(NI DAHLIA S. ANIN) TUMATAAS umano ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Sa panayam kay Duque, nagbigay ito ng ilang paalala upang maiwasan ang dengue na tinawag nilang ‘4S’ sa kanilang kampanya laban dito. Paalala ng DoH, una ay search and destroy mosquitoes breeding places, o hanapin ang mga lugar na maaring pagngitlugan ng mga lamok na may dengue, ikalawa, secure self-protection, pangalagaan ang sarili, ikatlo, seek early consultation, magpakonsulta agad sakaling makaramdam ng sintomas nito, at support fogging in dengue…
Read MoreAuthor: Jet
CHINA BAGONG DESTINASYON NG MGA PINAY DH?
(NI BERNARD TAGUINOD) SA mga susunod na panahon ang bansang China na ang bagong desisyon ng mga Filipina household workers o mga kasambahay na mas maganda umano kumpara sa Gitnang Silangan. Ito ang nakikita ni ACT-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III matapos payagan ng China ang mga expats (expartiates) o mga dayuhang na manirahan at magtrabaho sa kanilang bansa na nangangailangan ng household workers lalo na ang mga mag-aalaga sa kanilang mga anak. Pinapayagan din aniya ngayon ng China ang mga expats na magdala ng kanilang mga kasambahay sa kanilang bansa kaya…
Read MoreLEGALISASYON NG ANGKAS INAASAHAN SA 18TH CONGRESS
(NI MAC CABREROS) UMAASA ang mga driver at operator ng motorcycle taxi o Angkas (kilala rin sa tawag na Taximoto) na magpapasa ng mga batas ang 18th Congress para maging ganap na legal ang kanilang hanapbuhay. “Sana magkaroon tayo ng batas para sa kapakanan ng lahat, kami at publiko lalo ang mga pasahero namin,” pahayag George Royeca, regulatory at public affairs head ng Angkas. Aniya, maigagawad sa mga driver at operation ang kanilang karapatan habang mapagkalooban ng tamang proteksyon ang mga pasahero dahil ilalatag ang mga patakaran at panuntunang dapat…
Read MoreVISAYAS, MINDANAO PATULOY NA UULANIN
(NI KIKO CUETO) MAKARARANAS ng patuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Ito’y dahil na rin sa intertropical convergence zone (ITCZ) o kaulapang dulot ng pagtatagpo ng hangin mula sa hilaga at timog malapit sa equator, ayon sa state weather bureau Pagasa. Paliwanag ni Pagasa weather forecaster Benison Estareja, maaring magdulot ng pagbaha at landslide ang isolated rains at thunderstorms na dala ng ITCZ. Magiging maaliwalas naman aniya ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, pero maaaring magkaroon ng mga panandaliang ulan sa hapon…
Read MoreMINORYA SA SENADO: MANATILI SANA SA AMIN ANG KOMITE
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga senador sa mayorya na hayaan ang oposisyon na manatili sa kanilang chairmanship committees. Ayon kay Drilon, dapat na igalang ng mayorya ang oposisyon sa Senado kabilang na rito sina Senador Leila de Lima at Risa Hontiveros. Partikular na tinutukoy ni Drilon ang Senate Committee on Social Justice, Welfare at Rural Development na pinamumunuan ni De Lima. Gayundin ang Senate Committee on Women, Children, Family relations ang Gender Equality na hawak naman ni Hontiveros. Giit pa ni Drilon, ang…
Read MoreP6.4-M GASTOS NG LUNG CENTER KINUWESTIYON
(NI FRANCIS SORIANO) TUMATAGINTING na P6.4 million ang kinuwestyon ngayon ng Commission on Audit (COA) dahil sa maanomalya umanong pagbili ng Lung Center of the Philippines (LCP) ng “industrial at medical gasses” noong nakaraan taon. Ayon sa COA report, bigo umano ang pamunuan ng LCP na magsagawa ng public bidding, invitation to bid na dapat i-publish sa mga diyaryo. Wala din abstract of bids na nagpapakita sa price offers ng ibang suppliers, hindi rin ni-require ng performance security bond ang nanalong bidder at walang kontratang nilagdaan ang contractor na ginawaran ng bayad.…
Read MoreLTFRB SINISI SA PAGDAMI NG COLORUM NA GRAB
(NI ABBY MENDOZA) PINAMAMADALI ni House Committee on Metro Manila Development Chair Winston Castelo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) ang pagpoproseso ng aplikasyon para sa lisensya ng mga Grab drivers. Ayon kay Castelo, ang mabagal at kumplikadong proseso ng LTFRB sa paglilisensya at registration ng operasyon ng mga Grab applicants ang dahilan kung kaya’t marami ang mga colorum. Giit ni Castelo na kung mapapabilis ang pag-apruba sa aplikasyon at gagawing simple ang proseso ng lisensya ng mga Grab drivers ay hindi maglilipana ang mga colorum na Grab. Matatandaan na…
Read More‘DI PALA TOTOONG PRO-POOR ITONG SI WILLIE REVILLAME?
(NI RONNIE CARRASCO III) “’KALA ba namin, eh, maka-mahirap si Willie Revillame?” Napapailing na lang na ibinungad ito sa amin ng isa naming taga-barangay sa Pasay City, isa sa 40 kataong pinalad makapanood at makapaglaro sa “Wowowin” ng GMA nitong June 4, Martes. Alas-diyes pa lang daw ng umaga’y gumayak na sila with the program name-emblazoned violet T-shirt na ipinagawa pa nila. A 20-minute MRT ride would get the group to the network studio, bale annex ng GMA. Kabilang sa kuwarenta katao na ‘yon ay mga housewives or sari-sari store…
Read MoreMASTERPLAN SA SAPAT NA TUBIG KINATIGAN SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) KINATIGAN ng House of Representatives ang resolusyong inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para magtatag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System at iba pang ahensya ng masterplan para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig. Sa adopted House Resolution 2593, ipatutupad ang masterplan para sa mga tahanan, commercial establishments at industrial use sa Metro Manila na maaaring gayahin sa ibang bahagi ng bansa. Layon ng nasabing hakbang na masiguro na agad matutugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig at paraan din para labanan ang negatibong epekto ng…
Read More