AUSTRALIA MAY $85-M AYUDA SA ‘PINAS

phl12

(Ni FRANCIS SORIANO) TUMATAGINTING na $ 85 million ang ipinamahagi ng  Australian government bilang development assistance sa Pilipinas. Ayon sa pahayag ni Australian Ambassador Steven Robinson, ang malaking bahagi ng naturang development aid ay napunta sa bahagi ng Mindanao para sa development ng Mindanao at sa pagsulong sa implementation ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Maliban umano rito ay patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang assistance sa edukasyon para sa mga  scholarship ng Filipino youth na sa kasalukuyan ay mayroong 60 Filipino students na nag-aaral sa Australia para sa kanilang masteral,…

Read More

HIGIT 200-K BAKANTENG TRABAHO SA GOBYERNO

workers

(Ni FRANCIS SORIANO) LALO pang lumobo sa 205,275 ang mga bakanteng pwesto sa pamahalaan na kinabibilangan ng mga Department of Education, Department of Finance at Department of Health, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) Dahil dito ay isinisi ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na standard na ipinapatupad ng ilang ahensiya ng gobyerno kaya nagkakaroon ng maraming bakanteng trabaho. Ayon kay CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, panahon na para magbalik- tanaw o kailangan ng rebisahin ang minimum standard qualifications sa mga aplikante para mapunan ang mga bakanteng posisyon.…

Read More

DAGDAG-PRESYO MATAPOS ANG KAKARAMPOT NA ROLLBACK

oil price hike

(NI ROSE PULGAR) NITONG nakaraang Martes ay kakarampot lamang ang ipinatupad na rollback, sa susunod na linggo ay mayroon na namang inaasahan taas-presyo sa mga produktong petrolyo. Sa pagtaya ng Jetti Petroleum batay sa naging trading mula Lunes hanggang Huwebes, nasa P0.25 kada litro ang itataas ng presyo ng gasoline habang sa diesel naman ay posibleng madagdagan din ng P0.15 kada litro. Wala naman inihayag kung may pagtaas sa presyo ng kerosene. Ang pinal na presyo ng itataas ng petrolyo ay depende sa naging resulta ng trading kahapon Posibleng ngayong…

Read More

18 BI EMPLOYEES  SA ‘EXTORT TRY’ SA 15 KOREANS SUSUSPINDEHIN

bi121

(NI FROILAN MORELLOS) NAGPALABAS ng suspension order ang Department of Justice (DoJ) laban sa 18 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion attempt sa Angeles, Pampanga nitong nakalipas na buwan. Ito ay makaraang maghain ng reklamo ang 15 Korean national sa opisina ni Pangulong Rodrig0 Duterte at sa DoJ na may kinalaman sa panghihingi umano ng pera sa mga biktima ng mga tauhan ng intelligence department ng Bureau of Immigration . Bukod sa kasong kriminal na ihahain sa korte, kakaharapin pa ng mga suspek…

Read More

MMDA MAGIGING AKTIBO SA ANTI-JAYWALKING ORDINANCE

jay12

(NI ROSE PULGAR) NAKATAKDANG magpa-deputize ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal government unit  sa Metro Manila para sa panghuhuli ng mga traffic violator lalu na sa anti-jaywalking. “If we are already deputized by the local government units in Metro Manila, that’s the time that we can start apprehending traffic violators not only for jaywalking,” pahayag ni MMDA Traffic Czar Bong Nebrija. Kung kaya’t sasailalim pa rin sa pagsasanay ang ilang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga na-deputize. Ang naging pahayag ni Nebrija ay bunsod sa MMDA Resolution No.…

Read More

DFA SA MGA PINOY: ‘WAG PASAWAY SA TRIPOLI

liba123

(NI DAVE MEDINA) PINAYUHAN  ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga nakabakasyong Filipino rito sa bansa na huwag na munang bumalik sa Tripoli, Libya dahil sa tumitinding kaguluhan ngayon sa nasabing bansa. Kasabay nito ay pinag-iingat na mabuti ngayon ng DFA ang mga Filipino sa 100 kilometrong radius ng kapitolyo ng  Tripoli dahil sa lumalalang  tensyon doon. Pinaalalahanan din ang mga Pinoy na huwag lumapit sa kaguluhan. Ipinaalala rin ang kahilingan ng Philippine Embassy sa Libya sa may 1,000 Filipino naninirahan sa Tripoli na manatili muna sa kanilang mga bahay, iwasan…

Read More

NCRPO NASA FULL ALERT SA SEMANA SANTA

ncrpo12

(NI DAVE MEDINA) ILALAGAY SA full alert ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar ang lahat ng pulis sa Kalakhang Maynila sa panahon ng Semana Santa. Ayon kay Eleazar, kasalukuyang nasa heightened alert status ngayon ang NCRPO Philippine National Police (NCPO-PNP) at gagawing full alert sa Mahal na Araw hindi dahil may nagbabantang panganib kundi dahil  inaasahan nilang ang mga terminal ng bus at iba pang lugar hintayan ay mapupuno ng mga taong uuwi ng probinsya kaya kailangan ang dagdag na proteksyon sa ating mga kababayan.…

Read More

LALAKING GUMAGAMIT NG ‘SEX DRUGS’ BINALAAN NG FDA

sex drugs

(NI JESSE KABEL) NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga kalalakihan na mahilig magpatigas gamit ang mga sexual enhancement drugs. Naglabas ng babala ang FDA hinggil sa  paggamit at pagbebenta ng mga hindi rehistradong sexual enhancement drugs na umano’y napatunayan nang naging sanhi ng ilang kamatayan sa hanay ng mga kalalakihan. Binigay na halimbawa ng FDA ang mga produktong gawa ng China gaya ng Toro, Impeous Man, Chinese Viagra, Maximum Sexual King pills na ayon sa FDA ay walang certificate of product registration. Ayon kay FDA Director General…

Read More

PAG-IWAS SA POWER INTERRUPTION IDINUDULOG SA ‘ENERGY FAMILY’

DEPARTMENT OF ENERGY

(NI ROSE G. PULGAR) PATULOY ang koordinasyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga power industry players upang tugunan ang pagtaas ng demand at pagkaubos ng reserbang enerhiya para sa buwan ng summer. “The entire energy family should take a pro-active approach towards securing our power supply, especially since it is both summer and election season,” saad ni Sec. Cusi. Ayon sa napagkasunduan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Independent Electricity Market Operator of the Philippines, Manila Electric Company (Meralco), at ng DOE, kailangan umanong patuloy na obserbahan…

Read More