(NI JEDI PIA REYES) PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chair Efraim Genuino sa kasong perjury na may kinalaman sa paghahain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). Batay sa desisyon ng anti-graft court, hindi napatunayan ng prosekusyon na may sapat na batayan upang maidiin ang akusado sa kaso. May kaugnayan ang asunto nang hindi umano isinama ni Genuino ang kanyang mga ari-arian sa Bangkal, Makati City; Tunasan, Muntinlupa; Los Baños at Sta Rosa, Laguna, mula noong 2002 hanggang 2005. Apat…
Read MoreAuthor: Jet
DoE: MAY 14, ‘DI HOLIDAY
INIURONG ng Department of Energy (DoE) ang pagsusulong na ideklarang holiday ang araw matapos ang eleksyon sa Mayo 13. Kinumpirma ito ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella. Nauna nang sinabi ng ahensya na pag-aaralan nilang isulong na gawing holiday ang Mayo 14 upang mapanatili ang power supply habang ginaganap pa ang pagbibilang ng mga boto dahil sa pangamba ng pagkakaroon ng brownout, dahil sa pagtaas ng demand ng supply matapos ang eleksyon. Nang tanungin kung may nakaamba bang brownout sa panahon ng eleksyon, sinabi ni Fuentebella na walang nakambang brownout dahil …
Read MoreTASK FORCE VOTE BUYING NAKAALERTO
(NI FRANCIS SORIANO) TATLONG araw bago ang nakatakdang halalan sa Lunes ay siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagbabantay sa mga magtatangkang bumili ng mga boto at nagbanta na sa kulungan ang bagsak ng mga ito sa sandaling sila ay mahuli. Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac, umarangkada na ang Task Force Vote Buying na pinangungunahan ng Comelec na ipinakalat na sa iba’t ibang panig ng bansa. Dagdag pa nito na huwag nang tangkain pa ang pamimili ng boto dahil hindi nagbibiro ang batas para sa sinumang lalabag…
Read MoreMAYOR BALDO SUMUKO NA
SUMUKO na, Biyernes ng umaga, si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos isyuhan ng arrest warrant sa pagkamatay ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort. Sinabi ni Col. Wilson Asueta, director ng Albay police, na si Baldo ay sumuko bandang alas-8:30 ng umaga sa Legazpi Regional Trial Court Branch 10, kasama ang kanyang pamilya at abogado. Ang pagsuko ni Baldo ay tatlong araw bago ang May 13 elections. Ang Legazpi Regional Trial Court Branch 10 din ang nag-isyu ng warrant laban sa mayor para sa double murder…
Read MorePILOT IMPLEMENTATION NG ANGKAS, UMPISA NA SA HUNYO
(NI KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na sisimulan na ang pilot implementation ng ‘motorcycle taxi’ o mas kilala sa tawag na ‘Angkas,’ sa bansa, sa Hunyo. Inaprubahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pilot implementation base na rin sa rekomendasyon ng Technical Working Group (TWG), na binubuo ng mga kinatawan mula sa DOTr, Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Metro Manila Development Authority (MMDA), Senado, Kongreso, commuter welfare groups, road safety advocates, motorcycle manufacturers,…
Read MoreDEPED NAGHAHANDA NA SA SCHOOL OPENING SA JUNE 3
(NI MAC CABREROS) BUKOD sa paghahanda sa Mayo 13 elections, puspusan na rin ang paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa pagbabalik ng klase sa Hunyo. Ayon Education Undersecretary Tonisito Umali, pormal na ikakasa nila ang Brigada Eskwela sa Mayo 16 sa Alfonso Central School, Alfonso, Cavite. Aniya, hudyat ito sa isang linggong Brigada Eskwela mula Mayo 20 hanggang 25. Layon nito na pagbuklurin ang mga magulang, guro at iba’t ibang grupo o sektor para maihanda ang mga paaralan at pasilidad para sa pagbabalik eskwela ng milyon-milyong estudyante, pahayag Usec.…
Read MoreCONJUGAL VISIT WITH SEX SA MGA BABAENG PRESO PINABORAN
(NI DAVE MEDINA) NAGBABALAK si Bureau of Corrections (BUCOR) Director Nicanor Faeldon na payagang magkaroon ng conjugal visits with sex sa mga Correctional Institutions for Women sa bansa. Ayon kay Faeldon, nagiging hindi makatwiran na pagbawalan ang mga kababaihang inmate na makipagtalik sa kanilang asawa sa loob ng selda samantalang ang mga lalaking bilanggo ay pinapayagan na makipag-sex sa kanilang asawang dumadalaw at mayroon pang maliit na kuwartong inilaan para sa naturang aktibidad pang may-asawa. Ang hindi aniya pagpayag sa conjugal visit with sex ay isa umanong uri ng paglabag…
Read MoreHIGIT 1-K POLL HOTSPOTS NAITALA NG COMELEC
UMABOT na sa 1,196 ang itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na election hotspots kung saan nadagdagan pa tatlong araw bago ang eleksiyon sa Lunes. Sinabi ng Comelec na ang bagong listahan ay sumasaklaw sa National Capital Region, Luzon at Visayas at inirekomenda ng Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel base sa official report mula sa lahat ng regional joint security control centers. Ang lahat ng lugar sa Mindanao ay nauna nang inilagay sa ilalim ng election hotpots bilang category red (areas of grave concern). Kabilang sa…
Read MoreDUTERTE ‘DI NAKADALO SA MITING DE AVANCE NG HUGPONG
DAVAO CITY – No show si Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), sa kanyang balwarte rito. Nakatakda sanang dumalo ang Pangulo, ngunit ayon sa kanyang trusted aide at Senate aspirant Bong Go, pagod umano ang Pangulo at kailangan nitong magpahinga. Galing ang Pangulo sa isang campaign sortie ng kanyang political party PDP-Laban, sa Bohol nitong Miyerkoles. Ang pagdalo sana ng Pangulo ang unang pagkakataon sa Hugpong kundi sumama ang pakiramdam nito. Sa buong panahon ng kampanya, tanging ang campaign sorties ng…
Read More