ASAHAN na ng mga customer ng Manila Water Co. Inc. ang rebate sa susunod na buwan dahil isinasapinal na umano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga detalye ng implementasyon. “We are finalizing the computations on how much the rebate would be,” sabi ni Patrick Ty, chief regulator ng MWSS. Sinabi nito na inaasahan na ang anunsiyo sa ikatlong linggo ng Mayo. Noong nakaraang linggo ay inianunsyo na ng MWSS ang pagpataw ng P1.13 bilyon na multa sa Manila Water dahil sa agad-agad na pagkawala ng supply ng…
Read MoreAuthor: Jet
LRT LINE 1 CAVITE EXTENSION PROJ UMPISA NA SA MAYO 7
(NI JEDI PIA REYES) IKINASA na sa darating na Martes, Mayo 7, ang pagsisimula ng aktuwal na konstruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension Project. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), isasagawa ang pagtatayo ng LRT Line 1 extension project mula sa C-5 Extension sa Barangay San Dionisio, Paranaque City. Inaasahan ng DOTr na makukumpleto ang proyekto sa huling bahagi ng taong 2021. Ang 11.7 kilometrong LRT 1 extension project ang magdurugtong sa Baclaran Station hanggang sa Niog, Cavite na makakabawas umano ng 25 minuto mula sa mahigit isang oras…
Read MoreANGAT, IBA PANG DAM PATULOY SA PAGBABA NG WATER LEVEL
PATULOY sa pagbaba ng water level sa Angat Dam maging ng iba pang dam dahil sa matinding tagtuyot, ayon sa Pagasa. Bandang alas-6:00 ng umaga nitong Sabado, ang water level sa Angat Dam ay nasa 177.03 meters. Ito ay nasa 177.5 meters noong Biyernes ng alas-6:00 ng umaga. Bumaba rin ang water level sa Ipo Dam mula 101.02 meters noong Biyernes sa 100.98 meters. Sa Ambuklao Dam, bumaba rin ang water level mula 740.19 meters noong Biyernes sa 740.13 meters nitong Sabado. Sa San Roque Dam nitong Sabado, bumaba ito…
Read MoreJULIA BARRETTO NAG-AUDITION SA DARNA
(NI KC GUERRERO) IBINUKO nga ba ni Julia Barretto ang promo department ng ABS-CBN at Star Cinema? Na isang malaking promotional stunt lang ang pag-open ng auditions ng Darna to the public? Goyoin at pagurin natin ang masang Filipino para sumikat lalo ang next Darna natin? Tutal maraming gustong maging bida? Ganoon ba iyon? Totoo ba ito, Roxy Liquigan at Eric John Salut? May mga nagpu-push kay Julia Barretto para maging bagong Darna. Ito ang kwento ni Julia sa mediacon ng pelikula nila ni Gerald na may May 15, 2019…
Read MoreCOMELEC NAGHAHANAP NG KAPALIT NG NAMFREL SA ELEKSIYON
NAGHAHANAP ngayon ang Commission on Elections ng bagong katuwang para sa random manual audit (RMA), siyam na araw bago ang midterm elections. Ito ay matapos tanggihan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang akreditasyon ng Comelec bilang citizen arm. Sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia na ang desisyon ng pag-atras ng Namfrel ay ikinagulat ng poll body dahil aktibo umanong dumadalo sa kanilang pulong ang Namfrel mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon. Gayunman, sinabi nito na kaya naman ng Comelec ang gawain ng Namfrel ngunit mas makabubuti…
Read MorePAGSASARA NG PROVINCIAL BUS TERMINAL PINAPLANTSA NA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpupulong sila sa susunod na linggo kasama ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTR) upang talakayin at ayusin ang mga detalye hinggil sa nakaambang pagsasara ng mga provincial bus terminals sa EDSA. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, una sa kanilang pag-uusapan ay ang pagputol ng ruta o linya ng mga provincial buses sa interim terminals na nasa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela at ang pagpapalawig ng ruta ng mga city buses at point-to-point buses para matiyak ang…
Read More1 LINGGO NANG ‘DI NAKIKITA: PANGULO ABALA SA PAPERWORKS — PANELO
SINAGOT ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagkawala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo at iginiit na nasa Davao City lamang ito at nagtatrabaho. Sa panayam, sinabi ni Panelo na may mga paperworks na ginagawa ang Pangulo sa kanyang lalawigan. Isang linggo na umanong hindi nakikita ang Pangulo at ang huli ay sa pagbubukas ng Palarong Pambansa. Makailang ulit na ring ipinagtanggol ng Malacañang na walang malubhang sakit ang Pangulo. Nagbigay na rin ng pahayag ang Presidential son na si Paolo at sinabing mas malakas pa sa kalabaw ang kanyang…
Read MoreCAREER NI MAINE LUMAMYA KAY ARJO?
(NI RK VILLACORTA) AFTER i-bash siya ng mga trolls at anti-Maine (dahil mga solid Alden Richards sila), may isyu na naman ang mga hunghang na kesyo nawawalan na raw ito ng trabaho mula nang pinili niya si Arjo Atayde over Alden Richards (dahil in real life, there is no Alden sa buhay pag-ibig ng dalaga. Uulitin ko, never na nanligaw si Alden sa kanya). Maging ang original rate niya raw sa mga ginagawang TV commercials ay nabawasan na mula nang ma-link ang pangalan niya kay Arjo. Wow na wow ha?…
Read MoreKITA NG BOC LAGPAS NG 3.3% SA TARGET — GUERRERO
(NI NELSON S. BADILLA) UMABOT sa P53.33 bilyon ang nakolektang kita ng Bureau of Customs (BOC) nitong Abril kung saan lagpas sa P51.604 bilyong target sa nasabing buwan. Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing koleksyon ay 3.3 porsiyentong iniangat sa target. Labing-apat na porsiyento naman ang iniangat nito mula sa koleksyon noong Abril 2018 na P46.74 bilyon. Ayon kay Guerrero, umaasa ang BOC na makakolekta ng P51.604 bilyon nitong Abril, “but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our revenue collection capabilities, we were able to collect…
Read More