ARESTADO ang anak ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang sa drug bust sa Davao City. Sa halip kunsintihin, pinuri pa ng gobernador ang mga arresting officers para sa isang ‘job well done.’ Sa statement, sinabi ni Dayanghirang na ang kanyang anak na si Jossone Michael Dayanghirang, 32, ay inaresto at kailangang harapin ang kanyang pagkakamali. Ayon kay Davao City Police Director Alexander Tagum, umaabot sa 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P208,000 ang nabawi sa batang Dayanghirang. Kinumpirma ng gobernador na anak niya ang naaresto noong Miyerkoles ng hapon…
Read MoreAuthor: Jet
DAHIL PALPAK; K TO 12 PROGRAM IPINAREREBYU SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL walang magandang naidulot umano ang K-to-12 program, hindi lamang sa mga magulang kundi sa mga estudyante, pinarerebyu na ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa inihaing resolusyon ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago sa Kamara nitong Huwebes, sinabi nito na pinag-eksperimentuhan, pinagkakitaan, pinahirapan at pinaasa lamang umano ang mga kabataan kaya dapat aniya itong rebyuhin ng Kongreso at buwagin na kung kinakailangan. Inihain ng mambabatas ang resolusyon matapos aminin umano ni Commission on Higher Education (CHED) chair Prospero De Vera III na mayroon umanong mga depekto…
Read More‘I DIDN’T WANT TO TAKE CHANCES ANYMORE’ – JOYCE PRING
(NI ROMMEL GONZALES) PRESENT sa launch ng first single ni Joyce Pring na “Baka Sakali” ang rumored boyfriend niyang si Juancho Trivino. Si Juancho ang dahilan kaya natapos ni Joyce ang pagsulat ng naturang awitin. Makailang beses nang nasaktan at nabigo sa pag-ibig si Joyce at sumuko na siya noon. Pero muling nagkaroon ng puwang ang pag-ibig sa puso niya nang dumating sa buhay niya si Juancho. “We have all been jaded by love. I didn’t want to take chances anymore,” pahayag ni Joyce. “But late last year, someone tried.…
Read MoreCHINA FOOD CITY IPINASARA NG DTI
(NI ROSE PULGAR) IPINASUSPINDE ng Department of Trade and Industry (DTI) ang operasyon ng isang Chinese food park sa Las Piñas City na China Food City. Nitong Huwebes ay nag-inspeksyon si DTI Secretary Ramon Lopez, kasama ang ilang opisyal at mga tauhan ng DTI, sa China Food City, na nabalot ng kontrobersya dahil sa umano’y pagiging “Chinese-only” na lugar. Paliwanag ng DTI, habang kumukuha pa ang China Food City ng mga kailangang permit, marapat na suspendihin muna ang operasyon nito. Aalamin din ng DTI at lokal na pamahalaan ng Las…
Read MoreDFA SARADO SA LUNES
(NI ROSE PULGAR) INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs na sarado ang lahat ng kanilang mga opisina sa buong bansa sa darating na Lunes ( Mayo 13) sa araw ng halalan 2019. Sa pahayag ng DFA, inaabisuhan nito na sarado ang kanilang opisina sa Aseana Business Park at lahat ng DFA Consular Offices sa araw ng eleksyon. Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 719, na inilabas noong Mayo 9, ng Executive Secretary, na nagdedeklara sa Mayo 13 bilang isang special non-working holiday sa buong kapuluan…
Read More43-ORAS LIQUOR BAN IPATUTUPAD NG PNP
(NI JG TUMBADO) IPATUTUPAD ng Philippine National Police (PNP) ang 48-oras na liquor ban bago ang May 13 midterm elections. Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac, ito ay para matiyak ang mapayapa at maayos na eleksyon. Magsisimula ang implementasyon nito bandang alas 12:01, Linggo ng madaling-araw (May 12) hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling-araw (May 13). Magiging mahigpit aniya ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakalalasing. Bahagi aniya ito ng inihandang seguridad ng PNP para sa eleksiyon.…
Read More89 BILANGGO NAGTAPOS NG IBA’T IBANG KURSO SA NBP
(NI LYSSA VILLAROMAN) NASA 89 bilanggo ng New Bilibid Prisons (NBP) ang nagtapos ng iba’t-ibang kurso sa comprehensive school program ng University of Perpetual Help (UPH) sa kabila ng kanilang pagkakapiit sa naturang pambansang kulungan sa Muntinlupa City. Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon na naging panauhing pandangal sa ika-30 taong programa ng University of Perpetual Help-Bilibid Extension School, sa pamumuno ni UPH CEO at board chairman Dr. Brigadier General Antonio “Tony” Tamayo, na isinagawa sa Medium Security Compound ng Camp Sampaguita, Muntinlupa City. Sa kabuuang bilang ng…
Read MoreVOTE BUYING; GRUPO NG MUSLIM DUMULOG KAY DU30
(NI MINA DIAZ) NAGKAKAISANG nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang grupo ng mga Muslim advocate upang ipagpaliban ang eleksiyon sa BARMM area dahil sa talamak na bilihan at bentahan ng boto. Ang Bangsamoro Multi-Sectoral Group, alyansa ng iba’t ibang organisasyon sa buong Pilipinas, ay nakapagtala ng mahigit 600 na mga sinumpang salaysay ng mga kaso ng bentahan at bilihan ng boto at ito ay naisampa na sa Legal Department ng Commission on Election. Ayon kay Alan Balangi, chair ng One Bangsamoro Movement (1Bangsa), ang bentahan at bilihan ng boto at nakaumang na dayaan sa…
Read MoreAPELA NI PDU30: PANANAKOT SA BOTANTE ‘WAG PAIRALIN
(NI BETH JULIAN) UMAPELA si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga kandidato na huwag pairain ang pananakot o harassment para makakuha ng boto. Babala ng Pangulo, siya ang makakabangga ng mga politikong manggigipit ng mga botante sa Lunes. Ayon sa Pangulo, marapat lamang hayaan ang mga botante na makapamili ng mga kandidatong gusto nilang iluklok sa puwesto bilang bahagi ng demokrasya. Iginiit ng Pangulo na kailangang masunod ang batas sa halalan upang maiwasan ang anumang problema. Nangako rin ito na hindi niya hahayaan ang maruming eleksyon sa ilalim ng…
Read More