TUTULUNGAN ng Department of Foreign Affairs ang tatlong Pinoy call center employees na nakakulong sa HongKong dahil sa umano’y pagkakasangkot sa scam sa pagbubukas ng mga bank accounts gamit ang pekeng dokumento. Sa pahayag ng DFA, sinabi na ang mga Pinoy ay nakakulong ng hanggang limang buwan matapos makiisa sa free HongKong tour na pang engganyo at gagamitin para magbukas ng bank accounts. “Tumutulong ang DFA sa tatlong call center agents na nakakulong doon. Aayuda rin ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa anumang suporta at legal advice,” sabi sa…
Read MoreAuthor: Jet
DoH: OFW NEGATIBO SA MERS-CoV
NAKAHINGA na nang maluwag ang pamilya ng sinasabing may MERS-CoV matapos makumpirmang negatibo ito sa sakit nang mailabas ang pagsusuri, ayon sa Department of Health (DoH). Isinugod sa isang pribadong ospital sa Laguna ang pasyente na galing sa Saudi Arabia matapos magkasakit na nagpakita ng sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV). Sinabi ni Glen Ramon, spokesperson ng DoH sa Calabarzon, na negatibo ang resulta ng pagsusuri base sa RITM. Nauna nang dinala sa Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna ang biktima dahilan para agarang linisin at i-disinfect…
Read MoreNFA RICE MANANATILI SA MERKADO – DA
NILINAW ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mananatili ang National Food Authority (NFA) rice sa merkado kahit lagpas pa ng Agosto ngayong taon taliwas sa mga report na ang state-subsidized rice na may presyong P27 kada kilo ay hanggang Agosto na lamang sa pamilihan. “Mananatili ito kahit pa lagpas ng August dahil sa ngayon, ang stocks naming sa NFA ay hanggang sa August pa,” ayon sa secretary. Yan yung las na imporation ng NFA. Iyon ang ibebenta ng P27 kada kilo at dahil mayroon nang importasyon ng bigas, hayaan na…
Read MoreUNIVERSAL HEALTH CARE BILL PIRMADO NA NI DU30
(NI LILIBETH JULIAN) MAGANDANG balita lalo na sa mga masasakiting kapus-palad. Mabibigyan na ng maayos at de-kalidad na health care services ang lahat ng mga Pinoy sa bansa. Ito ay matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Bill na nagbibigay ng malawak na health care coverage at benepisyo sa mga Filipino. Sa nasabing landmark legislation, ang lahat ng mga Pinoy ay magiging awtomatikong miyembro ng bubuuing National Health Insurance Program (NHIP) bilang direct contributor o indirect contributor. Sa nasabing batas, mas palalawakin nito ang saklaw…
Read MoreEL NINO IS HERE–PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) NARARANASAN na ng bansa ang El Nino Phenomenon o ang weather pattern kung saan mas kakaunti ang mararanasang pag-ulan at mas mahaba ang dry season. Ayo sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) karaniwang dalawa hanggang pitong taon bago maranasan ang El Nino at tumatagal ito ng walo hanggang 12 buwan. Sa ngayon umano ay hindi pa full blown El Nino ang umiiral sa bansa subalit asahan umano ito paglipas ng ilang mga buwan. Sinabi ng PAGASA ang mainit na sea surface na nagsimula noong Nobyermbre 2018…
Read MoreCATRIONA ‘DI MATAPUS-TAPOS ANG PASASALAMAT
(PHOTO BY JHAY JALBUNA) MANGIYAK-NGIYAK si 2018 Ms. Universe Catriona Gray sa kanyang pasasalamat sa mga unsung heroes na tumulong sa kanya para mapanalunan ang pang-apat na Ms. Universe crown para sa bansa. Hindi lang si Madam Stella Marquez-Araneta ang instrumento sa malaking tagumpay ni Cat. Malaki ang naitulong ng kanyang glam team. Siyempre pa, masaya ang Bb. Pilipinas sisters na makapiling muli si Catriona. Sabi ni Karen Gallman, ang unang Pinay na Miss Intercontinental, “I’m happy and excited for her homecoming. We Filipinos are all so happy and proud of…
Read MoreDIGONG BUSY; ‘DI SIGURADO SA EDSA 1 ANNIV
(NI LILIBETH JULIAN) WALA pang kasiguruhan kung sisiputin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ito ay matapos ihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na wala at hindi pa alam kung dadalo o hindi ang Pangulo sa okasyon sa kadahilanang marami itong trabaho. Madalas na idahilan ng Pangulo sa tuwing hindi ito pagdalo sa mga okasyon ay ang pagiging abala nito sa pagbabasa ng mga dokumento na may kinalaman sa trabaho sa gobyerno o pagbabasa ng mga libro na makadaragdag sa kanyang kaalaman.…
Read MoreMRT3 TUMIRIK; DAAN-DAANG PASAHERO NAPERWISYO
(NI KEVIN COLLANTES) MAY 450 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang naperwisyo at napilitang bumaba nang tumirik ang sinasakyan nilang tren sa Quezon City Miiyerkoles ng tanghali. Batay sa inilabas na paabiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-12:48 ng tanghali nang magkaroon ng electrical failure sa motor dahil sa mga lumang piyesa, ang naturang tren sa southbound area ng Quezon Avenue station, kaya’t kinailangang pababain ang mga pasahero nito. Inabot naman ng 14 na minuto o dakong 1:06 ng hapon, bago nakasakay muli sa kasunod na…
Read MorePINOY MAGUGUTOM SA ISINABATAS NA RTA — PARTYLIST
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong maranasan ng lahat ng mga Filipino ang magutom ng tuluyan kapag naubos ang supply ng Vietnam at Thailand at wala ring magsasaka ng palay sa Pilipinas dahil sa Republic Act (RA) 11203 Rice Tariffication Act (RTA). Ito ang ibinabala ni Butil party-list Rep. Cecilia Leonila Chavez kaugnay ng nasabing panukala na kanila umanong tinutulan noong nasa Kongreso pa lamang ito subalit hindi sila pinakinggan. Sa ilalim ng nasabing batas, hindi na kokontrolin ang dami ng mga bigas na aangkatin ng mga rice traders sa ibang…
Read More