RESULTA NG RECTO BANK PROBE ISAPUBLIKO

recto bank12

(NI BERNARD TAGUINOD) KARAPATAN ng sambayanang Filipino na isapubliko ang resulta ng imbestigasyon ng Marina at  Coast Guard sa pagbangga at pag-iwan ng Chinese vessels sa fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank. Ito ang iginiit ni Occidental Mindoro Rep. Josephine “Nene” Sato dahil isang linggo na umanong isinumite ang resulta ng imbestigasyon subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikita ng taumbayan. “Where is it? Isang linggo nang na-submit ang report. Sa interes at kapakanan ng Pilipinas at mga mamamayan nito, kailangang makita na ng sambayanan ang report na ito, lalo…

Read More

WATER CRISIS MALALA NGAYON KAYSA NOONG MARSO 

water12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAS malala ang krisis sa tubig na nararanasan ngayon sa Metro Manila dahil 12 million katao na ang naaapektuhan kumpara noong Marso na tanging ang mga customers lang ng Manila Water ang apektado. Ito ang pahayag ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na nagsabi na lumalaki umano ang epekto ng water crisis, hindi lamang sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao kundi sa negosyo at ekonomiya sa kabuuan. “Di hamak na mas malalala pa kumpara noong March at April. Kung noong Marso at Abril ay sa…

Read More

PETRON, F2 MAGKAKASUBUKAN

volley22

(NI JEAN MALANUM/PHOTO BY MJ ROMERO) MGA LARO NGAYON: (FILOIL FLYING V CENTRE) 4:15 PM — PLDT VS CIGNAL 7:00 PM — PETRON VS F2 LOGISTICS MAGKAKASUBUKAN ang magkaribal na Petron at F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Alas-7:00 ng gabi ang sagupaan ng Blaze Spikers at Cargo Movers, na mag-aagawan sa solo stop spot women’s club tourney. Bago ang Petron-F2 clash, maghaharap naman sa alas-4:15 ng hapon ang PLDT Home Fibr at Cignal sa mga larong ipalalabas sa…

Read More

DU30 SA COA: SISTEMA SA AUDIT, SIMPLEHAN

duterte12

(NI BETH JULIAN) IPAKIKIUSAP ni Pangulong Rodrigo Roa Dutrerte sa Commission on Audit (COA) na simplehan ang kanilang sistema sa pag-audit sa mga gastos ng pamahalaan. Ayon sa Pangulo, dapat gawing simple ng COA ang kanilang proseso dahil kung minsan ay nagiging dahilan ng delay sa mga proyekto ang paghihigpit ng ahensiya. “I’d like to talk to COA. I’d like to put myself maybe not kneeling down but pleading, ‘Sir…’Marami naman kasing nako-convict or disallowance na — Article in relation to Circular — plus the another circular then you come…

Read More

PAG-ALIS NG MARTIAL LAW SA M’DANAO PINAG-AARALAN NG DND

martial law12

(NI JG TUMBADO) INIHAYAG ng Department of National Defense (DND) na mayroon silang regular na konsultasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa posibilidad ng pag-aalis ng Batas Militar sa Mindanao. Ang reaksiyon ay kasunod na rin ng hiling ni Davao City Mayor Sara Duterte na panahon na para tanggalin ang Batas Militar sa lungsod dahil maayos naman aniya ang sitwasyon ng ‘peace and order’ sa kanyang nasasakupan. Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, bago pa man ang hiling ng Presidential daughter, batid…

Read More

BACK-TO-BACK TITLE TARGET NG RAPTORS

leonard

(NI JOSEPH BONIFACIO) MATAPOS makatikim ng unang kampeonato, target ng Raptors ang back-to-back championship. At kumpiyansa naman si Raptors president Masai Ujiri na mangyayari ito, pati na ang pananatili ni Kawhi Leonard at ang team core para sa susunod na NBA season. Sa ngayon, pinag-aaralang mabuti ng management ang susunod na hakbang upang mahikayat si Leonard na manatili sa Toronto. “We’re on to the next issue, which for us is coming back and being champions again,” pahayag ni Ujiri kahapon (Manila time) sa kanyang unang news conference dalawang linggo matapos…

Read More

BUWIS NG MGA SCAMMER SA PHILHEALTH PINABUBUSISI

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINABUBUSISI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang binabayarang  buwis ang mga scammer sa Philhealth dahil malamang ay nandaraya rin umano ang mga ito. Ginawa ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang direktiba sa BIR matapos mabunyag ang  anomalya sa paniningil ng WellMed Dialysis Center ng bayad sa Dialysis sa Philhealth kahit patay na ang kanilang pasyenate. “Those scamming Philhealth are easily 10 times more likely to be cheating on their taxes as well,”  ani Pimentel dating chair ng House good government…

Read More

JESSY TO LUIS: I KNOW YOU ARE THE ONE FOR ME

(NI RK VILLACORTA) HINDI ko namalayan na three years na pala ang relasyon ng magsing-irog na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Itong pagpasok ng Hulyo ay anniversary nina Luis at Jessy na sa kabila ng mga atake ng mga miron at nakikisawsaw sa relasyon nila (lalo na sa social media) ay matapang nilang naitawid ang relasyon. Lalo na sa kaso ni Jessy na tila may hate campaign ang mga bashers niya. Alam mong may intensyon na buwagin silang dalawa ni Luis – na for us is very unfair. Paalala…

Read More

P800-M IBINIGAY NG PAGCOR SA PSC

seagames12

(NI JEAN MALANUM) NAGBIGAY ng P800 million ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagpapaayos ng mga pasilidad na gagamitin para sa 30th Southeast Asian Games. Ang tseke na nagkakahalaga ng P800 ay iniabot ni PAGCOR chairperson Andrea Domingo kay PSC chairman William “Butch” Ramirez sa opisina ng PAGCOR kahapon. Kasama sa mga opisyales na dumalo sa turnover ceremony sina PAGCOR President at Chief Operating Officer  Alfredo Lim at directors Gabriel Claudio at Reynaldo Concordia, at PSC Executive Director Merly Ibay. Ang mga…

Read More