MALA-‘ONDOY’ NA BAGYO ASAHAN NGAYONG TAON– PAGASA

ondoy12

(NI ABBY MENDOZA) NGAYON pa lamang ay nagbabala na ang  Philippine, Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa) na makararanas ang bansa ng  kasing-lakas na bagyo na gaya ng bagyong ‘Ondoy’. Matatandaan na ang bagyong ‘Ondoy’ ay tumama sa bansa noong 2009 at nasa 400 katao ang nasawi sa pananalasa nito. Sinabi ni Pagasa Administrator Vicente Malano na malalakas na bagyo ang pinaghahandaan ngayon ng Pagasa dahil karaniwang malalakas na ulan ang hatid kapag mayroong El nino Phenomenon. “We are not looking into the number of tropical cyclones that would enter…

Read More

PBA LEGENDS FACEOFF: BEERMEN WINALIS ANG ELIMS

ginebra

(NI JOSEPH BONIFACIO) WINALIS ng San Miguel ang elimination round matapos talunin ang Ginebra, habang nanaig ang Alaska para panatilihing kulelat ang Purefoods sa pagpapautloy ng UNTV Cup PBA Legends Faceoff tournament kamakalawa sa Pasig Sports Center. Nilampaso ng Beermen ang Gin Kings, 135-107, habang denomina ng Milkmen ang Hotdogs, 92-70, para tumapos na first at second place sa charity tournament. Bumida para sa SMB ang 1990 MVP na si Allan Caidic matapos magliyab sa siyam na tres tungo sa 32 puntos. Sa unang pagkakataon naman ay naglaro na si…

Read More

DOE NABABAHALA SA ILIGAL NA NEGOSYO NG LPG

LPG12

(NI ROSE PULGAR) NAGPAHAYAG ng pangamba ang Department of Energy (DOE) sa natanggap na ulat na dumarami ang nag nenegosyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Visayas at Mindanao gamit ang illegal refilling na nagiging dahilan ng trahedya tulad ng sunog at pagsabog ng tangke. Kaugnay nito, nagtungo ang ilang mga opisyal ng DOE sa lalawigan ng Cebu upang alamin at pulungin ang lehitimong LPG dealers  para ipaalam ang maidudulot nitong epekto sakaling sumabog ang tangke ng LPG. Nakipag-ugnayan na ang DOE sa mga awtoridad sa mga lalawigan upang agad…

Read More

DU30 DADALO SA ASEAN SUMMIT SA BANGKOK

duterte100

(NI BETH JULIAN) LILIPAD patungong Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 34th ASEAN Summit sa June 22 at 23. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West, na inaasahang dadalo ang 10 ASEAN leaders sa pagpupulong na pangungunahan ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan-Ocha. Ayon kay West, tema ngayong taon ang Advancing Partnership for Sustainability na nagsusulong ng pagkakaroon ng ASEAN community sa ASEAN Summit, na mas epektibo sa pagtugon sa nagbabagong global at regional architecture. Kabilang sa mga pag-uusapan ay ang…

Read More

MAYORS NA MAGBIBIGAY NG BUSINESS PERMIT SA KAPA KAKASUHAN

DILG-OFFICE-2

(NI AMIHAN SABILLO) PATUNG-PATONG na kaso ang kakaharapin ng mga alkalde sakaling patuloy na magbigay ng mayor’s permit,  business permit at dapat kaselahin ang anumang permit na ipinagkaloob sa KAPA. Ito ang babala ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapag hindi susunod ang mga alkalde sa memorandum na inilabas ni Interior Secretary Eduardo Año. Ayon kay DILG spokesperson Usec Jonathan Malaya, mga kasong kriminal at administratibo ang isasampa sa mga alkalde kapag hindi nag-comply sa kautusan ng DILG. Sinabi ni Malaya na naibaba na sa lahat ng mga…

Read More

LEONARD ‘DI BIBITIWAN NG RAPTORS

leonard

NAGDIRIWANG pa ang Toronto Raptors sa Las Vegas matapos makopo ang kanilang kauna-unahang NBA championship, nang bulagain ng balitang nakuha na ng Los Angeles Lakers ang serbisyo ni Anthony Davis. Tila biglang nagising ang pamunuan ng Raptors. At kinakailangan na nilang bumalik sa realidad. Realidad na kailangang asikasuhin ang mga manlalarong mage-expire ang kontrata at mga manlalarong kanilang posibleng kunin sa draft o sa trade. Pero, ayon kay Raptors coach Nick Nurse, nagsimula na silang mag-usap ni general manager Bobby Webster hinggil sa komposisyon ng team sa susunod na season.…

Read More

PNP: HIGIT SA 12,000 BRGY, DRUG-CLEARED

pnp barangay 12

(NI JG TUMBADO) MALAYO pa ang Pilipinas sa pagiging drug-cleared na bansa. Ito ay dahil sa hindi pa nangangalahati ang bilang ng drug-cleared barangay base na rin sa pinakahuling tala ng Philippine National Police. Batay sa datos ng pambansang pulisya, sa 42,045 baranggay sa bansa, 12,177 pa lang dito ang drug cleared. Mula April 2019, nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming drug-cleared barangay ang Region 1 na umabot sa 1,967. Pumangalawa ang Region 8 na nakapagtala ng 1,919 drug cleared barangays at ikatlo ang Region 6 na mayroong 852. Samantala, lumalabas…

Read More

KARAGATAN NG PINAS KAYANG IPAGTANGGOL – PHL NAVY

philnavy12

(NI AMIHAN SABILLO) KUMPIYANSA si Philippine Navy Chief Vice Admiral Robert Empedrad na kaya nang ipagtanggol ng Philippine Navy ang soberenya ng bansa sa karagatan at protektahan ang 7,600 isla ng Pilipinas. Ito ang inihayag ni Empedrad sa pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point Cavite, kung saan panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of staff General Benjamin Madrigal. Sa naturang okasyon, benindisyunan ang mga bagong air at sea assets ng Navy na binubuo ng dalawang AW159 anti-submarine…

Read More

MANDATORY MEMBERSHIP NG OFWs SA SSS IIMBESTIGAHAN

sss ofws12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGHAHAIN ng resolusyon ang militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang imbestigahan ang mandatory membership ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Social Security System (SSS). Ito ang nabatid kay Bayan Muna Congressman-elect Ferdinand Gaite matapos tutulan umano ng mga OFWs ang mandatory membership ng mga ito sa SSS gayong dapat aniya boluntaryo lamang ito. “Many OFWs believe that their mandatory SSS membership is just another form of state exaction to steal away their hard-earned money in exchange for promised benefits that may not be immediately…

Read More