(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang posibilidad na madaragdagan pa ang bilang ng mga lugar na maidedeklarang “areas of concern” sa buong bansa. Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez, habang papalapit ang araw ng halalan sa Mayo 13. Sinabi ni Jimenez na nagsasagawa na ng validation ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na posibleng maisama sa idedeklarang “areas of concern”. Ito ay sa mga lugar kung saan mainit ang tunggalian sa politika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng…
Read MoreAuthor: Jet
DALAWANG ANTI-SUBMARINE CHOPPERS PARATING NA SA ‘PINAS
(NI JESSE KABEL) PARATING na ang dalawang bagong anti-submarine helicopters ng Philippine Navy mula sa United Kingdom ngayong susunod na linggo. Ayon kay Navy spokesperson Capt. Jonathan Zata, ang dalawang helicopters na AW-159 “Wildcats” ay kasalukuyang ibinabiyahe na papuntang Pilipinas. Ang dalawang brand new at state-of-the-art helicopters na ito ay binili ng P5.4 bilyon sa Leonardo, UK bilang bahagi ng modernization program ng Department of National Defense para sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Kamakailan lamang ay nagtungo sa UK sina Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad at iba…
Read MoreVICE, PINAKILALA NA NI ION SA SISTER NIYA SA AMERIKA
(NI LOURDES C. FABIAN) NASA Amerika si Vice Ganda para sa two-night concert niya na may pamagat na Ang Fantastic Concert Ng Vaklang Twoooh, na ginanap sa Chumash Casino Resort (May 3) at ngayon, May 5, sa Pechanga Resort Casino, kaya naman na-miss siya ng mga loyal supporters ng “It’s Showtime” noong Biyernes. Hindi na namin ikinagulat na kasama niya sa naturang biyahe ang rumored boyfriend niyang si Ion “Kuya Escort” Perez. Hindi naman talaga pwedeng wala doon si Ion dahil ipakikilala niya pala si Vice sa kapatid niyang babae…
Read MoreNAMFREL: MIDTERM ELECTIONS LALANGAWIN
(NI HARVEY PEREZ) NANINIWALA ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na maliit lamang ang voter turnout sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ayon kay Namfrel Secretary-General Eric Alvia, ito ay dahil mas interesado umano ang mamamayan sa Presidential elections sa Mayo 2022. “Mas mababa ang nakikitang turnout kasi nakikita ng iba na midterm elections lang ito. Parang [they] will ride through this wave, hindi na makikialam… Hindi nila nari-realize na mahalaga ang elections na ito,” ayon kay Alvia. Nabatid na noong 2016 presidential polls lumalabas na…
Read MorePANELO BINATIKOS SA MALING PANINIWALA SA ‘CREDIT RATING’
(NI NELSON S. BADILLA) BINATIKOS ng isang malayang research group ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na gumanda ang ekonomiya, kaya tumaas ang puntos ang “credit rating” ng bansa. Ayon kay Ibon Foundation Executive Director Enrique “Sonny” Africa, “ang pagtaas ng iskor sa pangungutang ng Pilipinas ay hindi batayan sa pagsulong ng ekonomiya. Ang pagtaas sa puntos ng pag-utang ay walang kundi pagtatasa hinggil sa kapasidad ng pamahalaan na magbayad ng utang nito at hindi pag-unlad sa ekonomiya.” Ang pagpuri ni Panelo sa itinatakbo ng ekonomiya ng bansa sa…
Read MoreCLOUD SEEDING ISASAGAWA SA ANGAT DAM
(NI JESSE KABEL) KAHIT na nakararanas na ngayon ng malalakas na pag-ulan bunsod ng thunderstorm dulot ng tag init ay ikinakasa ngayon ng gobyerno ang cloud seeding operation kung saan sa darating na linggo ay magkakaroon ng cloud seeding sa ibabaw ng Angat Dam sa Bulacan. Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), isasagawa ang cloud seeding sa mga apektadong lugar base sa ilalabas na forecast ng Pagasa sa mga nabangit na areas . Paglilinaw ng NWRB, nakadepende ang tagumpay ng cloud seeding sa tamang klase ng ulap para maging…
Read MoreEX-SPEAKER NOGRALES YUMAO NA, 71
(NI CHRISTIAN DALE) KINUMPIRMA ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagpanaw ng kanyang ama na si dating House Speaker Prospero Nograles sa edad na 71. Sa ipinalabas na kalatas ng batang Nograles ay nagpapasalamat sila sa lahat ng naging bahagi ng buhay ng kanilang Tatay Nogie. Aniya, tahimik na pumanaw ang dating speaker habang silang mga mahal sa buhay ay nakapaligid. Samantala, humingi naman ng dasal si Secretary Nograles para sa namayapa niyang ama. “Our family would like to express our deepest gratitude to all of you for being a…
Read MorePALASYO SA BAR PASSERS: MAGTRABAHO SA GOBYERNO
(NI BETH JULIAN) UMAASA ang Malacanang na mas bibigyang prayoridad ng mga bagong abogado ng bansa ang pagseserbisyo o pagtatrabaho sa gobyetno. Ito ang apela ng Malacanang kasunod ng inilabas na resulta ng 2018 Bar exams noong Huwebes ng Korte Suprema. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kumpiyansa ang Palasyo na uunahin ng mga bagong abogado ang malasakit at magserbisyo sa bansa sa pamamagitan ng pagsisilbi sa gobyerno. “We hope that many of our country’s new lawyers consider pursuing a career in the government and help build a progressive…
Read MoreNAKAMAMATAY NA ‘SILVER CLEANER’ PINATATANGGAL SA MERKADO
(NI NELSON BADILLA) NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) na tanggalin ang lahat ng produktong panlinis ng mga alahas dahil nakamamatay ang nilalaman nitong kemikal. Idiniin ng EcoWaste na dapat ipatupad ang 2010 Joint Advisory ng DENR at Department of Health (DoH) na nagbabawal itinda ang mga produktong panlinis ng silver jewelry dahil naglalaman ito ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal. Nanawagan ang EcoWaste upang agad na kumilos ang DENR, at PNP makaraang mamatay ang 7-taong-gulang na si…
Read More