43 TRUCK NG BASURA NAHAKOT SA TRASLACION

BASURA by KIER CRUZ

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ) NASA 43 trucks ang nahakot  na mga basura  Huwebes ng hapon ng mga tauhan ng Metropolitan  Manila Development Authority (MMDA) na iniwan ng mga deboto mula sa ruta ng prusisyon ng emahe ng Itim na Nazareno kamakalawa. Ayon kay spokesperson MMDA Assistant Secretary Celene Pialago, pinagtulungan aniya ng mga street sweepers  ng ahensiya, ilang kawani ng Manila City Hall, Department of Public Works ang Highways (DPWH), volunteers ng civic at religious group ang pangongolekta ng mga basura. Aniya, karamihan sa mga basurang nakolekta ay plastic bags, food…

Read More

DARAGA, COTABATO CITY, PINASASAILALIM SA COMELEC CONTROL 

comelec

(NI MITZI YU) HINILING ng mga election officer sa Daraga at Cotobato City na isailalim ang nasabing mga lugar sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) para mabantayan ito laban sa posible pang mga kaso ng  karahasan habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 13. Sa kanyang pagdalo sa tri-agency conference sa pagitan ng Comelec, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Crame Huwebes ng hapon, tiniyak naman ni Comelec chair Sheriff Abas na kabilang ang nasabing rekomendasyon sa mga isyung tatalakayin ng en banc. Ito’y…

Read More

FIGHT PLAN NI PACQUIAO: ‘AWAY KALYE’

pacman200

(NI VIRGI T. ROMANO/PHOTO BY WENDELL ALINEA/MP PROMOTIONS LOS ANGELES, CA. — “Kailangan sa round 1 to 6 apurahin na ni Manny. Away-kalye dapat gawin niya.” Ito ang mga katagang binitiwan ni Buboy Fernandez hinggil sa strategy na gagawin ni Pacquiao sa pakikipagbakbakan ay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Sa media day na ginanap, Miyerkoles sa Wild Card Boxing Club dito, sinabi ni Fernandez, paulit-ulit nilang ineensayo na hindi pupuwedeng maghintay si Pacquiao kay Broner, kinakailangang si Pacquiao ang laging mauuna, lalo…

Read More

ANDAYA: PLEASE RELEASE ME

Andaya

(NI BERNARD TAGUINOD) SISIBAKIN na sa kanyang posisyon bilang House Majority leader si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr, ? Mismong si Andaya ang naglutang sa senaryong ito matapos tiyakin na sya ang unang boboto kapag tinanggal siya bilang Majority leader ng Kamara. “I will be the first to vote that I be relieved as Majority Leader,” ani Andaya subalit hindi ito nagbigay ng karagdagang impormasyon kung bakit nito inilutang ang nasabing isyu. Ayon sa mambabatas na nangunguna sa imbestigasyon sa flood control project scam, hindi umano nito inambisyon ang…

Read More

UMENTO SA GOV’T WORKERS PINAMAMADALI

sahod

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Panfilo “Ping” Lacson si Budget Secretary Benjamin Diokno na agad na ipatupad na ang umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno. Giit ni Lacson, hindi na dapat pang gamiting dahilan ni Diokno ang reenacted budget sa hindi pagbibigay ng umento. Ayon sa senador, maaaring gamitin ng gobyerno ang P99.46 bilyon na pondo noong 2018 para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF). Binigyan-diin ni Lacson na nakabatay pa rin ito sa Konstitusyon at walang dapat pangambahan ang kalihim. “Mr DBM Secretary, implement the salary…

Read More

AFP, PNP AT COMELEC NAGHAHANDA SA BOL PLEBISCITE

bangsa

(NI JESSE KABEL) NAGSAMA-SAMA kahapon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) para talakayin ang ilalatag na seguridad upang matiyak na magiging  matiwasay ang pagdaraos ng Bangsamoro Organic Law plebiscite at May 2019 midterm elections particular sa Mindanao. Kasunod ito nang naging pahayag ni defense Secretary Delfin Lorenzana na problematic ang ilang lugar sa Mindnao kaugnay sa gaganaping BOL plebiscite kabilang dito ang Cotabato City, Lanao del Norte at Isabaela Basilan. Aminado si Lorenzana na malaking hamon sa kanila ang pagpasok ng…

Read More

BAHAY NG VICE MAYOR NI-RAID, 2 PATAY

vice mayor

(NI JG TUMBADO) DALAWANG umanoy mga tauhan ng vice mayor ang napatay matapos makipag barilan sa pulisya sa isinagawang pagsalakay sa bahay ng LGU official sa Maguindanao. Tinukoy ng Maguindanao Provincial Police Office (MPPO) ang target ng search warrant ang bahay ni Datu Montawal, Vice Mayor Ottoh Montawal. Si Montawal ay isa sa mga pinangalanang LGU official sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa narco-politicians. Nabatid sa inisyal na report, nangyari ang shoot out sa pagitan ng dalawang security escort ni Montawal at ng raiding team pasado alas…

Read More

MASS LAY-OFF SA GOBYERNO

workers

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGKAROON  na ng mass lay-off sa gobyerno matapos hindi tuparin ni Budget and Managemeng (DBM) Secretary Benjamin Diokno na mananatili sa kanilang trabaho ang contract at job order workers sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Kinumpirma ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos suspendehin ng DBM, Commission on Audit (COA)  at Civil Service Commission (CSC) ang Joint Circular No.1 ukol sa contractual at job order employees sa gobyerno. Nabatid na ang mga contractual employees at job order services sa Department of Social Welfare and Development…

Read More

DOUBLE MURDER ISINAMPA VS COTABATO BOMBERS

cotabato

(NI CARLO REFORSADO) SINAMPAHAN na ng kaso ng pulisya kamakalawa ng hapon ang dalawang suspek sa madugong pambobomba sa South Seas mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 34 na iba pa. Ayon kay Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, Police Regional Office (PRO) 12 Director, sinampahan na ng kaso ng Special Investigation Task Group (SITG) SOUTHSEAS ng kaso ang dalawang suspek na sina Salipudin Lauban Pasandalan, na naaresto na ng pulisya at isang alyas Saed Nur Kasim na pinaghahanap pa ng pulisya. Ang pagsampa ng…

Read More