(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng public hearing ang Senado kaugnay ng usapin ng pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Course (ROTC). Ayon kay Senador Win Gatchalian, base sa lumabas na survey ay marami nang Filipino ang sumusuporta sa panawagang ibalik ang ROTC sa buong bansa kung kaya’t nais nitong magsagawa ng public hearing sa Pebrero 20 upang madinig ang mas marami pang Pinoy. “According to the Pulse Asia’s latest Ulat ng Bayan Survey conducted on December 14-21 last year, 1,440 of 1,800 respondents or 80 percent agree to the implementation of…
Read MoreAuthor: Jet
RORO PASISIGLAHIN; 7 BAGONG RUTA BUBUKSAN
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T ikaapat na lang sa pinakamataas na lider ng bansa ngayon, desidido si dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na pasiglahin pa ang Roll-On Roll-Off (RORO) system sa bansa. Sa oversigth committee ng House committee on transportation sa Cebu City kahapon, nakakuha ng kasiguraduhan si Arroyo sa Maritime Industry Authority na magbubukas ng pitong bagong ruta ng RORO sa bansa. Hindi sinabi ng tanggapan ni Arroyo kung saan-saang lugar ang bubuksang RORO route subalit marami na umanong pribadong kumpanya ang naghain na ng aplikasyon…
Read MoreQUOTA SA BABAENG POLICE RECRUITS DODOBLEHIN
(NI BERNARD TAGUINOD) SA layong mapalakas pa ang Women and Children Protection Desk sa lahat ng mga police stations sa buong bansa at maiwasan na ang pag-aabuso sa mga kababaihan at kabataan ng mga tiwaling male police officers, dodoblehin na ang quota ng Philippine National Police (PNP) ng mga babaing police recruits. Base sa House Bill 9058 na nag-aamyenda sa Republic Act 8551 o “PNP Reform and Reorganization Act of 1998” na inakda ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel Jr., nais nito na itaas sa 20% ang quota sa police recruit…
Read MorePANGAKO SA RICE TARIFF GASGAS NA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) NAIPANGAKO na sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at maging sa Oil Deregulation Law ang magandang pangako ng gobyerno sa Rice Tariffication Law na makakatulong ito sa mamamayan subalit kabaliktaran ang nangyari. Ito ikinakabahala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Act kung saan pinapangakuan ang mga magsasaka na gaganda ang kanilang buhay. Sa ilalim ng nasabing batas, maglalaan ang gobyerno ng P10 bilyon na inisyal na pondo para bigyan ng ayuda ang mga…
Read MoreBABY PATAY, 203 NAKARATAY SA TIGDAS SA REGION 12
(PHOTO BY KIER CRUZ) ISANG sanggol ang patay habang 204 na ang nagkasakit ng tigdas sa SOCCSKSARGEN region. Ayon kay DoH-12 focal person for measles prevention program Jenny Panizares, mula Enero hanggang Pebrero ay umaabot na sa 204 katao ang naisugod sa mga pribado at pampublikong pagamutan sa rehiyon-12 at isang sanggol ang binawian ng buhay. Minomonitor na din ng Do Hang patuloy na pagtaas ng kaso ng tigdas sa buong SOCCSKSARGEN. Gayunman, mababa umano ito ng 265% kung ihambing sa kaparehong buwan noong 2018 na umaabot sa 328. Nanguna…
Read MorePORK PRODUCTS NG VIETNAM BANNED SA PINAS
BANNED na rin sa Pilipinas ang mga karneng baboy mula Vietnam dahil sa posibleng African Swine Fever (ASF) virus. Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nag positibo ang karneng mula sa Vietnam sa swine fever virus kung kaya’t dobleng ingat na ngayon sa bansa para mapigilan ang pagpasok dito. Ngayong pending pa ang official memorandum order para sa embargo sa karneng baboy mula sa VIetnam, inatasan na ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang Bureau of Animal Industry (BAI) na ipatupad ang importation ban simula noong Pebrero 17. Ayon…
Read More‘NARCO POLITICIANS’ SA COCAINE SA DAGAT?
(NI BERNARD TAGUINOD) POSIBLE umanong mga narco politicians ang nasa likod ng mga nagsisilutangang kontrabando ng cocaine sa karagatan kung saan gagamiting pondo ang mapagbebentahan sa nalalapit na eleksiyon. Ito ang paniwala ni House committee on dangerous drug chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, kasunod ng mga cocaine na nadidiskubre sa mga karagatan ng Pilipinas. Mula shabu, lumevel-up (level-up) na ang mga durugista sa Pilipinas dahil mula sa paggamit ng shabu ay lumipat na ang mga ito sa cocaine. “Oo, level-up na (ang mga adik kasi mas mura…
Read MorePAMILYANG PINOY MAY DAGDAG BENEPISYO SA SSS
(NI NOEL ABUEL) KUMPIYANSA si Senador Richard Gordon na malaking tulong sa milyun-milyong miyembro ng Social Security System (SSS) ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa senador, natutuwa ito at tuluyang naging batas ang SSS Act of 2019, na naglalayong mapalawak ang kakayahan at obligasyon ng Social Security Commission (SSC) upang matiyak na napapangalagaan ang kinokolektang pera sa taumbayan. “This is a landmark law for the SSS. The purpose of this law is to uplift the dignity of our people. Magsa-sacrifice ang mga members ngayon by contributing more but they…
Read MorePALASYO NAGALAK; BILANG NG DRUG ADDICT NABAWASAN
(NI LILIBETH JULIAN) TAHASANG ipinagmalaki ng Malacanang ang inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na kumonti ang bilang mga mga drug addict simula nang ipatupad ang kampanya kontra droga ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, ang nasabing resulta ng SWS ay ikinagalak ng Malacanang maging mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Panelo na patunay ito na tagumpay ang administrasyong Duterte sa kampanya kontra ilegal na droga kaya dapat lamang tumigil na ang mga kritiko ng administrasyon sa pagbatikos. Apela ni Panelo sa…
Read More