RAPPORTEUR REPORT INALMAHAN NG PALASYO

panelo

(NI LIILBETH JULIAN) PUMALAG  ang Malacanang sa report ng rapporteur hinggil sa sitwasyon ng karapatan-pantao ng ilang personalidad sa bansa. Inihalimbawa sa report sina Senator Leila de Lima, dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Rappler CEO Maria Ressa. Iginiit ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang basehan ang report ng special rapporteur dahil pawang pekeng impormasyon ang ibinigay ng mga partisan group dito para makakuha ng simpatiya na layong mabanatan si Pangulong Rodrigo Duterte. Nakasaad sa report ng special rapateur na ang pagpapakulong kay de Lima,…

Read More

KAHON NG PAMPASABOG NAKITA SA BASURAHAN

sabog

(NI JG TUMBADO) BINALOT ng tensyon ang mga residente sa Barangay Mabolo-Delgado sa Iloilo City dahil sa pagkakadiskubre sa basurahan ng isang kahon na naglalaman ng limang piraso ng pampasabog Miyerkoles ng umaga. Gayunpaman ay agad itong nai-secure sa mabilis na pagresponde ng ilang tauhan ng Explosives Ordnance Division (EOD) ng Iloilo City Police Office (ICPO) nang iparating sa kanila ang impormasyon ng isang barangay tanod. Matapos dalhin sa police headquarters upang suriin ang laman ng kahon ay tumambad ang nakasilid na limang pirasong rifle grenade na umanoy ‘buhay’ at…

Read More

BAGYO GALING GUAM PAPASOK SA ‘PINAS

pagasa

(NI ABBY MENDOZA) MALAKI ang tiyansang pumasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang tropical storm sa Pacific Ocean malapit sa bansang Guam sa susunud na Linggo at tatawagin itong Bagyong Betty, ang ikalawang bagyo na papasok sa bansa gayong 2019. Ayon sa PAGASA lubha pang malayo ang tropical storm na may international name na Wutip, sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa. Kung hindi umano magbabago ang kilos nito ay maaari itong pumasok ng PAR sa susunud na Linggo ngunit may posibilidad din na…

Read More

SILK INDUSTRY SA LA UNION BUBUHAYIN

weave20

(NI NOEL ABUEL) TINITYAK ni Senador Cynthia Villar na bubuhayin nito ang silk industry sa lalawigan ng La Union para makatulong sa mga residente nito. Ito ang pangakong binitawan ni Villar kasabay ng pagsasabing sa kasalukuyan ay nagkakaroon na ng kakapusan ng supply ng native product sa bansa. Idinagdag pa ng senador na dapat samantalahin ng mga negosyante ang maraming mulberry leaf sa La Union na kilalang pagkain ng mga silkworms upang makapag-produce ng magandang uri ng tela. “Alam n’yo nakakalungkot po na ang ating mga native fabric ay kulang…

Read More

P16-B FOREIGN INVESTMENT NG SSS SA ‘PINAS DAPAT ILAAN 

sss20

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGHIHINAYANG ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa plano ng Social Security System (SSS)  na mag-invest ng P16 bilyon  sa ibang bansa gayung mas kailangan dito ang nasabing puhunan. Kasabay nito, sinabi ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na tila wala sa hulog ang SSS dahil kahit tumaas umano ang kanilang kinita noong 2018 ay itinutuloy pa rin ng mga ito ang pagdagdag ngn kontribusyon sa kanilang miyembro. Ayon sa mambabatas, nagpaplano umano ang SSS na mag-invest ng $200 hanggang $300 milyon sa ibang bansa…

Read More

PAGBAWI SA SCHOLARSHIP LABAG SA BATAS

doj

(NI TERESA TAVARES) PAGLABAG sa Konstitusyon ang plano ni National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na bawiin ang scholarship ng mga estudyante na itinuturing na “anti-government”. Mahigpit na ipinaalala ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NYC na labag sa constitutional rights ng mga estudyante ang sipain sa state colleges and universities dahil sa paglahok sa mga kilos-protesta. Ipinaalala ng DoJ na pagkitil sa karapatan sa freedom of speech at expression ng mga kabataan kung itutuloy ang naturang mungkahi. Una nang nagbanta si Cardema na ang mga scholar na kumokontra…

Read More

BAN SA LIQUID ITEMS SA MRT 3, LRT INALIS NA

mrt20

(NI DAVE MEDINA) MAGKASABAYANG tinanggal ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) at ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang naunang kautusan sa pagbabawal ng mga likido at ibang kauring  materyales sa loob ng kanilang pasilidad kabilang ang mga tren at train stations. Sa kanilang media advisory, sinabi ng MRT 3 management na pinapayagan nang makapagdala at  maipasok ng mga pasahero ang mga likidong mahigit sa 100 mililitro, taliwas sa dating kautusang pahintulot na mas mababang dami ng likido. “Ang mga liquid item, tulad ng tubig, pabango, hand sanitizer,…

Read More

MERS CASE SA LAGUNA MINOMONITOR NG DOH

doh

(NI NILOU DEL CARMEN) MINOMONITOR ng Department of Health ang isang pasyento mula Laguna na hinihinalang may Middle East respiratory syndrome (MERS) virus, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo. Dinala na rin umano ang biktima sa RITM [Research Institute for Tropical Medicine] para sa masusing pag-aalaga. Kasabay nito, pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng isang ospital sa Sta Cruz, Laguna dahil sa hinihinalang kaso ng MERS-CoV sa isang pasyente na ipinasok doon. Ayon kay Dr. Rene Bagamasbad, Provincial Health officer ng Laguna,  mula madaling araw ng Miyerkoles ay nagpatupad ng temporary…

Read More

PUGOT-ULO BANTA NI DU30 VS DRUG SYNDICATE

coca20

(NI LILIBETH JULIAN) MULING nagpakita ng gigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa ilegal na droga na patuloy na namamayagpag sa bansa sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban dito. Ito ay matapos ibulalalas ni Pangulong Duterte ang kanyang tapang sa pagbabantang pupugutan ng ulo ang mga sangkot sa ilegal na droga na tumutukoy hindi lamang sa mga drug addict na Filipino  kundi ay maging ang mga miyembro ng Sinaloa, isang Mexican drug cartel at mga Chinese na kasapi ng Triangle Triad. “Pag hindi ako busy,…

Read More