BUCKS SIBAK SA RAPTORS

bucks12

BINITBIT ni Kawhi Leonard, may 27 points at 17 rebounds ang Raptors sa NBA Finals sa unang pagkakataon, matapos sibakin ang Milwaukee Bucks, 100-94, sa kanilang Eastern Conference series sa Toronto, Linggo (Manila time). Hinabol ng Raptors ang 15-point deficit para kunin ang panalo sa Game 6 (4-2) at nakatakdang harapin ang defending national champions Golden State Warriors sa Game One ng NBA Final sa Biyernes (Manila time). Tumulong kay Leonard para sibakin ang top seeded Bucks sina Pascal Siakam na may 18 points, Kyle Lowry may 17 points at…

Read More

HOUSE AND LOT GIFT NI DU30 SA PMA VALEDICTORIAN

house and lot12

(NI HARVEY PEREZ) HINDI na poproblemahin ng valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 ang pagbili ng sarili niyang bahay at lupa. Ito ay matapos regaluhan ng  house and lot ni  Pangulong Rodrigo  Duterte si Cadet First Class Dione Mae Umalla na siyang nanguna sa  Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019. Nabatid na ang titulo ng bahay at lupa ay iniabot mismo ni Duterte sa ginanap na graduation rites sa Fort Del Pilar sa Baguio City. Bukod sa  regalong bahay at lupa, tumanggap din si…

Read More

PAGTATAGPO NI PULONG, TRILLANES SA KAMARA POSIBLE 

dutri12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa nakatakda ang pagtatagpo nina Davao City Ist District Congressman-elect Paulo ‘Pulong’ Duterte at Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV subalit darating din umano ang panahong ito. Isa sa mga inaabangan ay kung magiging kinatawan ng Magdalo party-list group si Trillanes lalo na’t tapos na ang termino nito bilang senador sa tanghali ng Hunyo 30, 2019. Gayunpaman, wala ang pangalan ni Trillanes sa 5 nominees ng Magdalo party-list dahil tanging sin Manuel G. Cabochan, Eugene Louie P. Gonzalez, Elmer D. Cruz, Ian Lus D. Badecao III at Jeveehboy…

Read More

UV EXPRESS GAGAWIN NA RIN P2P — LTFRB

uv express12

(NI JEDI PIA REYES) HINDI na pupuwedeng magsakay at magbaba ng mga pasahero kung saan naisin ng drayber ng mga sasakyang UV Express. Ito ay dahil gagawin nang Point-to-Point o P2P ang operasyon ng UV express vehicles, batay sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2019-025 na pirmado ni LTFRB Chair Martin Delgra at may petsang Mayo 15, maaari lamang isakay at ibaba ng UV express units ang mga pasahero sa mga “designated terminal”, base sa rutang nakasaad sa kanilang Certificate…

Read More

KISSES DELAVIN, MUNTIK NANG MAG-QUIT SA SHOWBIZ

delavin2

(NI LOURDES C. FABIAN) TINULDUKAN ng former Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin ang usap-usapang magku-quit na siya sa showbiz. Nagsimula ang balitang tatalikuran na niya ang showbiz nang mag-concert siya at nabanggit niyang sumagi sa kanyang isipan ang tumigil na sa showbiz. Sa kanyang guesting sa ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay,” inamin ni Kisses na sumagi talaga sa kanyang isip ang tungkol sa pagku-quit, pero nagbago na raw iyon dahil naramdaman niyang marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Aminado si Kisses na ang mga naranasang pamba-bash sa social…

Read More

PERU NILINDOL, PHL LIGTAS SA TSUNAMI

philvolcs12

(NI JEDI PIA REYES) WALANG banta ng tsunami sa Pilipinas ang magnitude 7.5 na lindol sa Northern Peru. Ito ang tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng malakas na pagyanig sa Peru na naitala dakong alas-3:41 ng Linggo ng hapon (oras sa Pilipinas). May lalim na 105 kilometro ang nasabing pagyanig na batay naman sa US Geological Survey ay nasa magnitude 8 na ang lindol. Patuloy pa rin ang ginagawang pagmomonitor ng Phivolcs sa lindol sa Peru. 287

Read More

DU30 LATE NG 2-ORAS SA PMA GRADUATION

pma2

(NI HARVEY PEREZ) NAANTALA ng dalawang oras ang graduation rites ng Philippine Military Academy “Mabalasik” Class of 2019, Linggo ng umaga matapos ma-late ng dating si President Rodrigo Duterte sa Camp Fort Del Pilar sa Baguio City. Nabatid na alas-9:00 ng umaga ang nakatakdang graduation ng mga kadete pero dumating ang convoy ng Pangulong Duterte ng alas-10:55 ng umaga. Nagsisimula nang mag martsa para bumuo ng squads sa Borromeo Field pero nahinto nang dumating ang  presidential motorcade  sa PMA ng alas-10:55 ng umaga. Habang papunta sa grandstand ng  Barromeo Field Grandstand,sinalubong…

Read More

2 PMA CADETS ‘DI NAKA-GRADUATE 

pma

(NI JG TUMBADO) HINDI nakapagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ang dalawang kadete na miyembro ng Mabalasik Class of 2019, Linggo ng umaga. Ito ay makaraang tanggalin ang kanilang mga pangalan mula sa orihinal na 263 kadete na ga-graduate dahil sa mga paglabag sa regulasyon ng akademiya. Ayon kay Major Reynan Afan, tagapagsalita ng PMA, posibleng isama na ang dalawang napag-iwanang kadete sa pagtatapos ng Class of 2020. Dahil hindi naman nilabag ng mga kadete ang Honor Code, hindi sila nasuspinde pero may ibang parusa na ipinataw sa kanila na…

Read More

PARTY-LIST MAY ‘DEAL’ SA UUPONG SPEAKER

speaker23

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKIKIPAG-DEAL pa umano ang party-list congressmen-elect sa mga kandidato sa Speakership na mamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress bago nila bitawan ang kanilang boto. Ito ang nabatid sa isang mapagkatiwalaang impormante sa Kamara kaya hindi pa nagdedesisyon ang nasabing grupo kung sino sa tatlong kandidato sa speaker ang kanilang susuportahan. Nakaharap na ng mayorya sa nasabing grupo ang tatlong kandidato na sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano nitong Sabado upang makuha ang kanilang boto.…

Read More