NAKAPAGTALA ng perfect attendance ang pitong senador sa katatapos na third regular session ng 17th Congress. Ang mga ito ay nakadalo sa lahat ng 61 plenary session sa naturang panahon. Mula Hulyo 23, 2018 hanggang Hunyo 4, 2019, ang mga dumalo sa lahat ng sesyon ay sina Senators Franklin Drilon, Gregorio Honasan, Panfilo “Ping” Lacson, Aquilino “Koko” Pimentel III, Vicente “Tito” Sotto III, Joel Villanueva, at Juan Miguel “Migz” Zubiri. Ayon sa data mula sa Senate Journal Service, dumalo si Senador Nancy Binay ng 60 session days at isang session…
Read MoreAuthor: Jet
DU30 IAANUNSYO NA ANG MANOK SA SPEAKERSHIP
(NI BERNARD TAGUINOD) IAANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang manok sa limang kongresista na naglalaban-laban sa Speakership na iboboto sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22. Ito ang napag-alaman sa isang mapagkatiwalaang impormante sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng mga ulat na ayaw makialam si Duterte sa Speakership race dahil pawang malalapit sa kanya ang mga naglalaban-laban. “In a few weeks, magsasalita na si PRRD (Duterte) tungkol diyan (sa kanyang manok sa Speakership race),” ayon sa impormante na hindi na nagbanggit ng kapalit ng impormasyong ito.…
Read MoreMOTOLITE NAKATIKIM NG PANALO
NAKATIKIM na rin ng panalo ang Motolite nang talunin ang Bali Pure Purest Water Defenders sa straight sets, 25-16, 25-21, 25-18 sa PVL Reinforced Conference Season 3 kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Matapos tambakan ang Bali Pure sa opening set, muntik nang mabitiwan ng Motolite ang sumunod na set, kung saan naghabol pa ito ng anim na puntos, 13-19. Sa pamamagitan ni Channon Thompson, pinangunahan niya ang atake ng Motolite na tinampukan ng 12-2 rally, para sa come-from-behind win. Inaasahang gagamitin ng Motolite ang momentum…
Read MoreMANOY EDDIE NA-FRACTURE ANG LEEG; DASAL BUMUHOS
(NI LOURDES C. FABIAN) BUMAHA ng panawagan ng dasal para sa beteranong aktor/direktor na si Eddie Garcia matapos matisod sa isang kable nang pumasok sa eksena na makikipagbarilan sana sa ginagawa niyang teleserye sa GMA 7, ang “Rosang Agimat,” base sa kumalat na actual video ng mga pangyayari. Dumanas ng matinding atake sa puso ang 90-year-old actor at humingi ng panalangin ang kanyang pamilya para sa kanyang agarang paggaling. Nakita sa video na nagtulung-tulong ang production staff at ilang bystanders na alalayan si Manoy Eddie matapos itong himatayin. Balitang hindi na raw muna ililipat…
Read MorePAGBILI NG ARMAS SA US PINAG-AARALAN
(NI BETH CAMIA) INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinag-aaralan ang pagbili ng mga armas mula sa Estados Unidos. Ito ay dahil sa nagpapatuloy na magandang ugnayan nila ni US President Donald Trump. Taliwas ito sa kanyang naunang pahayag na sa Russia bibili ng mga armas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraan niyang personal na makaharap si Russian President Vladimir Putin. Ito rin ang naging tugon ng Pangulo nang sabihin ng US na hindi na sila magbibigay ng military aid sa Pilipinas kapag itinuloy ng pamahalaan ang…
Read MoreCANCER HOSPITAL PLANONG ITAYO
(NI BERNARD TAGUINOD) PANAHON na upang magkaroon ng isang hospital na ang especialty ay mga sakit na cancer matapos mapirmahan ang Republic Act (RA) No. 11225 o National Integrated Cancer Control Act. Sa ilalim ng nasabing batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019, magiging institusyon na ang national integrated program laban sa sakit na cancer at maparami ang mga survivors. Ayon kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, mas makakabuti kung ang gobyerno mismo ang pagtatayo ng ganitong pagamutan upang hindi madehado ang mga pasyente lalo na ang mga mahihirap at…
Read MoreNCRPO PINALAKAS SA OPENING NG KLASE SA PRIVATE SCHOOLS
(NI NICK ECHEVARRIA) NANANATILI ang mga kapulisan sa kanilang mga pwesto na nauna nang inatasan para mangalaga sa pagbubukas ng klase at sa pagkakataong ito ay sa mga pribadong eskuwelahan naman sa Metro Manila. Ito ang ipinahayag ni P/MGen. Guillermo Eleazar, Director of National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, matapos bigyang kautusan ang limang police district na nasasakupan nito na palawigin ang kanilang security measures sa mga lugar malapit sa mga private scholls. Kabilang sa limang police districts na sakop ng NCRPO ang Manila Police District (MPD), Quezon City Police District…
Read MoreDAGDAG-SAHOD NG STATE WORKERS PINATUTUKAN
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGAN nang simulan ang pagbuo ng bagong Salary Standardization Law (SSL) upang hindi bumagsak ang halaga ng sinasahod ng mga ito sa kasalukuyan. Ito ang iginiit ni ACT Teacher party-list Antonio Tinio dahil nasa huling taon na ang SSL 4 na sinimulang ipatupad ni dating pangulong Benigno Aquino III noong 2016. “Para hindi ma-erode ng inflation, ang pagtaas ng cost of living (ang value ng sahod ng mga state workers) kailangan talagang may new round ng salary increase sa lahat ng government employees,” ani Tinio. Ginawa ni…
Read MoreP2.50 ROLLBACK SA GASOLINA
(NI ROSE PULGAR) SA ikatlong sunod na linggo, muling magpapatupad ng malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa simula Lunes ng madaling araw. Naglabas ng abiso ang kompanyang Seaoil na magpapatupad sila ng big time oil price rollback na P2.45 kada litro ng gasolina, P2.70 kada litro ng diesel at P2.60 sa kada litro ng kerosene epektibo Lunes ng alas-12:01 ng hatinggabi. Habang ang kompanyang Pilipinas Shell at Petro Gazz ay magpapatupad ng kanilang bawas presyo alas-6:00 ng umaga sa (Hunyo 11) sa…
Read More