(NI JG TUMBADO) NASA 15 empleyado mula sa iba’t ibang sangay ng Olongapo City government ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga. Ito ang pagsisiwalat ni City acting Mayor Dr. Lugie Lipumano kasunod ng inilabas na mandatory drug test sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa lahat ng kawani nito. Ayon kay Lipumano, bagamat nagpositibo ang mga ito sa drug test ay kinakailangan pa umanong isalang sa confirmatory test sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame bago ilabas ang opisyal na resulta. Ang mga regular na empleyado…
Read MoreAuthor: Jet
‘USMAN’ NAG-IWAN NG P2-B PINSALA
TINATAYA sa P2 bilyon ang napinsala ng bagyong ‘Usman’ kung saan umaabot sa 126 katao ang nasawi at 60 ang sugatan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Umaabot naman sa 140,105 pamilya o 624,236 indibidwal – sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas Region – ang apektado ni ‘Usman’ kung saan 13,135 pamilya ang nasa evacuation center at 22,633 pa ang nasa ibang kalinga. Pininsala rin ni ‘Usman’ ang 6,005 bahay at sumira ng 114 kalsada at tatlong tulay. Sa mga apektadong tulay at kalsada, 87 nang…
Read MoreKRIS MAY LUPUS; LILIPAD SA SG PARA SA CHECKUP
(NI JET D. ANTOLIN) LILIPAD muli patungong Singapore ang TV host actress na si Kris Aquino para sa mga serye pa ng eksaminasyon sa umano’y sakit na nagpapahirap sa kanya ngayon. Kahapon ay humarap ang aktres at media personality sa kanyang Facebook live video at ibinunyag na may isa siyang uri ng sakit na lupus at allergic sa lahat ng gamot para gamutin ang kanyang sakit. Kapansin-pansin ang pagbaba ng timbang ni Kris base sa pinakahuling litratong inilabas niya sa Instagram Sabado ng gabi. Maliban dito ay mayroon din umano…
Read MorePEACE TALKS MULING BUBUKSAN
(JUN V. TRINIDAD) POSIBLENG muling magsimula ang usapang-pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at mga komunistang rebelde. Noong Biyernes ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas pa ang pinto para sa pagpapatuloy ng peace talks na ipinatigil niya noong Nobyembre 2018. “Hindi mo pwedeng sarhan (ang pinto). Mag-iwan ka talaga maski maliit. So meron diyan, sabi ko ‘sige basta walang coalition (government),” ang wika ni Duterte sa Pili, Camarines Sur. Kagyat namang pumalakpak si Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa pahayag ni Duterte.…
Read MoreINDON HOSTAGE PUPUGUTAN NG SAYYAF
(NI AL JACINTO) ZAMBOANGA CITY – Nagbanta ang Abu Sayyaf na papatayin ang isang Indonesian hostage kung hindi magbabayad ng ransom ang employer o ang Jakarta kapalit ng buhay ng biktima. Nagpadala ng video clip ang Abu Sayyaf sa employer ni Samsul Sanguni, 40, at doon ay makikita itong nakaluhod sa loob ng hukay sa kagubatan at nakatali ang mga kamay sa kanyang likuran at umaapela sa kanyang kumpanya. Bantay-sarado ng mga armado si Sanguni habang ito ay umiiyak at humihingi ng tulong na mailigtas sa tiyak na kamatayan. Si…
Read More2 PA SA BATOCABE SLAY SUMUKO
DALAWA pang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ang sumuko Sabado ng umaga kung saan anim na ang kabuuang suspect na nasa kostodiya ng pulisya. Sina Rolando Arimando at Danielo Muella ay sumuko dalawang araw matapos sumuko ang main gunman na si Henry Yuson. Sinabi ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde na ang tatlo na nasa pangangalaga na ng kapulisan ay sina Christopher Naval, Emmanuel Rosello, at Jaywin Babor. Ang ikapitong suspect, umano’y mastermind na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo, ay nahaharap ngayon…
Read MoreGRADE 7 NAGBIGTI SA TRAFFIC LIGHT
(NI JG TUMBADO) IKINAGULANTANG ng mga motorista ang pagpapakamatay ng isang grade 7 student sa pamamagitan ng pagbigti nito sa mismong traffic lights sa sentro ng Koronadal City Biyernes ng gabi. Napag-alaman kay PO2 Eduardo Villanueva, inakala lamang ng mga tao sa lugar na may kukuning bagay sa mataas na bahagi ng traffic light ang 19-anyos na lalaking biktima. Pero laking gulat na lamang nila nang bigla itong maglagay ng tali sa poste ng traffic light at ikinabit sa kanyang leeg bago nagpatihulog. Nangyari ang insidente pasado alas-8:00 ng gabi…
Read MoreTRASLACION GAWING PAYAPA — ERAP
(NI MITZI YU) UMAPELA si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga mamayan ng lungsod at sa PNP na tiyaking ligtas at mapayapa ang traslacion sa Enero 9, Miyerkules. Ayon kay Estrada, bagama’t naniniwala siya sa kapasidad ng PNP sa pangunguna ni General Oscar Albayalde at ni Manila Police Chief, Senior Supt Vicente Danao, Jr.; kailangan pa rin ang pakikiisa ng mga residente ng Maynila upang masiguro ang kaayusan sa prusisyon. Ipinag-utos na rin ni Estrada ang paglililinis sa mga daraanan ng Itim na Nazareno, pati na ang mga obstructions tulad…
Read MoreDTI NAKAMONITOR SA PAGTAAS NG BILIHIN
WALANG inaasahang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyong ‘Usman’, partikular sa Eastern at Visayas, at Bicol Region, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na agad silang nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga apektadong lugar upang mabatid kung may mga negosyanteng nananamantala pa ng mga nabiktima ng kalamidad. Nagbabala rin ang ahensiya sa mga mahuhuling nagtaas ng bilihin. Sinabi rin ni Lopez na walang dahilan para mag-panic ang mga mamimili dahil…
Read More