7 LUGAR SA CAVITE  SAKOP NA NG ‘IMMEDIATE CONCERN’ 

cavitemao12

(NI SIGRED ADSUARA) PITONG lugar sa Cavite ang tinututukan ngayon bilang ‘election areas of immediate concern’ sa Mayo 13. Kabilang dito ang lungsod ng Imus, Dasmarinas, Gen. Trias, Trece Martires, ang mga bayan ng Kawit, Rosario at Maragondon, pawang sa Cavite. Sa idinaos na send-off ceremony nitong Martes sa Camp BGen Pantaleon Garcia  sa Imus City, Cavite  na  pinangunahan ni Provincial Director, Police Coronel Willaim Segun, sinabi na ang mga areas of immediate concern ay magkakaroon ng dagdag-puwersa upang masiguro ang malinis at mapayapang halalan. Bukod sa karagdagang puwersa, magsasagawa…

Read More

SUPPLY NG KURYENTE SAPAT SA ELEKSIYON

doe

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Department of Energy (DoE) na may sapat na suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon sa Lunes, May 13. Ito ang ginarantyahan ng DoE kay Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi sa Cabinet meeting sa Malacanang. Sa panig ng Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of National Defense (DND), sinabi  ng mga ito sa Pangulo na nakaposisyon na ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na tinaguriang election hotspot upang mapigilan…

Read More

‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte. Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matapos lumutang sa Integrated Bar of the Phippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy. Gayunman, ayon kay Panelo, tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula. Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminal records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw. Ito ay patunay lamang…

Read More

800-K TAUHAN NG GOBYERNO, ITATALAGA SA MAY 13 ELECTIONS

halalan20

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT sa 800,000 mga kawani ng gobyerno at mga National Government Office (NGOs) ang itinalaga para mangalaga sa ikatatagumpay ng nalalapit na 2019 midterm elections sa Lunes. Sa isinagawang send-off ceremony, Martes ng umaga sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo, pinakamalaki rito ang bilang ng mga guro mula sa Department of Education (DepEd) na may kabuuang 500,000 para magsilbing mga Board of Election Inspectors (BEI). Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nasa 1,404 na mga pulis ang sinanay na handang pumalit bilang BEI sakaling may mga…

Read More

BILANG NG OFWs NA MAY HIV MAS DUMAMI

hiv12

(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip mababawasan, lalo pang dumami ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nabibiktima ng Human Immunodeficiency Virus (HIV). Ito ang nabatid kay House deputy minority leader John Bertiz matapos umabot sa 88 OFWs ang natuklasang mayrong HIV noong Pebrero 2019 o mas mataas ng 22% kumpara sa 72 na nairekord noong Pebrero 2018. “The February cases brought to 6,433 the cumulative number of OFWs found living with HIV since the government began passive surveillance of the virus in 1984,”anang mambabatas. Mula taong 1984, umaabot na sa…

Read More

PYTHON SNAKE PAPUNTANG MALAYSIA, HULI SA LOOB NG SPEAKER

ahas12

(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kargamento kung saan nakapaloob ang buhay na python snake, na itinago ng may-ari sa loob ng bluetooth speaker. Ang nasabing kargamento ay papuntang Malaysia at na-intercept ito ng mga taga-Customs pagdaan sa x-ray machine noong Mayo 5. Nabatid na umaabot sa  20 inches ang haba ng python at ayon sa mga ito umaabot pa ito hanggang 32 ang haba kung saan kaya nitong kumain ng tao o mga hayop na lumalapit…

Read More

PAGTAAS NG PRESYO NG KARNE NG BABOY ASAHAN

swine12

(NI DAHLIA S. ANIN) DAHIL sa epekto ng African Swine Fever (ASF), asahan na umano ang pagtaas ng pressyo ng karne ng baboy sa mga susunod na buwan,  ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA). Pinakaapektadong bansa ang China ng ASF, na siyang pinakamalaking pork producer sa buong mundo. Kaya naman upang masiguro umano ng China na sapat ang kanilang suplay ay binibili nila ang lahat ng imported na karne sa buong mundo, ayon sa MITA. Ilan sa mga inaasahang tataas ang presyo ay ang imported na ham, tocino,…

Read More

DU30 NANINDIGAN; ‘DI TAPUNAN NG BASURA ANG ‘PINAS

dutertebasura12

(NI BETH JULIAN) MAGHIHIPIT na nang todo ang administrasyong Duterte para matiyak na wala nang makapapasok na basura sa Pilipinas mula sa kahit anong bansa. Ito ay matapos manindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi garbage collector ang Pilipinas kaya’t hindi na kailanman nito papayagan ang anumang bansa na gawing basurahan ang Pilipinas. Sa pagdalo ng Pangulo sa 37th Cabinet Meeting Lunes ng gabi sa Malacanang, ipinag-utos na nito sa lahat ng sangay ng gobyerno na huwag nang pumayag na tumanggap ng basura o anumang waste material mula sa ibang…

Read More

SINGIL SA KURYENTE BABABA SA MAYO

meralco1

(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita dahil mababawasan ng mahigit 27 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang bayarin ng mga consumers ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Mayo. Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng kanilang singil ng kabuuang P0.2728/kwh ay dulot nang malaking bawas sa singil sa generation charge, suplay ng mga kakontratang planta, transmission charge at iba pang mga buwis. Ipinaliwanag pa ng Meralco na bagamat P3.53/kwh ang itinaas ng presyo sa spot market ay na-offset naman ito nang mas mababang rate ng Independent Power Producers (IPPs) at Power Supply Agreement…

Read More