SPEAKERSHIP RACE; SOLONS KAY PACQUIAO: ‘WAG MAKIALAM

pacman2

(NI ABBY MENDOZA) BILANG paggalang sa parliamentary courtesy, pinayuhan ng dalawang senior congressman si Senador Manny Pacquiao na umiwas sa pakikialam sa isyu ng House Speakership. Payo nina 1-Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta at House Majority Leader Capiz Rep. Fredenil Castro na dapat pagtuunan na lang ng pansin ni Pacquiao ang mga isyu sa Senado. Ani Marcoleta, sa halip na makisawsaw si Pacquiao sa Kamara ay dapat pagtuunan nito ng pansin ang magkaroon ng Senate President na mula sa kanyang partidong  Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban). “Bakit dito (House of…

Read More

DND UMAPELA SA PUBLIKO VS PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAPELA ang Department of National Defense (DND) sa publiko na patuloy na maging mapagbantay kasunod ng dalawang pagsabog sa tactical command post ng 1st Brigade Combat Team (IBCT) ng Philippine Army sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo habang 22 naman ang nasugatan nitong  June 28. “The DND calls for continued vigilance in light of the recent bombings in Sulu which led to the very unfortunate loss of lives, both civilian and military. We extend our sympathies to the victims of…

Read More

ANTI-DISCRIMINATION ORDINANCE SA MARIKINA NILAGDAAN

antidiscrimination 12

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY KIN LUCAS) NILAGDAAN na ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ordinansa na nagbabawal sa diskrimansyon sa hanay ng mga Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders (LGBT) sa idinaos na 2019 Metro Manila Pride March and Festival sa Sports Complex na lungsod, Sabado ng hapon. Layunin ng nilagdaang City Ordinance No. 065  “Anti-Discrimination Ordinance of Marikina City” na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga miyembro ng LGBT community sa lungsod. Nakasaaad sa Section 6 na ordinansa ang pagbuo ng isang Anti-Discrimination Council na pangungunahan ng City Mayor…

Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG TUMAAS

angatdam22

(NI KIKO CUETO) NAKATULONG ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw para bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Gayunman, nananatili pa itong mababa sa kritikal na lebel ng tubig kahit bumuhos ang ulan dulot ng habagat. Linggo ng alas-6 ng umaga, nasa 158.4 meters ang lebel ng tubig sa Angat. Mas mataas ito sa 157.96 meters noong Sabado. Bumagsak sa critical level ang tubig sa Angat noong Hunyo 20. Dahil dito, napilitan ang National Water Resources Board na bawasan ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage…

Read More

LACSON-DUQUE SHOWDOWN INAABANGAN

pingduque12

(NI NOEL ABUEL) MAY  pasasabugin si Senador Panfilo Lacson laban kay Health Sec. Francisco Duque na may kinalaman tungkol sa PhilHealth para makasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman. Ayon sa senador, mas malaki at higit na mas matindi umano ang ibubulgar nito sa mga darating na araw para patunayang umabuso sa tungkulin si Duque. “Maliwanag na plunder. Isang dokumento na lang hinihintay ko,” sabi nito. “Meron na naman, mas malaki pa. Mas grabe pa hindi lang ito lease ng building niya kundi may family corporation involved na meron na…

Read More

SOUTHERN LEYTE NILINDOL

southern leyte12

(NI DAHLIA S. ANIN) NIYANIG ng magnitude 5 ang karagatan ng Bohol at Leyte, Linggo ng umaga, ayon sa Phivolcs. Ang sentro ng lindol ay naitala sa Bohol Sea 36 na kilometro sa Kanlurang bahagi ng Limasawa, Southern Leyte. Naramdaman naman ang intensity 3 sa Cebu City, Mambajao at Camiguin, habang intensity 2 sa Palo, Leyte, ayon sa tala ng Phivolcs. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 30 kilometro. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit pinag-iingat ang mga residente dahil sa mga aftershock. 539

Read More

KRIS NAGPAPARAMDAM SA 2022; 5 PLATAPORMA IBINIGAY

kris12

MAY nakapansing si Lea Salonga at hindi na si Kris Aquino ang endorser ng Ariel. May nagtanong kay Kris tungkol dito sa kanyang socmed account. Sagot niya noong Huwebes, “Back to work on Friday & a couple of shoots next week.” May mga nag-bash din sa kanya na ginagawa niya raw na isyu ang allergy niya, eh, common naman daw ito. May pagka-sarcastic ang sagot ng actress-host, part of which reads: “Severe allergies can KILL. Maybe before you judge, Google anaphylactic shock.” At napunta ang sagutan sa politika: “Common sense,…

Read More

PACQUIAO VIA 10TH ROUND KO – ERIK MORALES

erikpac12

(NI VT ROMANO) SINEGUNDAHAN ni Mexican boxing legend Erik Morales si Hall of Fame trainer Freddie Roach sa prediksyong mana-knockout ni Manny Pacquiao si Keith Thurman. Una nang sinabi ni Roach na gutom sa knockout win si Pacquiao, kaya’t halos patayin nito ang sarili sa ensayo. Para naman kay Morales, matutulog si Thurman sa 10th round. Sa panayam ng EsNews kung saan kasama ng 42-anyos na si Morales ang anak na lalaki, na siyang naging translator nito, sinabi nitong angat si Pacquiao kay Thurman sa ‘ring experience.’ At sa tingin…

Read More

DU30 KAILANGAN NG SOLID NA KONGRESO

duterte12

(NI ABBY MENDOZA) MALAKI ang papel na gagampanan ng Kongreso sa administrasyong Duterte sa harap na rin ng banta ng impeachment. Dahil dito, nangangailangan ng matatag na lider lalo sa House of Representatives. Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple mainit ang usapin ng West Philippine Sea (WPS) at ang banta ng impeachment hanggang sa huling nalalabing tatlong taong termino ng Pangulo kaya dito papasok na dapat mayroon itong maaasahang lider sa Kamara. Ani Casiple hindi man aminin ng Pangulo ay nararapat na personal pick nito ang magiging…

Read More