(NI HARVEY PEREZ) APRUBADO na ang aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP) sa Department of Justice (DOJ), ng dalawang whistleblower sa kontrobersiyal na “ghost dialysis” claim sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng WellMed Dialysis Corporation sa Quezon City. Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tanggap na sa WPP sina Edwin Roberto at Aileen Liezl de Leon. Ayon kay Guevarra,90 araw lamang o provisional coverage lamang ang ibinigay ng WPP kina Roberto at de Leon habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon sa iba pang kinasuhan. Nabatid…
Read MoreAuthor: Jet
TULOY ANG LIGAYA; JUETENG ‘DI IPATITIGIL NI DU30
(NI BETH JULIAN) TIYAK nang abot hanggang tainga ang ngiti ng mga gambling lords na nakasentro sa operasyon ng illegal na jueteng sa bansa. Ito ang aasahan matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang siyang plano ngayon na maghigpit at ipatigil ang operasyon ng jueteng sa bansa. Sa talumpati Martes ng gabi, sinabi ni Duterte sa oathtaking ng bagong halal na lokal na opisyal sa Malacanang, na kapag nabuwag ang network ng jueteng, ang aparatus naman ng ilegal na droga ang tiyak na papalit dito. Aminado ang Pangulo na…
Read MorePASAWAY NA PULIS MARAMI PA–IMEG
(NI AMIHAN SABILLO) AMINADO ang bagong tatag na Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) na marami pa rin ang pasaway sa kailang hanay. Ayon kay Col. Romeo Caramat, commander ng IMEG, hindi pa rin maubus-ubos ang mga miyembro ng PNP na hindi tinutupad ang kanilang mandato na magpatupad ng batas. Kaya naman binabalaan ni Col. Caramat ang mga tiwaling mga pulis na hindi nila ito titigilan hangga’t hindi nahuhuli o nauubos ang mga police scalawags. Sa ngayon, aniya, ay mayroon silang nasa mahigit 1,000 na…
Read MoreFIRING SQUAD SA DRUG TRAFFICKERS ISUSULONG
(NI JG TUMBADO) DESIDIDO si Senator elect Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na isulong ang death penalty bill sa Senado. Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na hindi nagbabago ang kanyang posisyon na patawan ng parusang kamatayan ang mga big time drug trafficker sa bansa. Paliwanag ng dating heneral ng PNP, nais nya ipa-firing squad sa plaza ang mga big time drug trafficker para hindi na pamarisan pa . Gusto niya rin umano na i-cover ito ng live ng media para mapanood at magsilbing babala sa mga…
Read MoreTIWALING TSERMAN: P1,000 PARKING FEE BUKING
(NI JESSE KABEL/PHOTO BY KIER CRUZ) BIBINGGO na sa Department of Interiors and Local Government (DILG) ang mga barangay chairman na sangkot at protektor ng mga trucks na iligal na pumaparada sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Ito ay makaraang ibulgar ni Mayor Isko Moreno ang modus operandi ng mga barangay chairman na naniningil ng P1,000 kada araw kada truck na pumaparada sa kanilang mga nasasakupan. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, tahasang tinawag ni Moreno ang atensiyon ng mga barangay chairman na tumatanggap ng pera sa trucking…
Read MorePOC ELECTIONS INIHIRIT
(NI JEAN MALANUM) HINDI pa tapos ang krisis sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) na pansamantalang pinamumunuan ni Jose Romasanta, matapos magbitiw sa puwesto si Ricky Vargas noong nakaraang linggo. Si Vargas ang pumalit kay Peping Cojuangco sa eleksyon noong nakaraang taon lang. Sa isinagawang pulong kahapon sa GSIS gymnasium, sa pangunguna ni POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino, isang special election ang inihirit, kung saan pormal na ihahalal ang kapalit ni Vargas. Si Tolentino ay boluntaryong nagbitiw kasama ni first vice president Romasanta, auditor Jonne Go, treasurer Julian Camacho…
Read MoreBAGYONG ‘DODONG’ PALABAS NA NG ‘PINAS
(NI DAHLIA S. ANIN) BAHAGYANG bumilis ang galaw ng bagyong ‘Dodong’ patungong Hilagang-Silangan ng bansa ngayong Miyerkoles ng umaga ayon sa Pagasa. Hindi umano tatama sa lupa ang bagyo at hindi rin ito makaaaapekto saan mang parte ng bansa ayon sa update ng Pagasa. Gayunpaman, magdadala pa rin ng mahinang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang southwest monsoon o Habagat. Uulanin ang MIMAROPA (North Palawan, Mindoro Oriental at Occidental, Romblon at Marinduque), Western Visayas (Aklan, Antique, Guimaras, Western Iloilo at Negros Occidental) at bahagi ng Bicol Region (Masbate,…
Read MoreASAM NG PALASYO: LEGISLATIVE AGENDA SUPORTAHAN NG SPEAKER
(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na susuportahan ng susunod na lider ng Kamara ang legislative agenda ng administrasyong Duterte para sa ikabubuti ng interes ng bansa at sa kapakanan ng publiko. Naniniwala ang Palasyo na alam ng mga miyembro ng Kongreso kung sino ang pipiliian nilang maging bagong speaker kung ang kandidatong sa tingin nila ay magbibigay ng tamang gabay sa pagpasa ng mga batas at tunay na pagbabago sa kabutihan ng mga Filipino. Ang pahayag na ito ng Palasyo ay kasunod ng pag-anunsyo, Miyerkoles ng umaga, ni Senator…
Read MoreABUSADONG KUMPANYA TINUTUTUKAN NG DOLE
(NI NOEL ABUEL) MAGSILBING-babala na sa mga abusadong kumpanya ang ipinataw na multa ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa paglabag sa Safety and Health Standards (OSHS) law. Ayon kay Senador Joel Villanueva, chair ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development, dapat nang matigil ang pagbalewala ng ilang kumpanya sa kaligtasan ng mga manggagawa nito. Nabatid na umaabot sa P950,000 multa ang naipataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa mga abusadong kumpanya dahil sa hindi pagsunod sa itinatadhana ng OSHS. Sa datos ng Bureau of Working…
Read More