(NI DAHLIA S. ANIN) SA pinakabagong tala ng Department of Health (DoH), humupa na umano ang kaso ng tigdas sa buong bansa. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may ilang rehiyon sa bansa na bumaba na ang bilang ng apektado ng tigdas at mayroon ding wala nang bagong kasong naitala ngunit hindi umano ibig sabihin ay wala na ang outbreak. Nauna nang inihayag ng DoH na nakuha na nila ang target na 3.8 milyong bata na may edad na anim na buwan hanggang 59 buwan na mabakunahan bago matapos…
Read MoreAuthor: Jet
MAYOR SARA KUMBINSIDONG TARGET NG VIDEO SA ANOMALYA
(NI CHRISTIAN DALE) KUMBINSIDO si Davao City Mayor Sara Duterte na siya ang tunay na puntirya ng mga videos na nag-aakusa sa mga miyembro ng pamilya Duterte sa mga iligal na gawain. Hindi aniya ang tatay niyang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang target ng videos dahil Pangulo na ito at ang paraan lamang para matanggal ito sa pwesto ay sa pamamagitan ng impeachment. Bukod pa sa, ang mga taong inuugnay sa mga anomalya sa mga videos ay may koneksyon sa kanya. Mapapansin sa unang episode ng videos na pinamagatang…
Read MoreICC HINDI PATAS SA WAR ON DRUGS – PALASYO
(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Malacanang na hindi patas ang International Criminal Court (ICC) dahil sa patuloy na preliminary examination sa war on drugs ng administrasyong Duterte na inihain ng National Union of People’s Lawyers (NUPL). Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, dahil dito, ipinakikita lamang ng ICC na sadyang pinanghihimasukan nito ang soberenya ng bansa kahit pa alam nilang nilalabag nila ang Rome Statute na siyang bumuo sa kanila. Hinamon ni Panelo ang mga kritiko ng administrasyon na isampa sa lokal na korte ang kanilang mga reklamo upang…
Read MorePINAKAMALAKING BULTO NG DROGA NAITALA SA 1ST QTR NG 2019
(NI NICK ECHEVARRIA) NAKAPAGTALA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng pinakamalaking bulto ng mga nasamsam na methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu sa unang quarter ng 2019 sa buong kasaysayan nito. Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, umaabot sa 776.06 kilo ng shabu ang nakumpiska sa unang quarter ng 2019 na nagkakahalaga ng P5.27 bilyon at nalagpasan pa nito ang mga nahuling shabu sa pinagsamang ulat na naitala sa mga unang quarter ng taong 2009 hanggang 2018 na umabot lamang sa 672.42 kilos na…
Read MoreLAMANG-DAGAT, TUBIG, HANGIN MAY MICROPLASTICS – EXPERTS
(NI MAC CABREROS) NAGTATAGLAY ng ‘lason’ ang mga lamang dagat gaya ng isda gayundin sa tubig at hangin, ayon sa mga eksperto. Sa Marine Plastic Pollution conference na itinaguyod ng World Bank at Embahada ng Norway sa Pilipinas nitong Abril 4, kinumpirma ng mga dalubhasang mananaliksik na may microplastics ang mga isda gayundin ang tubig at hangin. Ayon sa mga eksperto, nagdudulot ng masamang epekto sa katawan ng tao kapag nakain, nainom at nalanghap ang microplastics. Tinaya ng mga dalubhasa na tone-toneladang plastic ang itinatapon sa karagatan kada taon kung…
Read MoreDOLLAR RESERVE NG PINAS LUMOBO
(NI MAC CABREROS) NAGSALANSAN ng dolyar ang bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Naitala ang pinakamataas na gross international reserves (GIR) sa loob ng 36-buwan bunsod ng malaking bulto ng perang pumasok sa bansa. Sa ulat ng BSP, nakalikom ng $83.198 bilyon ang GIR sa katapusan ng Marso na mas mataas sa $82.78 bilyon noong Pebrero. “This is the highest for the GIR since it registered at $83.736 billion in April 2016,” ayon BSP governor Benjamin Diokno. Binanggit Diokno na lumobo ang dollar reserve ng bansa…
Read MoreDoH NAGBABALA KONTRA HEAT STROKE
(NI DAHLIA ANIN) SA pagpapatuloy na pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, nagbabala sa publiko ang Department of Health (DoH) laban sa heatstroke. Sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque III, pinapayuhan niya ang publiko na umiwas muna sa mga aktibidad na gagawin sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw dahil maari itong magresulta sa heat exhaustion at pagkatapos ay heat stroke. Ang pag-inom ng maraming tubig ay isang mabisang paraan upang makaiwas dito. Dagdag pa niya, iwasan muna ang paglabas at paggawa ng mga ehersisyo mula alas-10:00 ng umaga…
Read MoreSUSPENSIYON NI RODERICK PAULATE PINAGTIBAY NG SANDIGAN
PINAGTIBAY ng Sandiganbayan ang naunang ipinataw na 90-araw suspension order kay Quezon City Councilor at aktor na si Roderick Paulate. Kasabay ito ng pagtanggi sa inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Paulate, tumatakbong vice mayor sa lungsod, na nahaharap sa mga kasong graft and falsification dahil sa pagkuha umano ng nasa 30 ghost employees sa kanyang tanggapan. Sa resolusyon na may petsang March 29, isinaad ng Seventh Division na kulang sa merito ang inihihirit na mosyon ng 59-year-old celebrity politician. Una nang iginiit ni Paulate na ang pagsuspinde sa kanya…
Read MorePALASYO ‘DI NAGULAT SA PCIJ REPORT SA SALN NI DU30
(NI BETH JULIAN) HINDI na ikinagulat pa ng Malacanang ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan binigyan-diin ang pagtaas ng net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na tuwing election at campaign season nagiging paboritong paksa na ang yaman at ari-arian ng Pangulo at kanyang mga kaanak. Sa ulat ng PCIJ, ipinakikita ang nilalaman ng statement of asset, liabilities and net worth ng Pangulo simula 2007 hanggang 2017 kasama na rito ang SALN ni Presidential daughter Davao…
Read More