(NI BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “mandatory drug test” sa lahat ng mga guro, hindi lamang sa mga public school kundi sa mga private school. Ginawa ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang hiling dahil parami nang parami umano ang mga guro ang nasasangkot sa illegal drug gayong dapat sila ang maging huwaran sa mga kabataan na kanilang tinuturuan. “This is very, very alarming. Even our schools are not being spared by these drug peddlers. Even worse is the fact that some of our teachers…
Read MoreAuthor: Jet
BIR MAY ATRASO PA SA TEACHERS NA ELECTION INSPECTORS
(NI BERNARD TAGUINOD) ISANG taon na ang atraso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga public school teachers na nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEI) noong barangay election 2018 dahil hindi pa naire-refund ng ahensya sa mga ito ang kinaltas na buwis sa kanilang kompensasyon sa pagsisilbi sa nasabing halalan. Ito ang isiniwalat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinatawan ni Rep. Antonio Tinio at France Castro sa Kongreso, na nangangambang muling bubuwisan ang matatanggap na compensation ng mga public school teachers na magsisilbi sa halalan sa…
Read MorePOWER PLANT NA LAGING NASISIRA PAGBAYARIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) NAGKASUNDO sa Kamara na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mapanagot ang mga planta ng kuryente na laging nasisira tuwing panahon ng tag-init na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente. Sa Joint Congressional Power Commission (JCPC) hearing na pinangunahan ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco, napagkasunduan din na maglagay ng scorecard sa mga planta ng kuryente at magkaroon na ng Standardization ng Power Supply Agreement (PSA). Kailangan din aniyang magkaroon ng direktang benepisyo ang mga consumers sa mga lugar…
Read MoreCONSUMERS HINIMOK GUMAMIT NG SOLAR POWER
(NI BERNARD TAGUINOD) HINIKAYAT ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga consumers, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa lahat ng panig ng bansa na maglagay na ng solar panel sa kanilang mga bahay upang makatipid sa kuryente. Ginawa ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco ang panghihikayat sa publiko dahil taun-taon na lamang nagkakaroon ng power shortage lalo na sa panahon ng tag-init. Upang maenganyo ang mga consumers na maglagay ng solar panel sa kanilang mga bahay, kailangang sabayan ito ng Department of Energy (DOE) ng information…
Read MoreMILLENNIALS MALAKING TULONG SA PAGLAGO NG EKONOMIYA
(NI MAC CABREROS) MALAKAS ang potensyal na umarangkada ang ekonomiya ng Pilipinas, ayon economic expert. Ayon Yasuyuki Sawada, chief economist ng Asian Development Bank, malakas na puwersa ang young workforce kung saan bihasa ang mga ito sa pagsasalita ng English. “The Philippines’ work pool is English-proficient and among the youngest in Asian region, with an average age of 28. This would serve the needs of technology and business process outsourcing companies,” wika Sawada. Binanggit Sawada na malaki rin ang potensyal o indikasyon na magiging mabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng…
Read MoreNAMFREL TINANGGIHAN SA ‘ACCESS’: KALITUHAN INIIWASAN – POLL BODY
(NI HARVEY PEREZ) AYAW lamang umano ng Commission on Elections (Comelec) na malito ang publiko kung kaya hindi nila binigyan ng access sa key election data ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ito ang naging reaksiyon ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang pagkalas ng Namfrel bilang accredited watchdog ng Comelec sa halalan. Bukod dito, sinabi ni Jimenez na wala sa posisyon ang nasabing usapin dahil maging sila ay walang access sa sinasabing key election data. Una nang sinabi ni…
Read MoreOIL PRICE ROLLBACK
(NI ROSE PULGAR) MAY aasahan na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Subalit nitonog Biyernes, pinangunahan ng kumpanyang Phoenix Petroleum ang pagbawas na nasa P1 kada litro sa gasolina habang P0.80 kada litro naman sa diesel na epektibo ng alas-12:00 ng tanghali (May 4). Inaasahan naman ang pagsunod ng iba pang kompanya ng langis kabilang ang tinaguiang “Big 3” tulad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron, Flying V at PTT Philippines sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo sa Martes (Mayo 7). Ang bagong price rollback…
Read MorePAGSARA NG PROV’L BUS TERMINALS, TULOY! — MMDA
(NI NELSON S. BADILLA) LUMILITAW na walang pakialam ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa libu-libong pasahero ng mga provincial bus araw-araw, sapagkat itutuloy nito ang pagpapasara sa mga terminal ng 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagsasara ng mga bus terminal na nakapuwesto sa EDSA ay malaking tulong upang mabawasan ang trapik sa EDSA. Sa datos ng MMDA, umaabot 8,000 yunit ang kabuuang bilang ng mga bus na byaheng lalawigan, samatalang 4,000 naman…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT SA PLASTIC BALLOON
(NI ROSE PULGAR) INABISUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko lalo na ang mga magulang na mag-ingat sa pagbili ng unnotified Toy and Child Care Article products, para sa kanilang mga anak. Ayon sa FDA, kabilang dito ang mga sumusunod na pawang plastic balloons J.H. Toy Lasting Friend Space Balloon, Magic Balloon, Zestar Plastic Balloon size 11 at Zestar Plastic Balloon size 7. Base sa isinagawang post-marketing surveillance activity ng FDA, lumabas na ang mga nabanggit na plastic balloons ay hindi dumaan sa tinatawag na notification process at…
Read More