NUMBER CODING SUSPENDIDO SA MAY 10, 14

mmda

(NI ROSE PULGAR) SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga provincial buses sa Biyernes (Mayo 10) at Martes (Mayo 14) upang bigyan daan ang mga commuters na uuwi ng kanilang mga probinsiya para bumoto. Sa abiso ng MMDA, ang suspensiyon ay para tiyakin na may sapat na pampublikong transportasyon ang mga mananakay patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila. Ayon kay MMDA Traffic Czar Bong Nebrija, sinuspinde ang number coding upang mapadali ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa…

Read More

P450-M PORT PROJECT SA PAGASA ISLAND NAGLAHO?

pagasa8

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAHANAP ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Transportation (DOTr) ang P450 million na inilaan ng Kongreso noong 2017 para sa pagpapatayo ng seaport sa Pagasa Island. Itinaon ni House deputy minority leader Lito Atienza ang pagtatanong sa ginta ng pagdami umano ng Chinese maritime militia vessels  sa paligid ng Pagasa Island sa West Philippine Sea. Ayon sa mambabatas  dalawang taon na ang nakararaan simula nang aprubahan ng Kongreso at isama sa 2017 General Appropriation Act (GAA) ang nasabing pondo subalit walang impormasyon kung nasimulan na…

Read More

IBP TINABLA SI ‘BIKOY’

bikoy19

(NI KEVIN COLLANTES) WALANG maaasahang free legal assistance si Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang ‘Bikoy’ at umano’y nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video serye, mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP). Ito ay matapos ibasura ng IBP ang kahilingan ni Bikoy, sa pamamagitan ng kanilang National Center for Legal Aid (NCLA), matapos ang mahabang diskusyon sa isyu. Sinabi nito na hindi kwalipikado si Advincula sa free legal assitance base na rin sa kanilang NCLA Manual of Operations. “The Integrated Bar of the Philippines, through the National Center for…

Read More

KAHIT PULIS PA; ARMAS OFF-LIMITS SA POLLING PRECINCTS

pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA) BAWAL magdala ng baril sa loob ng mga polling precinct ang mga bobotong pulis sa Lunes kahit nakasuot ng uniporme ang mga ito. Kahit umano ang mga pulis na sinanay ng Commission on Elections (Comelec) bilang Board of Elections Inspector kapalit sakaling may mag-absent na mga guro, ay bawal ding magdala ng armas. Ito ang mahigpit na babala ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde na tanging ang mga naka-duty lamang na mga pulis na magbabantay sa mga nasabing polling precinct ang may pahintulot na magdala ng…

Read More

AFP NAKA-‘ELECTION MODE’ NA PARA SA LUNES

afp12

(NI FRANCIS SORIANO) MULA sa combat mode ay nasa election mode na ngayon ang atensiyon  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan magiging prayoridad muna ang pag-secure sa halalan at second priority pansamantala ang internal security operations. Ayon kay Chief of Staff General Benjamin Madrigal, malinaw sa kanilang mandato na magbibigay ang mga ito ng perimeter security higit sa panahon ng eleksiyon. Pero hindi aniya ito nangangahulugan na ititigil ng AFP ang mga operasyon laban sa New People’s Army (NPA), mga local terrorist groups at private armed groups…

Read More

PING: WALA NANG SAYSAY PAKINGGAN SI ‘BIKOY’

ping lacson 12

WALA na umanong saysay pakinggan ang sasabihin ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, dahil sa kawalan nito ng kredibilidad. Gayunman, hahayaan umano ni Senador Panfilo Lacson na si Senate President Vicente Sotto III na ang maghubad ng maskara at ipakita ang totoong pagkatao ni Advincula na ilang taon ding nakulong sa New Bilibid Prisons. Sinabi ni Lacson na si “Ang Totoong Narcolist” video narrator Bikoy ay lumapit na umano kay Sotto noong 2016. Ayon pa kay  Lacson na matapos ang ihahayag ni Sotto ay malalaman ng publiko kung bakit hindi…

Read More

INFLATION RATE NUMERO LANG; PRESYO NG BILIHIN ‘DI BUMABABA

market23

(NI BERNARD TAGUINOD) NUMERO lamang ang inflation rate na bumababa at  hindi ang presyo ng mga bilihin sa palengke. Ganito minaliit ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang naitalang 3% inflation rate noong Abril na mas mababa sa naitalang 3.3 % noong Marso at 3.8% noong Pebrero. “Iba ang sitwasyon sa ground. Hindi naman bumababa ang presyo eh. Yung kangkong na ibinebenta ng P10 kada tali, hindi naman bumalik sa P5 ang presyo,” ani De Jesus. Tanging ang mga mahihirap aniya ang nakararamdam sa tunay na sitwasyon sa “ground”…

Read More

2 LPA MINOMONITOR NG PAGASA

lpa12

NAKITA ang dalawang low pressure area sa 195 kilometers southwest ng Sinait, Ilocos Sur, Miyerkoles ng umaga, ayon sa Pagasa at  LPA na nasa layong 335 kilometers east ng Aparri, Cagayan. Sa dalawang LPA na sabay minomonitor, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin at mga pag-ulan. Ang Visayas at Mindanao regions ay maulap din ang papawirin ng may mga pag-ulan. Nagbabala rin ang weather bureau sa mga residente na maging maingat sa flash floods o landslides na posible sa mga biglaang…

Read More

CATRIONA, PIA NAG-BONDING SA NEW YORK CITY

catpia12

DALAWANG Miss Universe winners mula sa iisang bansa, Pilipinas, ang nag-girls’ night out sa New York City. Nangyari ito nitong weekend lang, nang sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach ay nag-share ng isang gabi sa ‘city that never sleeps’ kasama ang isang common friend nila na si Esther Swan (nakaupo sa gitna ng larawan). Si Swann ay ang manager ng mga nanalong Miss Universe beauties. Siya ang humawak sa career ni Pia nung reigning Miss Universe pa ito, at ngayon naman ay si Catriona ang kanyang mina-manage. Sa kanyang Instagram…

Read More