(NI NICK ECHEVARRIA) NASA ilalim na ng Comelec contraol ang bayan ng Moises Padilla sa lalawigan ng Negros Occidental. Sa isang press briefing sa Camp Bagong Diwa nitong Lunes, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na mas umiinit ang tunggalian ng magkakalabang pulitiko sa nabanggit na bayan dahilan para ilagay sa control ng Comelec. Ayon kay Albayalde, makabibilang na sa Daraga, Albay at Cotabato ang bayan ng Moises Padilla na under control ng Comelec dahil “approved in principle” na sa nabanggit na electoral body ang kanilang rekomendasyon. Matatandaang…
Read MoreAuthor: Jet
KELSEY MERRITT, MILYA-MILYA NA ANG LAYO KAY LIZA SOBERANO!
(NI REY PUMALOY) ANG layo na nang naabot ng sinasabing kamukha ni Liza Soberano na si Kelsey Merritt, na dati’y inaakusahan na nanggagaya raw sa nabanggit na Kapamilya star. Una, ang pagrampa nito sa Victoria’s Secret ramp show. Siya ang kauna-unahang Pinay na nakatuntong sa ikinukonsiderang pinakamalaking lingerie show sa buong mundo at kinabibilangan ng lahat ng mga gorgeous models. Pangalawa, kaliwa’t kanan ang imbitasyon kay Kelsey sa mga malalaking events sa US at Europe bilang pagkilala sa kanyang kagandahan. Pangatlo, lalabas ngayong buwan na ito ang pictorial niya para sa…
Read More‘BIKOY’ LUMANTAD; IDINAWIT SA DROGA KAKASUHAN
(NI KEVIN COLLANTES) LUMANTAD na sa publiko at nagpakilala ang isang lalaking si alyas ‘Bikoy.’ Si ‘Bikoy,’ o Peter Joemel Advincula, sa tunay na buhay, ay nagtungo sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Pasig City, upang humingi ng legal assistance dahil nais na umano niyang magsumite ng affidavit at maghain ng kaso laban sa mga personalidad na isinasangkot niya sa kanyang video na “Ang Totoong Narcolist” series. “Ako po si Peter Joemel Advincula, mas kilala ninyo sa pangalang ‘Bikoy’. Ako po ay tunay na tao at…
Read More‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO
(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte. Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, matapos lumutang sa Intergrated Bar of the Philippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy. Gayunman, sinabi ni Panelo na tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng isang manloloko sa katauhan ni Advincula. Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminial records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw. Ito ay…
Read More‘NO PINOY ALLOWED’ NA CHINESE RESTO IIMBESTIGAHAN
(NI CHRISTIAN DALE) KAILANGAN munang imbestigahan ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ang balita na may ilang restaurant at iba pang business na laan lamang sa mga Chinese national na nasa bansa at bawal kumain ang mga Pinoy. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, dapat munang imbestigahan ang bagay na ito para malaman kung totoo at hindi aniya ito dapat na mangyari. Wala aniyang dahilan para i-discriminate ang mga Filipino sa pagkain sa mga Chinese restaurants. “Public business should be and therefore cater to all,” ani Sec. Panelo. Nauna…
Read MorePAGDAGSA NG FOREIGN DOCTORS SISILIPIN NG DOH, BI
(NI NOEL ABUEL) IKINAGALAK ni Senador Richard J. Gordon ang suporta ng Malacanang sa panawagan nitong imbestigahan ang pagdagsa ng mga foreign doctors sa bansa na posibleng dumaan sa kamay ng mga sindikato. Ayon sa senador, nababahala ito sa dumaraming bilang mga dayuhang doktor sa bansa na nagiging kalaban ng mga Filipinong manggagamot. Naniniwala umano ito na ang mga foreign doctors ay nagagawang makapasok sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng entry at employment na nangggaling sa mga sindikato para makapasok sa ilang pagamutan sa bansa nang walang sapat na…
Read MoreMLA CITY HALL TREASURER’S OFFICE, GUWARDIYADO
(NI MINA DIAZ) MAHIGPIT na binabantayan ng mga pulis ang Office of the City Treasurer pagkatapos selyuhan ang loob ng silid kung saan itinago ang mga balota na gagamitin sa May 13 polls. Nilagyan din ng selyo ang pintuan ng opisina at kinadenahan sabay ng paglalagay ng dalawang kandado bilang patunay na ang mga balota ay magiging maayos sa loob ng naturang opisina ni Atty. Chris Teodoro. Sinabi ni Teodoro na kaugnay sa kahon ng balota na nasira ang selyo, naipasa na nila ang observation report sa Comelec at hinihintay…
Read MoreRESORTS, OBLIGADO NA SA LIFEGUARDS
(NI NOEL ABUEL) DAHIL sa dumaraming bilang ng mga nasasawi sa pagkalunod sa panahon ng summer season ay oobligahin na ang mga may-ari ng resorts at swimming pool sa buong bansa na magkaroon ng kuwalipikadong lifeguards. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, panahon nang kumilos ang mga resort owners na hindi lang ang pagkita ng malaking halaga ang isipin tuwing panahon ng bakasyon kung hindi maging sa pagtitiyak na napatatakbo ito, ayon sa itinatakda ng World Health Organization standards. Aniya, base sa datos ng Philippine National Police (PNP), sa kasalukuyang taon,…
Read MorePINOY PRAYORIDAD SA CHINA-FUNDED PROJECTS
(NI BERNARD TAGUINOD) TINIYAK ng liderato ng Department of Transportation (DOTr) sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mga Filipino ang mga kukunin na magtatrabaho sa mga imprastraktura na popondohan ng China. Ginawa ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan ang paniniguro sa pagharap nito kasama si DOTr Secretary Arthur Tugade at iba pang transport officials, sa House oversight committee hearing sa Kamara, Lunes ng umaga. Ayon kay Batan, isa ito sa mga napagkasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa sideline meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese…
Read More