PRESYO NG GULAY SA METRO MANANATILING MABABA

gulay

KARAMIHAN umano ng gulay na nasa Metro Manila at galing sa kalapit na lalawigan tulad ng Laguna, Quezon at Batangas na hindi naman napuruhan ng bagyong ‘Usman’. Ito ang dahilan ni Agriculture Secretary Manny Pinol para hindi magtaas ng gulay sa Metro Manila. Nagtaasan umano ang presyo ng mga gulay sa mga palengke pagkatapos ng bagyo na ayon kay Pinol ay sinasamantala ng mga negosyante.  Nanawagan din si Pinol na huwag samantalahin ng mga negosyante ang bagyo lalo’t hindi naman direktang nakaapekto si ‘Usman’ sa Metro Manila. Sinabi rin ni…

Read More

COMELEC : BALDO MAHIRAP TANGGALIN SA LAKAS

baldo200

INAMIN ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol na mahihirapan ang ahensiya na tanggalin sa political party si Daraga Mayor Carlwyn Baldo. Inilaglag na si Baldo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos masangkot bilang utak sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at security aide nito na si SPO2 Orlando Diaz noong December 22. Sinabi ng COMELEC na noong Nobyembre 29, 2018 pa naisapinal ang listahan ng mga partido kung saan si Baldo ang standard bearer ng Lakas-CMD sa Daraga Albay. Gayunman, hanggang kahapon ay nabatid na independent candidate…

Read More

LIQUOR BAN IPATUTUPAD BUKAS

ban

SIMULA bukas (Lunes) ng gabi ay ipatutupad na ang liquor ban bilang paghahanda sa Traslacion 2019 sa Miyerkules, ayon kay National Capital Regional Police Office chief (NCRPO) PDir. Guillermo Eleazar. Pinayuhan ni Eleazar ang sasama sa Traslacion na huwag uminom habang ang iba namang deboto ay huwag na lang magdala ng mga bata, matutulis na bagay, alahas at droga. Sinabi ni Eleazar na prayoridad pa rin ng PNP ang kaligtasan ng mga deboto at ng publiko sa ganitong malaking okasyon. Umaabot sa 7,200 mga pulis ang ikakalat habang 2,000 sundalo…

Read More

CASINO TYCOON PINAARESTO SA ESTAFA

okada

NAGLABAS ng warrant of arrest si Judge Rolando G. How, ng Paranaque Regional Trial Court Branch 257, para arestuhin si Japanese billionaire at gaming tycoon na si Kasuo Okada dahil sa kasong estafa. Ang pagpapaaresto ay matapos baligtarin ng Department of Justice ang unang kautusan ng Parañaque City Prosecutor’s Office na nag-dismis sa kaso ni Okada. Si Okada ay inakusahan sa pambubulsa umano ng $3.1 milyon ng Tiger Resort, Leisure and Entertainment, Inc (TRLEI), operator ng Okada Manila. Ang Japanese billionaire ay sinipa sa kompanya noong June 2017 dahil sa…

Read More

PINAY DH MAG-WELDER — SOLON

welding

(NI BERNARD TAGUINOD) HINIMOK  ng isang mambabatas sa Kamara ang mga Pinoy workers sa ibang bansa na ilevel-up ang kanilang talento at mag-aral maging welder dahil mas malaki ang sahod dito kaysa sa sinasahod nila bilang kasambahay. Ayon kay ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, hindi dapat makontento ang mga Filipina workers sa kanilang sinasahod na $400 lamang kada buwan kaya dapat mang-aral ang mga ito bilang welder pagbalik ng mga ito sa Pilipinas para sila ay lalong umasenso. Sa katunayan aniya, mga babae rin ang madalas kunin ng mga…

Read More

PONDO SA ROAD BOARD ‘DI PWEDE SA ‘USMAN’ VICTIMS

VICTIMS

(NI NOEL ABUEL) LABAG sa batas ang planong gamitin ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad partikular sa mga biktima ng landslide sa Camarines Sur ang nasa P43 bilyong pondo ng Road Board. Ito ang ipinaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan malinaw umano ang probisyon sa batas kaugnay sa Road User’s Tax. Maaari lamang umanong gamitin ang nakolektang pondo sa registration ng mga sasakyan sa panganglaga at pagsasaayos ng mga kalsada, road safety at signages. “Sa ngayon, hindi magagamit ng Pangulo ‘yan, dahil specific ang batas sa Road User’s Tax.…

Read More

RUSSIAN NAVY VESSELS NASA BANSA

SHIP by KIER CRUZ

(Photo by KIER CRUZ) DUMATING sa bansa ang Russian Navy vessels para sa goodwill visit sa bansa. Kanina dumaong ang mga barko sa South Harbor sa Maynila. Ang barko na Admiral Pantelleve, isang malaking anti-submarine ship, ‘Varyag’ guided missile cruiser at ‘Boris Botuma’, malaking sea tanker, ay sinalubong ng mga opisyal ng Philippine Navy at miyembro ng media Linggo ng umaga. 415

Read More

MISIS PINATAY NG MISTER SA SIMBAHAN

crime200

CAGAYAN DE ORO CITY – PATAY sa simbahan ang isang ginang na umano’y binaril ng kanyang mister habang nagsisimba sa Poblaccion, Catarman Camiguin, Linggo ng umaga. Sinasabing selos ang dahilan kung bakit binaril ang biktimang si Aimee Linao, 35. Matapos makitang duguan ang misis, nagbaril din sa ulo at dibdib si Celmar Linao, 37, isang overseas worker, gamit ang kanyang kalibre .45. Ayon kay SPO2 Florenzo Soria, ng Catarman-Philippine National Police, nagkagulo ang mga tao sa loob ng San Roque Church nang umalingawngaw ang putok ng baril at bumulagta ang…

Read More

MAYOR BALDO INABANDONA NA NG LAKAS-CMD

baldo500

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS iturong mastermind umano sa pagpatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at SPO1 Orlando Diaz dahil sa pulitika, inabandona na ng kanyang partidong Lakas-CMD si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo. Sa kanyang sulat sa Commission on Election (Comelec), sinabi ni Lakas-CMD Executive Director Atty. Bautista ‘Butch’ Corpin Jr., na binabawi na ng partido ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng partido kay Mayor Baldo. “Please be informed that Lakas-CMD is revoking the CONA issued to Mr. Baldo. Hence, Mayor Baldo is no longer the…

Read More