PAGBUBUNTIS NI AI-AI, MAS NAGING POSIBLE NA NGAYON

(NI RONNIE CARRASCO III) TRUE to her plan, pursigido si Ai-Ai delas Alas na bigyan ng supling ang kanyang asawang si Gerald Sibayan. Ito ang nasagap naming scoop from a circle of college friends nitong ipagdiwang namin ang aming kaarawan (Aprl 7). Now it can be told na may tatlong fertilized eggs si Ai-Ai or equivalent to three attempts para maging matagumpay ang kanyang planned pregnancy when planted into her womb. Kung ang isa sa mga itlog na ‘yon will result in getting Ai-Ai pregnant sa unang pagsubok, no need…

Read More

DANIEL AT KATHRYN: MAY SEPARATION ANXIETY AGAD

katkath123

(NI LOURDES C. FABIAN) NAKAALIS  na pa-Hong Kong noong Lunes (April 8) sina Kathryn Bernardo and Alden Richards para simulan ang pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina. Worried ang KathNiel fans lalo na para kay Kathryn dahil first time daw nilang nakitang umalis ang kanilang idolo na hindi kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla. Damang-dama ng mga taong nakakita sa airport ang eksena kung gaano nila mami-miss ang isa’t isa nang ihatid ni Daniel si Kathryn. Talaga naman daw madamdamin at punumpuno ng pagmamahal ang paalaman ng dalawa. Sa video na nai-post sa Instagram, Kathryn gave Daniel a tight…

Read More

BILYONG HALAGA NG COCAINE NAKUMPISKA NG PNP SA LOOB NG 2 BUWAN

shabu30

(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT 200 kilo ng mga naglutangang cocaine mula sa mga territorial waters ng bansa sa Luzon at Mindanao ang narekober na ng pulisya sa nakalipas na dalawang buwan. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson P/Col. Bernard Banac simula noong February hanggang April, umaabot na sa kabuuang 217.3 kilos ang mga nakumpiskang cocaine na may katumbas na halagang  P1.1 billion. Ang mga nabanggit na cocaine ay natagpuan sa mga dalampasigan at  karagatan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island, Davao Oriental, Quezon province, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines…

Read More

MENINGO SCARE SA SELDA

binan laguna12

(NI NILOU DEL CARMEN) TAKOT ang namamayani  sa selda ng mga babaeng inmates sa Biñan City police lock up cell dahil sa pagkasawi ng isang inmate dahil sa hinihinalang kaso ng meningococcemia. Karamihan sa 133 mga inmates na nagsisiksikan sa iisang selda ay nakasuot ng facemask maging ang kanilang mga bantay na pulis. Ipinagbawal din muna ng mga awtoridad ang pagdalaw sa mga inmates maging ang pag-uwi ng bahay ng mga nakaduty na pulis hanggat hindi lumalabas ang resulta sa pagsusuri sa  inmate na  nasawi sa Tropical Medicine Hospital (RITM) sa Alabang. Bagamat…

Read More

COCO NAGALIT SA ISYUNG NANGANAK NA SI JULIA ABROAD?

(NI LOURDES C. FABIAN) IBA’T IBANG versions ang naglalabasan. Hindi na alam kung ano ang paniniwalaan sa isyung nanganak na si Julia Montes at si Coco Martin ang ama ng sanggol. Pero imbes na ikatuwa ni Coco ang paglabas ng balita ay ikinagalit umano niya ito. May chikang mainit daw parati ang ulo ni Coco sa set ng “Ang Probinsyano” nang lumabas ang balitang ito. Pansin daw ng mga kasama sa set na mukhang umigsi ang pasensya nito at madalas di mapigilan ang galit samantalang dati-rati ay napaka-cool lang daw nito at maunawain. Ang ipinagtataka…

Read More

AMNESTY SA TAX DELINQUENTS UMPISA SA APRIL 24

bir18

(NI JEDI PIA REYES) SISIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Abril 24 ang pagbibigay ng amnestiya sa mga delingkuwente sa pagbabayad ng buwis. Kasabay nito ay hinihimok ng BIR ang publiko at mga kumpanya na samantalahin ang amnestiya upang malinis ang kanilang rekord sa ano mang pagkakautang at kaso. Ang pagbibigay ng amnestiya ay alinsunod na rin sa Republic Act 11213 or ang Tax Amnesty Act of 2019 na sumasakop sa lahat ng national taxes tulad ng capital gains tax, documentary stamp tax, donor’s tax, excise tax,…

Read More

ITATAYONG CELLSITE TOWER ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS ANG GASTOS

cellsite12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI dapat maging dahilan ng dagdag na gastos ng mga subscribers ng mga Telecommunication Companies (Telcos) ang mga itatayong cell sites tower na gagamitin ng mga nasabing kumpanya bilang common tower. Ito ang ipinaalala ni House committee on information and communication technology chair Victor Yap sa Department of Information and Communication Technology (DICT). “Ito po yung gusto nating ma-arrive at, to have a policy and the support of a legislative on the DICT kung saan tayo pupunta. In doing so, we should not come up with a policy…

Read More

TURISTA, BAKASYUNISTA DAGSA NA SA PANTALAN

ports12

(Ni FRANCIS SORIANO) HINDI pa man opisyal na nagsisimula ang Mahal na Araw ay nakapagtala ng mas maraming byahero na dumagsa sa mga pantalan, Martes ng hapon. Ayon kay spokesperson Capt. Armand Balilo ng Philippine Coast Guard (PCG), layunin ng pamunuan na matiyak ang mahigpit na seguridad at kaligtasan sa mga pantalan at maging sa mga dalampasigan ng bansa sa ganitong panahon. Bunsod nito ay muling nagpaalala ang PCG,  sa mga byahero at mga sasakyang pandagat na sumunod sa alituntunin para maiwasan magkaroon ng sakuna o trahedya. Dagdag nito, inaasahan…

Read More

TIWALI, WAWALISIN SA BAGONG PAMUNUAN NG BJMP

bjmp123

(NI JEDI PIA REYES) TINIYAK ng bagong pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang paglilinis ng hanay nito sa harap ng mga ulat na may ilang jail officers ang nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad. Tinukoy ni BJMP officer-in-charge Chief Superintendent Allan Iral ang tinawag nitong 4G management strategy: Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse at Guard the Life. Sa ilalim aniya ng Guard the Badge, sisibakin ang mga tauhan ng BJMP na masasangkot sa iregularidad tulad ng illegal drug trade. “‘Yan ang isa…

Read More