(NI BETH JULIAN) ASAHAN nang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget bago sumapit ang Semana Santa. Sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo ng Semana Santa ay tiyak nang mapipirmahan ng Pangulo ang nasabing budget dahil kasalukuyan na itong isinasapinal. Kasabay nito, sinabi rin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inihahanda na rin ng Pangulo ang paglalabas sa veto message ng budget at tiniyak na hindi hahayaan na mag-lapse into law ang pambansang budget nang hindi nito inaaksyunan. Samantala, isa sa nakikita ni Nograles…
Read MoreAuthor: Jet
‘TAUMBAYAN ANG MAGDEDEPENSA SA PINAS’
(NI BERNARD TAGUINOD) TULAD ng mga ninuno na nagdepensa sa Pilipinas noong panahon ng giyera, walang ibang magtatanggol sa ating soberenya laban sa China, kundi ang sambayang Filipino. Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang nasabing pahayag sa gitna ng protesta ng iba’t ibang grupo sa Chinese consulate office sa Makati City habang ginugunita ang Araw ng Kagitingan upang iprotesta ang pakikiaalam at pananakop umano ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Martes ng umaga ay sumugod sa Chinese consulate office ang mga militanteng mambabatas para ipaalam…
Read MoreABSENTEE VOTING UMPISA NA SA SABADO
(NI BERNARD TAGUINOD) SISIMULAN na Sabado, Abril 13, ang pagboto ng mga Filipino na nagtatrabaho at nakatira sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, nagpapaalala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa may 1.8 milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nagparehistro upang makaboto ngayong midterm election, na samantalahin ang pagkakataon para makasali sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa. Karamihan o mayorya sa mga rehistradong absentee voters ay nakabase sa Gitnang Silangan. “OFWs are given the chance to vote through the absentee voting, and it is a known…
Read MoreKANDIDATONG NANAPAK NG ELECTION OFFICER, ‘DI IDI-DISQUALIFY
(Ni FRANCIS SORIANO) TALI ang mga kamay ng pamunuan ng Commission on Election (Comelec) para i-disqualify sa pagtakbo si Marty Torralba bilang board member ng lalawigan ng Tarlac matapos nitong sapakin si Teddy Mariano, election officer habang binabaklas ang iligal na campaign poster nito. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kailangan muna ng desisyon mula sa korte bago patawan ng disqualification ang akusadong kandidato kaya hindi sapat na dahilan ang pananapak ni Torralba sa isang election officer para ma-disqualify agad ito sa pagtakbo. Dahil dito, patung-patong namang kaso ang posibleng…
Read MoreDUTERTE MAY ILL-GOTTEN WEALTH? KASUHAN N’YO! — PANELO
HINAMON ng Malacanang ang mga kritiko na magsampa ng kaso kung sa paniwala nila ay mayroong tagong-yaman si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kay dating chief justice Maria Lourdes Sereno na nagsabing kailangang magpaliwanag si Duterte sa laki ng itinaas na kita ng pamilya sa halip na sumagot na walang pakialam ang sambayanan sa isyu. Sinabi ni Panelo na kung sa paniwala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at ni Sereno na may mga ill-gotten wealth, magsampa sila ng kaso,”…
Read MoreKASO NG M/V PRINCESS OF THE STARS TRAGEDY BINUHAY NG SC
(Ni FRANCIS SORIANO) IPINAG-UTOS ng Korte Suprema sa Manila City Regional Trial Court (RTC), Branch 5 na muling buhayin ang criminal case, kabilang na ang kasong reckless imprudence, laban sa opisyal ng Sulpicio Lines, Inc. (SLI). Sa 20-pahinang desisyon na isinulat ni Justice Jose C. Reyes, Jr., pinagbigyan ng Supreme Court (SC) Third Division ang consolidated petitions ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Preside Rieda-Acosta at binaligtad ang naunang desisyon noong March 22, 2013 at ang January 8, 2014 resolution ng Court of Appeals (CA) na pumapabor sa respondent na…
Read MorePINOY SA TRIPOLI PINAUUWI NA SA PINAS
HINIMOK ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa loob ng 100-kilometer radius ng Tripoli na umuwi na ng Pilipinas sa harap ng tumataas na tensiyon malapit sa sentro ng Libya. Sa statement na inisyu nitong Lunes, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na hinihimok niya ang mga kababayan doon na pag-aralan ang pag-uwi na lamang dahil sa umiinit na labanan malapit sa kapital ng Libya. Tiniyak naman ni Cato na tutulungan nila ang mga Pinoy na gusto nang umuwi ng bansa. Gayunman, ang mga magpapaiwan…
Read MoreICE SEGUERRA NAIRITA NANG TAWAGING ‘WIFE’ NI LIZA DINO
(NI KC GUERRERO) TABLA sina Sylvia Sanchez (Jesusa) at Angela Cortez (Jino To Mari) bilang Best Actress sa awards night ng 5th Sinag Maynila indie filmfest na ginanap noong Linggo ng gabi, Abril 7, sa Conrad Hotel. Nang tawagin ang mga pangalan nila, lumapit si Sylvia kay Angela at magkahawak-kamay silang umakyat sa entablado. Naunang nag-acceptance speech si Angela, na nagsabing hindi siya nag-expect na manalo. “Congrats, Angela,” sambit naman ni Sylvia nang ipasa ni Angela ang mic sa kanya. Pahayag ni Sylvia, “Honestly, sa maniwala ho kayo o sa…
Read MoreKONSULADO NG CHINA PUPUNUIN NG PHL FLAG
(NI BERNARD TAGUINOD) PAMUMUTIKTIKIN ng bandila ng Pilipinas ang China Consulate sa Makati City, Martes sa malawakang kilos protesta kaugnay pananakop ng nasabing sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Pinagdadala ng mga militanteng mambabatas ang mga Filipino na lalahok sa kilos-protesta na magdala ng bandila at magsuot ng pula,asul at puti upang maipakita ang pagkakaisa laban sa pananakop ng China sa teritoryo. May hastag na “AtinAngPinas” ang kilos-protesta na itinaon sa Araw ng Kagitingan kung saan ginugunita ang kabayanihan ng mga Filipino na nakipaglaban sa mga mananakop sa…
Read More