nito na ang pagkakaroon ng nurse sa bawat barangay ay makatutugon sa  health care services sa Pilipinas kung saan mamonitor at matuturuan ang mga tao tungkol sa tamang nutrisyon at kalinisan para maiwasan ang pagkalat ng anumang sakit at iba pa. Sa ilalim…

Read More

‘HINDI SPY SA CHINA ANG MGA PINOY’

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINDI kailanman magiging spy ang mga Filipino na nasa China. Ito ang paniniyak nina Senador Risa Hontiveros at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III matapos ang pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na posible nilang ituring na mga spy ang mga Filipino migrant workers sa kanilang bansa. Ang pahayag ng Chinese envoy ay bilang sagot sa naunang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng may kaakibat na security threat ang mga Chinese sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs malapit sa military facilities. Sinabi ni Hontiveros na…

Read More