(NI BETH JULIAN) KASUNOD ng pagtaas ng bilang ng mga pinapatay na prosecutors sa bansa, pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga piskal na armasan ang kanilang sarili. Sa talumpati sa annual convention ng Prosecutor’s League of the Philippines sa Puerto Princesa City, iminungkahi ng Pangulo na mas magandang klase na magkaroon ng Glock 19 na pistola ang mga prosecutors. “Mas maiging piliin nila ang ganyang klase ng baril dahil hindi mabigat at subok na ito,” wika ng Pangulo. Base sa talaan ng Department of Justice, mula August 2016 ay…
Read MoreAuthor: Jet
DU30 WALANG BAKASYON SA SEMANA SANTA
(NI BETH JULIAN) WALANG planong magbakasyon o magtungo sa ibang lugar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Semana Santa o Holy Week. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na parati lamang kasama ng Pangulo ang kanyang pamilya tuwing holidays. Maging sa pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo ay parati lamang itong nasa bahay kapiling ang kanyang immediate family. Sa April 18, Huwebes Santo, magsisimula ang bakasyon sa paggunita ng Semana Santa hanggang sa Abril 20 sa Linggo ng Pagkabuhay. 333
Read MorePHL, CHINA ‘NAGKASUNDO’ SA TERITORYO
(Ni FRANCIS SORIANO) BINASAG na ang katahimikan ng Pilipinas at China matapos ang dalawang araw na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na plantsahin sa diplomatikong paraan ang issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPP). Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Seceretary Teodoro Locsin Jr., maayos na nagpalitan ng opinyon at diskusyon ang kapwa delegado ng mga estado para maiwasan ang banta ng paggamit ng pwersa laban sa isa’t-isa sa naganap na pagpupulong. Dito ay inilatag at pinag usapan ng bawat panig ang kani-kanilang concern matapos lumutang na problema sa West…
Read MoreDU30 NAGBANTA NG SUSPENSIYON NG WRIT OF HABEAS CORPUS
(NI BETH JULIAN) MAGDEDEKLARA ng “revolutionary war” at suspensiyon ng writ of habeas corpus si Pangulong Rodrigo Duterte para ipaaresto ang mga sangkot sa iba’t ibang mga krimen. Ito ang binitiwang banta ang Pangulo sa kaniyang talumpati sa Annual Convention of the Prosecutors League of the Philippines sa Palawan.Kasabay nito, pinatutsadahan din niya si Senator Franklin Drilon na nag-abiso sa gobyerno na maging maingat sa pagrepaso sa lahat ng mga kontratang pinasok ng pamahalaan. Napag-alaman na sinabi ni Drilon, na maaaring magdulot ng legal at pinansiyal na implikasyon sa bansa…
Read MoreISA PANG OPISYAL NI DU30 SISIBAKIN SA KATIWALIAN
(NI BETH JULIAN) SA susunod na linggo ay isa na namang opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa isyu ng katiwalian. Ito ang ibinunyag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, pero tumanggi pa itong magbigay ng karagdagang detalye. “Next week iaanunsyo ng Pangulo. Binanggit niya rin ‘yun during the meeting with some businessmen, na he will be firing another official,” ani Panelo. Matatandaan, pinakahuling sinibak sa puwesto ng Pangulo si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y katiwalian. Ang Pangulo…
Read MoreCHINESE DREDGING SHIP SA BATANGAS PINALAYAS NA
(NI DAVE MEDINA) PINAALIS na ng mga ahensya ng pamahalaan sa dagat na sakop ng Lobo, Batangas ang Chinese dredging ship na MV Emerald makaraang kanselahin ng Department of Environment and Natural Resources ang environmental compliance certificate na inisyu sa dredging ship MV Emerald na umangkla sa baybaying dagat ng Lobo, Batangas. Dahil dito, bandang alas-7:00 kahapon ng umaga ay pumalaot palayo ang MV Emerald na pansamantalang nag-angkla sa Batangas Pier. Kinansela ng DENR ang dredging operation ng MV Emerald makaraang mabigong makakuha ng clearance sa Mines and Geosciences Bureau.…
Read MoreP215-M DAGDAG KAY LENI GALING SA PONDO NG MGA SUNDALO
(NI BERNARD TAGUINOD) ISA ang tanggapan ni Leni Robredo sa nakinabang sa halos P84 Billion na inalis ng mga senador sa pondo ng build-build-build projects ni Pangulong Rodrigo Duterte at pera ng mga sundalo. Sa inilabas na dokumento ni House Appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., dinagdagan ng Senado ng P215 Million ang pondo ng Office of the Vice President. Binigyan din umano ng mga senador ng P1.7 Billion ang kanilang sariling pondo habang P597 Million naman sa Department of Agriculture (DA); P110 million sa Department of Energy (DoE); P2.5…
Read MoreKAYA BIGO; MALILIIT NA ‘ISDA’ LANG PINAPATOS SA DRUG WAR
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung bigo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang giyera kontra ilegal na droga dahil ang mga maliliit na users ang kaniyang pinuntirya at hindi ang mga malalaking drug lords at mga shabu importers. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, unang bugso pa lamang aniya ng drug war ni Duterte ay nagbabala na ang mga ito na hindi siya (Duterte) magtatagumpya sa kaniyang misyon dahil mga users at small time pushers lamang ang kanilang tinatarget at…
Read MoreTRIPULANTE NG CHINESE VESSEL PINAAARESTO
(NI NOEL ABUEL) IPINAAARESTO ng isang senador ang mga Chinese nationals na sakay ng isang Chinese dredging vessel na nakadaong sa karagatan sakop ng bayan ng Lobo, Batangas. Paliwanag ni Senador Risa Hontiveros, kailangang beripikahin ng mga awtoridad kung may sapat na clearances at permit ang mga Chinese nationals na tripulante ng 99-meter long, 17-meter wide Chinese dredging vessel. “I call on our authorities to investigate this matter and ascertain for sure if the crew of the Chinese dredging vessel has all the necessary documents, permits and clearances from our…
Read More