LPA BINABANTAYAN NG PAGASA

lpa12

MINAMANMANAN ng weather bureau ang low pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility. Bandang alas-4:00 ng umaga, ang weather disturbance ay nasa 1,265 kilometers east ng Mindanao. Wala pa umano itong direktang epekto sa bansa, ayon kay weather specialist Meno Mendoza. Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may pag-ulan dahil sa frontal system na nakaaapekto sa Northern Luzon. Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng magandang panahon na may mga pag-ulan…

Read More

MAYOR BALDO IPINAAARESTO NA NG KORTE

baldo200

(NI NICK ECHEVARRIA) IPINAAARESTO  na ng korte ang suspendidong alkalde ng Daraga, Albay na si Carlwyn Baldo. Ayon kay Albay Provincial Police Office Chief P/Col. Wilson Asueta, hawak na nila ang warrant of arrest laban kay Baldo na ipinalabas ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 10. Kasalukuyan na umanong pinaghahanap ng kanilang mga tauhan ang suspendidong alkalde na nahaharap sa dalawang kaso ng pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at sa alalay nitong si P/SMSgt. Orlando Diaz. Matatandaan na noong Disyembre 2018, pinagbabaril ng mga armadong suspek…

Read More

ALERT LEVEL 1 ITINAAS SA MT. BULUSAN

mt bulusan12

NASA alert level 1 status ang Mt. Bulusan sa Sorsogon matapos makapagtala ng 16 na pagyanig, Linggo ng umaga. Ayon sa Phivolcs, bukod sa mga lindol ay mayroon ding pamamaga sa itaas na bahagi ng bulkan mula Abril 29 hanggang Mayo 5, at pagtaas sa water temperature sa monitored hot springs. Pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na umiwas sa 4-kilometer radius permanent danger zone, gayundin sa extended danger zone ng Mt. Bulusan. Pinaiiwas din ang mga piloto sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan.   367

Read More

SOLENN HEUSSAFF MAY BUST EXPOSURE BILANG MANANANGGAL

sole123

(NI  JERRY OLEA) TAPOS na ni Direk Adolf Alix Jr. ang horror movie na Misterio de la Noche, kung saan manananggal ang papel ni Solenn Heussaff. “We have a French sales agent who’s handling it and this year ipapalabas na po siya. Hinahanapan lang po ng magandang playdate,” balita ni Direk Adolf. May bust exposure si Solenn bilang manananggal pero pakiwari ko ay CGI (computer-generated image) iyon. Leading man dito ni Solenn si Benjamin Alves, na merong butt exposure.       ### Ang eklay ng isang indie actor ay…

Read More

TUBO NG TUBIG SINIRA NG REBELDE; SUNDALO NIRATRAT 

CAMARINES SUR MAP

(NI JESSE KABEL) IPINAKITA ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na wala silang pakiramdam sa kapakanan  ng mga sibilyan nang sirain nila ang tubo ng  pinagkukunan ng malinis na tubig at tambangan pa ang mga sundalong nagkukumpuni nito. Ito ang inihayag kahapon ni Capt. Joash Pramis, public affairs chief ng 9th Infantry Division ng Philippine Army nang salakayin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang grupo ng mga sibilyan at sundalo sa Camarines Sur na ikinasugat ng pito katao. Ayon kay Capt.  Pramis, nag-aayos…

Read More

NOGRALES PARARANGALAN SA KAMARA

nograles

(NI BERNARD TAGUINOD) PARARANGALAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa Martes si dating House speaker Prospero Nograles Jr., na pumanaw noong Sabado. Sa advisory sa tanggapan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, dadalhin ang mga labi ni Nograles sa Batasan Pambansa Martes ng umaga para sa isang Requiem Mass at Necrological Services. Matapos ito ay ililipad na sa Davao City ang mga labi ni Nograles para doon ihimlay ang 71-anyos na dating speaker. Noong Sabado ng gabi ay pinangunahan ni Arroyo at House Secretary General Dante Roberto Maling ang ‘Philippine…

Read More

BALOTANG DUMATING SA MLA CITY HALL SIRA ANG SELY0

ballotboxes12

(NI MINA DIAZ) ILANG kandidato sa Maynila ang umalma at kinuwestiyon sa mga sirang selyo o sticker seal ng mahigit 1,000 kahon ng balota na gagamitin sa national at local elections sa Lunes. Nasa 1,502 ballot box ang dumating sa Manila City Hall, na ipamamahagi sa mga polling precinct sa lungsod, pasado alas- 12:00  ng madaling araw ng Linggo. Sinabi ni Josephine Daza, officer-in-charge ng Manila City Treasurer’s Office, itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang opisina para tanggapin ang mga ballot box bago ipamahagi ang mga ito. Naglalaman…

Read More

P1.5-M CALAMITY FUND NAIBIGAY NA NG PCSO SA ZAMBALES

pcso12

(NI ABBY MENDOZA) PERSONAL na iniabot ni Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) Director Sandra Cam kay Zambales Governor Amor Deloso ang P1.5M tulong ng ahensya para sa mga nasalantala ng 6.1 magnitude quake sa lalawigan noong Abril 22. Ayon kay Deloso lubos silang nagpapasalamat kay Cam sa mabilis na aksyon ng PCSO,  sa loob umano ng 10 araw matapos ang earthquake ay kanila agad natanggap  ang tulong pinansyal na maituturing umano na pinakamabilis na tulong lalo pa at ang calamity fund na nagkakahalaga ng P500,000 para sa mga biktima ng Bagyong…

Read More

PAALALA NG COMELEC: IWASAN ANG OVER VOTING

over123

(NI HARVEY PEREZ) IWASAN ang  ‘over voting’. Ito ang muling ibinabala ng Commission in Elections (Comelec) sa mga botante para hindi masayang ang kanilang boto  sa Mayo 13. Sinabi ni Atty. Frances Arabe, director ng Comelec-Education and Information Division (EID), dapat na 12 ang senador lamang ang iboboto at hindi 13. Kung mayroon naman,  isa lang ang dapat na i-shade at hindi dapat dalawa ang isi-shade sa balota. Ipinaliwanag ni  Arabe na kung  magkakaroon ng over voting ay mangangahulugan ito ng pagkabalewala ng boto ng isang botante dahil hindi na…

Read More