ACOSTA IPINAGTANGGOL NI GORDON

acosta

(NI NOEL ABUEL) IPINAGTANGGOL ni Senador Richard Gordon si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta laban sa mga nananawagan na pag-resign ito sa posisyon dahil sa usapin  ng vaccination program ng pamahalaan. Ayon sa senador, walang dahilan upang bumitiw sa tungkulin si Acosta dahil sa nangyayaring kaguluhan sa programa ng Department of Health (DoH). “Hindi naman ako pabor doon sa resignation dahil at least masigasig siya sa mahihirap. Okay na sa akin ‘yun. Pagbigyan na natin ‘yun,” sabi ni Gordon sa panayam sa radyo. Aniya, ginagawa lamang ni Acosta ang…

Read More

KASO NG TIGDAS SA CALABARZON TUMATAAS

tigdas8

(NI SIGFRED ADSUARA) PATULOY na tumaas ang bilang ng kaso ng tigdas habang pumalo na sa 55 ang bilang ng mga namamatay sa CALABARZON (Cavite Laguna  Batangas Rizal Quezon ), hanggang kahapon, February 17, 2019. Sa bagong ipinalabas na Meassles quick count ng DOH-CALABARZON, simumula alas-8:00 Linggo ng umaga, umakyat na sa 2, 328 ang bilang ng kaso ng tigdas kung saan  55 dito ang naiulat  na namatay. Sa datos, ang Rizal ang nakapagtala ng pinakamataas na namatay sa tigdas na mayroon 40 sa 1,268  na kaso; sumunod ang Cavite…

Read More

OFW REMITTANCE TUMAAS NG 3%

remit

(NI BETH JULIAN) TATLONG porsyento ang itinaas ng remittance na ipinadadala sa Pilipinas ng mga Pinoy na nagtatrabaho mula sa ibang bansa noong 2018. Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr., kung saan ayon dito ay umabot sa $32.2 bilyon ang personal remittance noong 2018. Itinuturing na ito na ang pinakamataas na taunang remittance sent o pumapasok sa bansa na ipinadadala ng mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kabilang sa mga lugar kung saan nagtatrabaho ang mga Filipino para makapagpasok ng pera ay ang Saudi…

Read More

TAX AMNESTY ACT NILAGDAAN NI DU30   

tax16

(NI LILIBETH JULIAN) GOOD news. Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Amnesty Act pero ilang probisyon nito ang kanyang nai-veto. Sa ilalim ng TAA, hindi na sisingilin ang mga penalty at buwis na hindi nabayaran noong 2017 pababa. Pero magbabayad ang mga tax payers ng itinakdang halaga para malinis ang kanilang pangalan sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Hindi na rin maaaring kasuhan ang mga hindi nagbayad ng buwis kapag nakakuha na ng amnesty. Hindi naman tinukoy ng Malacanang kung alin bahagi ng batas ang inaprubahan ng Pangulo…

Read More

PRESYO NG MANOK SA PALENGKE IMO-MONITOR NG DTI

chic16

(NI BETH JULIAN)  AMINADO ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mataas ang presyo ng manok sa mga palengke kumpara sa mga supermarket o groceries. Base sa mga report, aabot sa P150 hanggang P155 ang presyo ng kilo ng manok sa mga palengke na malayo sa suggested retail price na P125 kilo. Dahil dito pinayuhan na lamang ni DTI Secretary Ramon Lopez, ang publiko na bumili na lamang sa grocery ng manok kung saan umiiral ang SRP. Umapela naman ang DTI sa publiko na isumbong ang…

Read More

COCO LEVY BILL ‘TINOKHANG’ NI DUTERTE

coco16

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Dismayado ang mga magsasaka ng niyog kay Pangulong Duterte sa ginawa niyang “veto” o pagbasura sa panukalang batas na magtatakda sa disposisyon ng P100 billion coconut levy fund. “Tokhang by exclusion ang ginawa ni Pangulong Duterte,” ang patutsadang pitik ni Jansept Geronimo, spokesperson ng Kilusan Para sa Tunay na Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan), sa panayam araw ng Linggo. Dagdag pa niya: “Ayaw ni Duterte na mamamayani ang mga kinatawan ng magsasaka ng niyog sa pagdedesisyon sa kung papaano gagamitin ang coco levy fund”. Sinumbatan…

Read More

GPS GAMIT NG DRUG SYNDICATE

gps

(NI DAVE MEDINA) ISINASABAY ng mga sindikato  sa pagiging makabago ng teknolohiya ngayon sa buong daigdig ang transaksyon ng ipinagbabawal na gamot. Ito ang ideyang pinalutang ni Philippine National Police (PNP) Director General  Albayalde kahapon sa panayam . Sinabi ng PNP Chief na sadyang iniiwan ng mga sindikato sa ilalim ng  karagatan ang mga droga habang may nakakabit na global positioning system (GPS) devices upang damputin ng kanilang mga tauhan makalipas ang ilang araw at saka ibibiyahe sakay ng ibang barko patungo sa ibang destinasyon. “Ang initial analysis kasi dito…

Read More

PAGLUSAW SA ROAD BOARD NAKAPILA KAY DU30

duterte12

(NI NOEL ABUEL) LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para sa tuluyag paglusaw sa Road Board Regulatory Agency. Kumpiyansa ang liderato ng Senado na tuluyan nang maisasabatas ang House Bill 7436 na kinuha ng Senado at ipinadala noong Pebrero 8 ng Presidential Legislative Liaison Office sa Malacañang para lagdaan ni Duterte. Umaasa rin ang mga mambabatas na bago matapos ang 30 araw ay mapipirmahan ng Pangulo ang nasabing panukala at hindi tuluyang mabalewala dahil mismong si Pangulong Duterte ang nais na mawala ang Road Board dahil na rin…

Read More

FARMERS ‘DI TALO SA RICE TARIFF LAW – DTI     

rice

(NI LILIBETH JULIAN) WALANG ang mga magsasaka sa Rice Tariffication Act na katatapos lamang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez bilang tugon sa mga naglabasang reklamo na hindi maganda ang epekto nito sa mga lokal na magsasaka sa bansa. Dito, sinabi ni Lopez na  walang mangyayaring pagkalugi para sa mga magsasaka ang pagsasabatas ng RTA dahil tutulungan ang mga ito na makipagsabayan sa mga importer ng bigas. Sinabi ni Lopez na bukod sa mga punla at pataba ay…

Read More