RAPTORS DUMIKIT SA KORONA

kawhi12

DUMIKIT ang Toronto Raptors sa mithiing hubaran ng kampeonato ang Golden State Warriors matapos ang malaking panalo sa Game 4 ng NBA Finals, Sabado (Manila time) sa Oakland, California. Muling binitbit ni Kawhi Leonard ang Raptors tungo sa 3-1 edge sa serye, isang hakbang na lang at makakamit na ng Toronto ang una nitong championship. Ang 27-anyos na si Leonard, na mas malamig pa sa yelo ang hilatsa ng mukha sa kabila ng panalo, ay umiskor ng 36 points at humablot ng 12 rebounds para sa Raptors. Binuksan ng Leonard…

Read More

NUDE PHOTO NA KUMALAT: ‘AKO NGA ‘YUN!’ – MARTIN

martin12

(NI ROMMEL GONZALES) MASAYA si Teri Onor para sa kaibigang si Vice Ganda, na napapabalitang karelasyon ngayon si Ion “Kuya Escort” Perez. “Kahit naman sino, basta tinanggap kami, hindi ikinahiya, dapat na maging masaya tayo, support na lang tayo. Ibigay na natin kay Nanay Vice. Ilang taon niya tayong pinapasaya. Para siya naman ang lumigaya ngayon.” Ang hangad daw niya ay mag-enjoy lang si Vice ngayon. “Enjoy lang, kapatid. Kung ano ang kaligayahan na tinatamasa mo ngayon sa feeling ng taong mahal mo, enjoy-in mo lang. Huwag mong intindihin ang…

Read More

SA ITINAYONG MALL; EX-MAYOR HULI SA GRAFT

munoz12

(NI JG TUMBADO) DINAKIP ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang dating alkalde sa Munoz City, Nueva Ecija dahil sa kinakaharap nitong kasong graft. Sa bisa ng arrest warrant, isinakatuparan ang pagdakip kay Efren Alvarez nitong Biyernes ng gabi sa Bayuga Street, Barangay Poblacion South nang matunton ng Intelligence operatives ng Nueva Ecija Provincial Police Office at CIDG Regional Police Office 3 (PRO3). Si Alvarez ay kapatid ng kasalukuyang alkalde ng Science City of Munoz. Nitong nakalipas na 2009 ay hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan…

Read More

WALANG AFRICAN SWINE FEVER SA PINAS – DA

dasec12

(NI JEDI PIA REYES) TINIYAK ni Agriculture Secretary Manny Pinol na walang nakalusot na ano mang karne ng baboy na mayroong African Swine Fever (ASF)  at ligtas ang bansa sa nasabing virus. Ayon sa kalihim, naging mahigpit ang pagpasok ng mga produktong baboy sa Pilipinas simula nang pumutok ang problema. Gayunman, sinabi ng Kalihim na kailangan pa ring tutukan ang posibleng pagpasok ng virus sa pamamagitan ng pag-aangkat ng baboy at processed pork products. Nauna nang ipinagbawal ang pag-aangkat ng baboy mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria,…

Read More

850 PASAHERO NG MRT3 PINABABA SA PALYADONG TREN

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) NAPILITAN ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pababain ang may 850 pasahero nito matapos pumalya ang motor ng sinasakyan nilang tren sa bahagi ng Mandaluyong City nitong Biyernes. Batay sa advisory na inisyu ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, nabatid na dakong 5:21 ng hapon nang pababain ng tren ang mga pasahero sa Boni Station northbound. Ayon sa DOTr-MRT-3, electrical failure sa motor ng tren ang dahilan ng naturang unloading incident. Kaagad rin namang naisakay ang mga pinababang pasahero sa kasunod na tren, matapos…

Read More

US PINALALAYO NI DU30 SA WEST PHL SEA ISSUE

trum12

(NI BETH CAMIA) MULING  tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabi na nito kay  Chinese President Xi Jinping na binabawalan nito ang tropa ng Amerika na manghimasok sa Pag-asa island na sakop ng pinag-aagawang West Philippine Sea. Sa isang panayam, muli ring binanggit ni Duterte na nakipag usap na ito kay Xi at tinanong kung bakit maraming barko ang nakapaligid sa nasabing isla. “Why are you surrounding my island with so many ships? You’re wasting your gasoline,” tanong ni Duterte kay Xi. Ang nasabing pakikipag-usap ni Duterte kay Xi ay…

Read More

KAPA INVESTMENT SCAM IPINASASARA NI DU30

duterte123

(NI BONG PAULO) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa patuloy na pagkalat ng mga investment scheme sa Southern Mindanao na nagbibigay ng malaking porsiyentong tubo sa ilalagak na halaga ng pera. Ayon sa Pangulo kanyang inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) at maging ang PNP-CIDG na ipasara na ang nasabing operasyon. Kabilang sa mga ipasasarang operasyon ay ang KAPA Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon (Mahirap ay Pagyamanin) ni Pastor Joel Apolinario na nagbibigay ng 30% na tubo sa ilalagak na pera. Sa panayam ni Pastor…

Read More

SCTEX MAY TOLL FEE HIKE

subic21

(NI KEVIN COLLANTES) SIMULA sa susunod na linggo ay magpapatupad na ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) ng panibagong toll fee increase. Ayon sa North Luzon Expressway Corp. (NLEX), na siyang operator ng SCTEx, ito’y matapos na aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang hiling nitong karagdagang P0.51 per kilometer na toll hike. Anang NLEX, ang bagong toll hike ay sisimulan nilang kolektahin simula 12:01 ng madaling araw ng Hunyo 14, Biyernes. Nabatid na sa ilalim ng bagong toll rates, ang mga class 1 vehicles o mga ordinaryong kotse na bibiyahe mula…

Read More

ANOMALYA SA PHILHEALTH FUNDS KAKALKALIN NG SENADO

rissa12

(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa kontrobersiya  sa paggamit ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis treatment. Ayon kay Senador Risa Hontiveros, kailangang may managot sa nasabing anomalya at hindi dapat na palampasin nang basta-basta. Sinabi nitong kailangan ang imbestigasyon sa ibinulgar ng whistleblower na si Edwin Roberto na pinapayagan ng PhilHealth ang mga kuwestiyunableng claims at pagpapalabas na pondo para sa mga ghost dialysis o dialysis treatments o mga dating sumasailalim sa naturang gamutan pero mga nasawi…

Read More