1 ABSUWELTO SA P6.4-B SHABU SHIPMENT

judge12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) INABSUWELTO ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) ang bodegerong idinadawit sa P6.4-billion shabu shipment mula sa China. Laya na si Fidel Anoche Dee , na ipiniit sa Valenzuela City Jail, hanggang sa siya ay pinawalang -sala sa kasong paglabag sa Section 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o pag-iingat ng iligal na droga, ni Presiding Judge Arthur Melicor. Limang crate mula sa China na naglalaman ng tinatayang 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon ang natuklasan ng Bureau of Customs (BoC), National Bureau…

Read More

SUBSTANDARD NA GAMIT SA HIGH RISE BLDG IIMBESTIGAHAN

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga ulat na gumamit umano ng mga substandard na materyales tulad ng bakal ang ilang high-rise building. Ginawa nina Negros Occidental Rep. Albee Benitiz at Quezon City Rep. Winston Castelo ang kautusan sa Department of Trade and Industry (DT) at Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at  local government units (LGUs) matapos ang 6.1 magnitude na lindol sa Zambales kung saan naapektuhan ang Metro Manila. “There…

Read More

10 DAYS TO GO: HALOS LAHAT PASAWAY NA– COMELEC

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec)  na habang papalapit ang araw ng midterm elections ay parami nang parami ang mga kandidatong nagiging pasaway at halos lahat na sa kanila ay lumalabag sa mga alituntunin ng Comelec rules. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tila sinasadya na ng mga kandidato ang lumalabag sa kanilang mga panuntunan, lalo na sa paglalagay ng mga campaign posters sa mga hindi common posting area dahil nagiging agresibo na sila sa pangangampanya at pagpapakilala sa mga botante. Dahil dito, binabaklas na lamang ang…

Read More

AGRI SMUGGLING VS FAELDON IGIGIIT NI PING

faeldon12

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na maparurusahan ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan sa paglabag sa agricultural smuggling ng bigas sa bansa. Ito tugon ng senador sa inilabas na utos ng Office of the Ombudsman na sibakin si dating National Food Authority (NFA) admin Jason Aquino dahil sa kasong paglabag sa grave misconduct kaugnay ng pag-smuggle ng Vietnamese rice habang wala pang desisyon ng anti-graft court laban kay Nicanor Faeldon. “Against Faeldon et al Jason Aquino was an incidental participant simply because rice ang involved na…

Read More

‘UV MARKS’ BAHAGI NG SECURITY FEATURES — COMELEC

comelec vote12

(NI MINA DIAZ) NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na walang pre-shaded ballot o mga balotang namarkahan na bago pa ang araw ng halalan sa May 13. Sinabi ni Comelec Executive Director Jose Tolentino, hindi totoo ang kumakalat na video sa online na may mga balotang pre-shaded na, at aniya’y hindi opisyal na balota ang nakita sa naturang video. Aniya, bahagi lamang ng security features ng balota ang ultraviolet marks, ngunit hindi umano makikita sa mismong bilog na mamarkahan ng mga botante ang marka. Paliwanag ni Tolentino, sinubukan na nila…

Read More

DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE, ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS

planta12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI sa mga consumers dapat ipasa ang dagdag na singil sa kuryente kundi sa mga may-ari ng planta na nag-shutdown na naging dahilan ng pagmahal ng presyo nito sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Ito ang iginiit ni House committee on energy vice chair Rep. Carlos Roman Uybarreta kaya hiniling nito sa Energy Regulatory Commission (ERC) na i-hold ang desisyon sakaling ipasa sa mga consumers ang dagdag na singil sa kuryente “The cost of that failure should be borne, not by consumers, but the companies that own the…

Read More

PASSPORT NG PASAWAY NA PINOY SA LIBYA KAKANSELAHIN

bello12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na sagupaan sa civil war sa Libya at sumailalim na sa alert level 4, tiniyak ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mapauuwi ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Binalaan din ang mga ito na ang hindi susunod sa kautusan ay haharap sa  kanselasyon ng mga pasaporte. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, katuwang nila ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpapatupad at pagmomonitor ng sitwasyon sa Libya sa lahat ng mga OFWs doon para sa kanilang kaligtasan. Dagdag pa nito,  kapag…

Read More

OFWs PINAG-IINGAT SA DATING SITES

dating sites12

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAG-IINGAT sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga overseas Filipino workers (OFWs), lalo na ang mga kababaihan, na mag-ingat sa mga dating sites upang hindi mapahamak ang mga ito. Ginawa ni House deputy minority leader John Bertiz ang babala matapos lumabas na ang serial killer sa Cyprus na pumatay sa tatlong Filipina at isang bata ay gumagamit ng dating sites kaya nakikilala niya ang kanyang mga biktima. “There is a dark side to chat and dating sites. The ugly truth is that human traffickers as well as…

Read More

PINOY SA LIBYA AYAW UMUWI DAHIL SA DELAYED NA SAHOD

libya120

(NI ROSE PULGAR) DELAYED na suweldo ang nagiging dahilan ng ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya  kung bakit ayaw pa nilang umuwi ng Pilipinas sa kabila na itinaas  sa Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon at pilit nang pinauuwi ang mga ito dahil sa tuminding kaguluhan sa nabanggit na bansa. “Nagsusuweldo sila (OFWs) pero dahil may mga restrictions sa remittance hindi nila naipadadala ang kanilang mga pera. Marami-rami ang nagsasabing gusto nilang umuwi pero uuwi lang sila ‘pag nabayaran na sila,”  pahayag ni  Philippine Ambassador Elmer Cato. Sinabi…

Read More