DAGDAG-BAWAS SA OIL PRODUCTS IPATUTUPAD

gaso

DAGDAG-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa Nobyembre 12. Bawas-presyo sa presyo ng diesel ang ipatutupad habang sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng taas- presyo sa gasolina. Ipatutupad ang mula P0.90-P1.00/litro dagdag sa presyo ng gasolina habang nasa P0.10-P0.20/litro naman ang rollback sa diesel. Sa kerosene ay nasa P0.10-P0.20/litro ang ibabawas sa presyo. Sa kabuuang mula Oktubre 1 ay nasa P2.55 ang naibawas sa presyo ng diesel habang higit sa P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.   644

Read More

SOLO-LIDERATO ITATAYA NG NLEX vs MAGNOLIA

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) ITATAYA ng NLEX Road Warriors ang solo lideratong posisyon sa pagsagupa nito sa nagtatanggol na kampeong Magnolia Hotshots sa tampok na laro sa 2019 PBA Governor’s Cup elimination round sa Ynares Center-Antipolo. Bago ang alas-6:45 ng gabing game sa pagitan ng Hoshots at Warriors ay magsasalpukan muna sa alas-4:30 ng hapon ang Meralco Bolts at NorthPort Batang Pier. Nasolo ng NLEX ang liderato sa 7-1 panalo-talong kartada makaraang matalo ang dating katabla nila na TNT Katropa kontra Barangay Ginebra, 93-96, noong Biyernes. Dalawang sunod…

Read More

LUCIO ‘BONG’ TAN NAG-COLLAPSE, ISINUGOD SA OSPITAL

WALANG malay na isinugod sa Cardinal Santos Memorial Medical Center ang anak ng bilyonaryong si Lucio Tan na si Lucio ‘Bong’ Tan, Jr  habang nasa isang basketball game sa Mandaluyong City. Ayon sa report, nag-collapse ang nakababatang Tan habang nasa basketball game sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City. Kamakailan lang ay hinirang si Tan bilang bagong president of PAL Holdings president kapalit ni Gilbert Santa Maria na nanatili naman bilang pangulo ng nasabing airline company. Sa kabilang ng kanyang pagiging abala sa mga negosyo ay hindi pa rin binibitawan…

Read More

REGINE SA ASHMATT: ANG DAMI NANG PINAGDAANAN NG RELASYON NA ‘YAN!

(NI BOY ABUNDA) KAMAKAILAN ay naging kontrobesyal ang pagwo-walkout umano ni Morisette Amon sa birthday concert ni Kiel Alo. May kinalaman ang nasabing insidente sa naging panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si Mario Dumaual sa singer. Pagkatapos ng maikling panayam tungkol sa pamilya ng dalaga  ay naiba na raw ang mood ni Morisette kaya nagpasya na lamang na umuwi at hindi na nagtanghal sa concert. Isa si Regine Velasquez-Alcasid sa mga kaibigan na nagbigay ng payo kay Morisette kaugnay sa isyu. “Hindi ko alam kung anong nangyari. So it’s…

Read More

GIRIAN SA BUDGET NAKAAMBA

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na posibleng maantala ang approval ng 2020 National Budget kung ipipilit ng Kamara ang mga nais nilang isingit na mga amendments na umaabot sa P100 bilyon. Sinabi ni Lacson na sa panig ng Senado, nais nilang matapos agad ang approval ng budget at hindi na ito maantala upang magamit on time. “Kami committed na hindi ma-delay. Ang problema makakapag-delay nito pag insist nila en toto ang P100B. Matatagalan kami sa bicameral conference committee pag-insist nila yan,” saad ni Lacson. Ipinaaalala ni…

Read More

MAANGAS NA AKTOR NAHIMASMASAN, BAIT-BAITAN PARA IWAS TSUGI

(NI JERRY OLEA) BULUNG-BULUNGAN na nagtalakan ang isang coño actor at beteranong direktor sa taping ng isang drama series. Angas-angasan kasi ang coño actor. May attitude. Pero in fairness, nahimasmasan siya. Ayon sa aming source, nag-usap nang mahinahon at masinsinan si direk at ang coño actor. Nangako ang coño actor na magbe-behave na siya alang-alang sa kanilang drama series.   469

Read More

DIGITAL MAP SA GOV’T PROJECTS PINAPLANO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magkaroon ng digital map sa mga proyekto at programa ng gobyerno na ipatutupad sa susunod na taon. Dapat anyang kasama rito ang livestreaming ng malalaking public work projects upang madaling mamonitor ng publiko. “Projects should be geo-tagged, and there should be an app in which the status of a project is just a click away,” saa ni Recto. Iginiit ni Recto na kailangan ng bansa ng government project surveillance (GPS) na isang sistema na may updated data sa…

Read More

LENI IIMBITAHAN SA KAMARA SA PLANO SA DRUG WAR

(NI ABBY MENDOZA) IIMBITAHAN ng House Committee on Dangerous Drugs si Vice President at ICAD Co-Chair Leni Robredo upang mailatag nito sa Kamara ang mga programa sa drug campaign ng administrasyon. Ayon kay Cavite Rep. at Dangerous Drugs  Committee Vice Chair Elpidio Barzaga, makatutulong sa drug war kung malalaman nila ang mga programang nais isulong ni Robredo, sa ganitong paraan umano ay united ang lahat ng ahensya. “To address the drug problem, there must be a united, concerted and well planned action to be taken not only by the executive but…

Read More

RURU BAGONG DENIAL KING

(NI JERRY OLEA) Si Ruru Madrid ba ang Bagong Denial King ng Local Showbiz? Buong ningning na itinanggi ni Ruru last Friday sa 24 Oras ang tsikang muntik na siyang masagasaan ng rumored girlfriend niyang si Bianca Umali noong Tuesday night sa carpark ng SM Megamall matapos ang premiere night ng pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith na Cara X Jagger. Sweet-sweet-an sina Ruru at Bianca last Thursday sa Havana Nights GMA Thanksgiving Party. Inalalayan at inakbayan ni Ruru si Bianca. Nakaka-Sahayad, huh?! So, pare que pa at lumuha ang katotong…

Read More