(NI ABBY MENDOZA) IMINUNGKAHI ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Bong Belaro sa Commission on Higher Education(CHED) at Departmemt of Education(Deped) na pangunahan ang isang jobs fair para sa mga graduates ng kolehiyo at senior high school. Ayon kay Belaro, kung may sariling jobs portal ang dalawang ahensya ay mapapadali na makakuha agad ng trabaho ang may 1.35 milyon na newly grads. Ani Belaro, sa ilalim ng jobs portal ay maaring ma-access agad ng mga employer ang mga resume maging ang electronic diploma at transcript ng mga graduates. “Two of the…
Read MoreAuthor: Jet
PAGBUGA NG ABO NG MT. PINATUBO ITINANGGI NG PHIVOLCS
ITINANGGI ng Phivolcs ang pagbuga ng usok sa Mt. Pinatubo sa Zambales kasunod ng malakas na paglindol na naganap noong nakaraang linggo. Ito ay matapos lumabas sa ilang online website na nagkaroon ng abnormalidad sa Mt. Pinatubo kasunod na 6.1 magnitude earthquake. Sinabi ng Phivolcs na ang usok na sinasabing ibinubuga ng Mt. Pinatubo ay mga volcanic ash na tinangay ng hangin matapos alugin ng lindol ang paligid. Nagkaroon din umano ng landslide sa paligid at gumulong ang mga bato sa dalisdis ng bulkan, ayon kay Phivolcs Executive Director Renato…
Read More10-K PINOY BUMOTO NA SA AOV SA SINGAPORE
UMAABOT na sa 10,000 mga Filipino sa Singapore ang nakaboto na para sa absentee overseas voting sa May midterm elections sa bansa. Ito, ayon sa Commission on Elections (Comelec) ay malayo pa sa inaasahan nilang 80,000 registered voters sa Singapore. Kasabay nito, hinihikayat ng Comelec ang mga Pinoy sa abroad na makilahok sa botohan para sa nalalapit na midterm elections. Para mas bigyan pa ng panahon ang mga Pinoy sa Singapore, sinabi ng Philippine Embassy doon na bukas sila sa Miyerkoles, May 1, kahit pa regular holiday sa Pilipinas. Nagsimula…
Read MoreIKAAPAT NA PINAY NAKITA NA SA CYPRUS SERIAL KILLER CASE
NATAGPUAN na ang ikaapat na bangkay na sinasabing pinatay ng serial killer sa Cyprus habang patuloy pang hinaganap ang katawan ng sinasabing mga Filipina na pinatay nito, kabilang ang 6-anyos na bata. Ikinagulat ng mamamayan doon ang kaso na isa sa nakagigimbal na krimen na nangyari sa Mediterranean island nitong mga nakalipas na taon. Ang bangkay ng babae ay nakita sa loob ng maleta sa ilalim ng marumi at toxic man-made lake malapit sa abandonadong minahan sa Nicosia, ayon sa mga pulis. Dalawang linggo na ang nakararaan nang matuklasan ang…
Read MoreDOLE SINALO, IPINAGTANGGOL ANG MGA KAPITALISTA
(NI NELSON S. BADILLA) IPINAKITA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tunay nitong kulay makaraang salohin at ipagtanggol ang mga kapitalista sa bansa laban sa kahilingang dagdagan ng P710 ang minimum na sahod ng mga manggagawa kada araw mula sa umiiral na arawang suweldo. Ayon kay DOLE Usec. Ciriaco Lagunzad, malabong itaas ng mga kapitalista ang sahod ng mga manggagawa, sapagkat wala pang isang taon ang naganap na umento sa kanilang suweldo. Ani Lagunzad, malinaw sa batas-paggawa na kailangang lumipas muna ang isang taon mula sa huling pagtaas…
Read MoreKRIS, BALIK-SINGAPORE PARA SA BLOOD TEST
NOONG gabi ng April 28, lumipad papuntang Singapore si Kris Aquino para sa isang medical procedure na tinatawag na blood paneling. Ito raw ang magsasabi kung nagre-respond ang body niya sa procedure na pinagdaanan niya noong January. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng photo nila ni Bimby at part ng mahabang caption ito ay: “Just the usual, the 16-18 vials of blood for the blood panelling to find out if I’m responding well to the procedures done in January, if all the medication is okay or they need…
Read MoreLA UNION MAYOR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN
SINUSPINDE ng Office of the Ombudsman ang alkalde ng San Fernando City, La Union dahil sa umano’y maanomalyang paggastos sa pondo ng lokal na pamahalaan. Isang barangay chair ang unang nagreklamo dahilan para irekomenda ang suspensiyon sa Department of Interior and Local Government laban kay Mayor Hermigildo Gualberto. Sinabi ni Barangay Cadaclan captain Samuel Jucar na hindi umano nagamit nang tama ni Cadaclan ang development fund sa San Fernando City noong 2018. Ang naturang pondo ay ginamit umano sa rehabilitasyon ng city plaza. Sa kanyang panig, mahigpit na idinepensa ng…
Read MoreP1O-M REWARD SA PAGDAKIP KAY ACIERTO
MAGBIBIGAY ang gobyerno ng P10 milyon reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ni dating police officer Eduardo Acierto, isa sa umano’y nagpuslit ng bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa sa pamamagitan ng magnetic filters. Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang reward ay galing sa gobyerno. Gayunman, hindi umano batid ng kalihim kung saan kukuning pondo ang P10 milyon. “The bounty is from Malacañang, so I’m not privy to where it will be sourced. It’s not from DOJ because such amount is certainly much larger than…
Read MoreLOCSIN UMAPELA SA PINOY WORKERS SA LIBYA
(NI MAC CABREROS) “PLEASE go to the embassy, I beg you,” apela Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa kababayan sa Libya na patuloy na nagmamatigas na huwag umuwi ng bansa dahil sa kawalan ng trabaho. Ginawa ito ni Locsin base na rin sa rekomendasyon ni Ambassador Elmer Cato bunsod nang patuloy na bakbakan ng magkalabang puwersa sa nasabing bansa. Partikular na pinalilikas ni Locsin sa lalong madaling panahon ang 60 manggagawa, sampu ng kanilang kapamilya na nasa Ali Omar Ashkr Hospital sa Esbea. “The area is no longer safe.…
Read More