GLORIA TUMANGGING MAGPAYO SA MIYEMBRO NG 18TH CONGRESS

gloria12

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano si outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magbigay payo sa mga miyembro ng 18th Congress lalo na sa mga bagitong mambabatas na dumaraan ngayon sa seminar upang malaman ng mga ito ang kanilang magiging trabaho sa Kamara. Sa isang ambush interview, tumanggi si Arroyo na magbigay ng payo dahil alam na umano ng mga mambabatas, lalo na ang mga datihan at nagbabalik Kongreso kung ano ang dapat nilang gawin para sa ikakabuti ng bayan. “I am not going to be part of the next Congress so…

Read More

SA 3-TAON: HIGIT 6-K NASAWI SA ANTI-ILLEGAL DRUG CAMPAIGN

killingspnp12

(NI JG TUMBADO) NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi sa giyera kontra ilegal na droga ng pamahalaan. Sa isinasagawang command conference ng Philippine National Police, iniulat ni Police Major General Mao Aplasca, chief ng Directorate for Operations, umabot na sa 6,600 ang mga nasawi sa kanilang anti-illegal drug campaign sa buong bansa. Sakop nito ang petsa ng July 1, 2016 hanggang May 31, 2019. Iniulat din ni Aplasca na kabuuang 1,530,574 na ang mga drug personality na sumuko sa mga pulis at 240,565 naman ang mga naaresto. Lumalabas naman…

Read More

IBA PANG INVESTMENT SCAM, TARGET NG PNP

scampnp12

(NI JG TUMBADO) PATULOY ang pagkilos ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga naglipanang investment scam sa bansa. Base sa ulat ni Police Major General Amador Corpus, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), maliban sa Kapa Community Ministry International, apat na investment companies pa ang sinalakay ng kanilang mga tauhan. Ito ang Organico, Regin E, Ada Farm at Ever Arm na karamihan ay nasa Mindanao ang operasyon. Sinabi naman ni Corpus na sa ginawang pagsakalay, wala na silang inabot na mga tao sa mga opisina kundi mga…

Read More

BROWNOUT MATATAPOS SA SETYEMBRE — NGCP

luzongrid12

(NI MAC CABREROS) MAGTATAGAL hanggang sa buwan ng Setyembre ang mararanasang bahagyang pagkawala ng kuryente sa Luzon. Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakalagay pa rin hanggang nitong Martes sa yellow at red alert ang supply ng kuryente sa Luzon grid at inaasahang mag-normalize sa nabanggit na buwan. “Luzon power situation is expected to normalize by September when hydroelectric power plants go online,” banggit NGCP. Inianunsyo ng NGCP na manipis pa rin ang supply ng kuryente sa  Luzon grid kung saan naranasan na nitong Martes ang…

Read More

DU30 BUSAL SA BIBIG NG US, CHINA — CPP

us china12

(NI MAC CABREROS) DISMAYADO ang makakaliwang grupo sa tila walang malinaw at konkretong panindigan ang administrasyong Duterte sa June 9 Recto Bank incident. “(President) Duterte has displayed utter spinelessness before China,” diin sa statement ng Information Bureau ng Communist Party of the Phippines. Ayon dito, tila hindi magawa ng Punong Ehekutibo na ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea dahil takot ito na mawala ang mga milyong dolyar na kaloob ng China. Dagdag dito na bukod sa walang karapatang mangisda ang mga Tsino sa lugar na teritoryo ng…

Read More

HALOS KALAHATI SA UUPO SA 18TH CONGRESS, FIRST-TIMERS 

congress12

(NI ABBY MENDOZA) MGA first-time congressman ang halos kalahating uupo na mambabatas sa papasok na 18th Congress, ayon sa House of Representatives. Ayon kay House Secretary General Roberto Maling nasa pagitan ng 135 hanggang 145 ang neophyte congressmen. Ipinaliwanag ni Maling na hindi pa nila maibigay ang eksaktong bilang dahil may mga election protest pa na nakabimbin sa Commission on Elections (Comelec) partikular sa partylist representatives. Sa kabuuan ay inaasahan na 304 hanggang 306 ang bubuo sa 18th Congress. Samantala, sinimulan na rin nitong Lunes sa Kamara ang pagbibigay ng…

Read More

 PEKENG MAYOR  SARA, ALALAY DINAKMA NG NBI

mayor sara12

(NI JULIE DUIGAN) KALABOSO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae nang magpanggap ang isa na  si Davao City Mayor Sara Duterte , upang maimpluwensiyahan sa pagpapasiya ng nakabimbing kaso ng National Labor Relation Commission (NLRC)  sa Quezon City , iniulat nitong Lunes. Base sa ulat ng NBI,  isinailalim na sa inquest proceedings sa Quezon City  Prosecutor’s Office , dahil sa paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority Official Function  ng Revised Penal Code ang mga nadakip na sina Ida Josephine Sioco Villahermosa, 52, residente ng  224…

Read More

EBIDENSIYA VS KAPA PINAG-AARALAN NA NG DOJ

doj12

(NI BETH JULIAN) PINAG-AARALAN na ng DoJ ang lahat ng ebidensya sa muling panloloko ng pamunuan ng Kapa Community Ministry International Incorporated. Gayunman, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, pagpapaliwanagin nila ang mga opisyal ng Kapa para sa patas na imbestigasyon. Kung makikitaan ito ng probable cause ay kakasuhan na ang mga kinatawan ng Kapa. Iginiit pa ni Nograles na lumalabas na negosyo ang  pagbibigay ng donasyon sa Kapa dahil ayon sa mga kasapi nito ay malaking pera ang bumabalik sa kanila matapos na mag-donate. Kung hindi umano legal…

Read More

BUONG REPORT HINIHINTAY NI DU30 SA RECTO BANK COLLISION

duterte33

(NI BETH JULIAN) DUMEPENSA ang Malacanang sa patuloy na pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng banggaan ng isang Chinese fishing vessel at sasakyang-pandagat ng mga Filipino na manginigisda sa Recto Bank. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nais muna ni Duterte na makuha ang buong report o ang totoong nangyari sa gitna ng kanya-kanyang bersyon ngayon nang marami. Ayon kay Panelo, maituturing itong premature o masyado pang maaga kung magbibitiw na ng komento o anumang pahayag ang Pangulo nang hindi pa nito…

Read More