MGA LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS COLUMBIAN 6:45 P.M. — GINEBRA VS ALASKA (NI JJ TORRES) KAPWA babawi ang defending champion Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Haharapin ng Ginebra ang Alaska Aces sa alas-6:45 ng gabi, pagkatapos ng tipanan ng Beermen at Columbian Dyip sa alas- 4:30 ng hapon. Parehong galing sa talo ang dalawang koponan, ang Ginebra ay nabigo sa Phoenix Pulse Fuel Masters, 111-103 nitong…
Read MoreAuthor: Jet
RITZ AZUL MAGANDA’T MAHUSAY PERO WALANG SWERTE SA PELIKULA
(NI PETER LEDESMA) SUPER flopsina ang latest movie ni Ritz Azul na KontrAdiksyon na produced ng anak ng namayapang record producer na si Bella Tan. Ano bang mali rito kay Ritz, na maganda’t matalino naman pero mukhang inaalat naman pagdating sa movies? Well, kahit naman ‘yung ginawa nitong teleserye sa Dreamscape Entertainment na “Promise of Forever” kasama sina Paolo Avelino at Ejay Falcon na kinunan pa sa Europe ay so-so lang ang naging ratings noon kaya’t hindi nagtagal sa ere. Pero pagdating naman sa comedy ay mukhang may career ang…
Read MorePRANGKISA NG BUS SA NLEX TRAGEDY SINUSPINDE
(NI JESSE KABEL) IKINASA na ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang suspensiyon sa prankisa ng kumpanya ng bus na nasangkot sa malagim na aksidente Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Northern Luzon Expressway saklaw ng Valenzuela City na ikinasawi ng walo katao. Ayon sa LTFRB, papatawan nila ng preventive suspension ang kumpanya at pansamantalang pipigilin ang operation ng Buenasher Transport hanggat hindi natitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga units at ng kanilang mga mananakay. Bunsod ito ng naganap na sakuna na kinasangkutan ng isa sa kanilang…
Read More106 CHINESE WORKERS DINAKMA SA LAGUNA
(NI NILOU DEL CARMEN) INILAGAY sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 106 na mga Chinese nationals na hinihinalang ilegal na nagtatrabaho sa pagawaan ng electronic products sa Laguna. Huwebes ng umaga nang suyurin ng mga tauhan ng Biñan police at mga ahente ng Immigration Bureau ang tanggapan ng Smartwin Technology Incorporated sa Southwoods, Biñan. Natuklasan na karamihan sa mga workers dito ay mga Chinese national. Ayon kay Lt. Col Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, dadalhin sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa Maynila ang mga Chinese workers para idaan…
Read MoreWPS ‘DI EXCLUSIVE SA PH; SOTTO INUPAKAN
(NI ABBY MENDOZA) AGAD binuweltahan ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang mga opisyal na ginagawang katatawanan ang isyu sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon kay Biazon, lalong malilito ang taumbayan at mabibiktima ng misinformation dahil sa mga birong gaya nito. Ang puna ay ginawa ni Biazon kasunod ng pahayag ni Senate President Tito Sotto na mahirap sabihing exclusive lamang para sa Pilipinas ang lugar dahil maaaring mula sa China ang mga isdang naririto. Sa halip umano na magbitaw ng salita ay dapat umanong maging maingat…
Read MoreCONSUMER GROUP DISMAYADO SA DTI
(NI ROSE PULGAR) DISMAYADO ang consumers group na Laban Consumers sa pasya ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos payagan ang pagtataas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin. Ayon kay Vic Dimaguiba, presidente ng nasabing grupo, paglabag sa karapatan ng mga consumers na magkaroon ng tama at napapanahong impormasyon sa mga bilihin ng kawalang abiso ng DTI. Base sa inilabas na suggested Retail Price (SRP) ng kagawaran ng kalakalan at industriya, kabilang sa pinayagan na magtaas ng presyo tulad ng gatas, kape at patis. Ito ay gitna na rin…
Read MorePAG-UPO NI PINOL SA MINDA DEPENDE KAY MURAD
(NI CHRISTIAN DALE) DEPENDE sa magiging desisyon ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim ang posibleng pag-upo ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority(MinDA). Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Huwebes ng gabi na kakausapin niya muna si Ebrahim bago iupo si Piñol. Kailangan aniyang makuha muna ang pulso ng BARMM dahil mahalagang may kumpiyansa at tiwala ang mga ito sa opisyal na tutulong sa pagpapaangat…
Read MoreTRAINING SA ABROAD; BLUE EAGLES MAGPAPALAKAS PA
(NI JOSEPH BONIFACIO) KAPAPANALO pa lamang sa PBA D-League noong Lunes ay nakatakda nang sumabak sa international training camps ang Ateneo Blue Eagles. Ito ay bilang paghahanda naman sa Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UUAP). Ang Blue Eagles ay lilipad patungong Greece sa susunod na linggo para sa unang destinasyon ng three-country trip sa buong buwan ng Hulyo o eksaktong dalawang buwan bago magsimula ang UAAP season. “Our goals for the D-League were accomplished and now we’re on to the next stage,” pahayag ni head coach…
Read MoreSULU BOMBING; 8 NA PATAY
(NI JG TUMBADO) UMAKYAT na sa walo ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagpapasabog sa loob ng kampo ng militar sa Sulu Biyernes ng hapon. Ang naturang pag-atake ay isinagawa sa pansamantalang kampo ng Philippine Army First Brigade Combat team sa Barangay Kajatian. Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, tatlo sa mga nasawi ay sundalo habang tatlo pang sibilyan ang namatay at ang dalawang suspek na may dala ng bomba. Nasa 12 naman ang nasugatan sa insidente. Naniniwala si Philippine Army…
Read More